Chapter 1: Hi

603 41 6
                                    

Reminder: Some events in this series didn't happened in Blue and Red's, it's their story at sa kanila lang nakatuon iyon. But this time, it's Oliver and Cassiopeia's now.

Here it is, chapter 1! Enjoy!

--------------------------------------------

2 years later...

Club Haven

HINDI makapaniwang napatitig si Cassiopeia sa kaibigang si Red matapos itong umamin na may gustong lalaki na ito--but a gay one.

Napatingin naman siya kay Nicole. Pareho silang reaction. She knew Red is not vocal having a liking to someone. Naging kaklase at naging kaibigan niya ito noong highschool pa but she never heard from Red having a crush or got interested to someone lalo na sa lalaki. But now that they are in third year college, isang malaking himala at napaka-swerte ng kung sino mang bakla na magustuhan ng isang Red Allison Sebastian.

Cassiopeia grinned. "Red, don't tell me tinamaan ka doon sa bakla?"

"Crush mo?" Bigla ay napailing nalang si Cass sa dagdag ng tanong ng kaibigan. Malamang crush niya, tinamaan na nga eh.

"Ganoon pala iyon 'no?" Doon naman muling bumaling ng tingin si Cassiopeia kay Red. Napapantiskuhang tinitigan niya ito ng inisang lagok ang inumin sa baso. So she smiled.

"Ang alin?" Nicole asked back. Hindi na niya dinagdagan iyon. Liking a gay is not bad. Parang katulad lang rin naman ito pag nagkakagusto sa isang lalaki. Alam naman ni Cassiopeia na posibleng magkatuluyan ang babae at bakla. But it rarely happens, kung talagang ang dalawang taong iyon ay para sa isa't-isa. Walang bakla-bakla sa babaeng tinamaan sa isang bakla. Katulad ng sitwasyon ni Red ngayon sa harap niya.

"Kinilig kasi yata ako kanina."

Tagong napangiti naman si Cassiopeia sa narinig mula kay Red. She's been there, liking a gay gay too. But then, she had stopped it. Naging normal nalang sa kanya ang nararamdaman tuwing nakikita ang baklang iyon.


-------


-OLIVER-

Nagsihawalay na kami ng landas ng mga baklita ng marating namin ang parking lot ng school. Uwian na din naman kasi at gogora na akong umuwi. Aba naman, hindi nemen kasi ako lakwatsera...medyo slight lang. Charot! Good girl ako eh.

"Hello dear parents of mine! I'm home!" Bati ko kay Mama at Papa na nakita ko sa malapad naming sala na naghahalikan. Aba naman, ang ni Papa nakauwi ngayon ah. Usually kasi eksaktong dinner time siyang nakakauwi. Eh alas-singko pa lang.

"Oh! My handsome son is here!" Napangiwi nalang ako bigla sa sinabi ng ama ko. Emeged lang ha. Sanay na ako sa pa handsome-handsome niyang tawag sa akin pero...nemen kese eh! Ang ganda ko kaya!

"Anak!" Tanging bati naman ni Mother dear at tumayo na mula sa couch. Usually talaga kasi minsan lang akonh umuuwi sa bahay, especially weekends lang pero TGIF today eh, kaya gumora ako deretso pauwi ng palasyo.

Lumapit naman ako sa kanila pareho. Tatanda na nang dalawang to marunong parin lumandi. Kung dapat kasi noon pa nagjugjugan ng todo-todo nang magkaroon sana akong kapatid but then, ewan ko sa kanila.

Bitch naneun SOLO tuloy akong maganda nilang anak. Char!

At oo, bakla ako. Bakla talaga ako but I have a great parents. Si Papa at Mama tanggap na tanggap ako bilang ako. Kaya mahal na mahal ko rin tong mga to kahit matanda na at nakita kong naglalandian kanina.

Well, di naman talaga sa todo matanda sila. My Mother dear is 45 while my Father dear is 46. Oh diba? And they're both beautiful and handsome kaya ano pa nga ba ang magiging resulta? Edi akez na super ganda.

My Gay Boyfriend (Series 2)Where stories live. Discover now