Chapter 5

5 1 0
                                    

Chapter 5

Sorry


"Bilisan mo diyan!" utos ko kay Vernon na pinaglilinis ko ng bakuran naming. Nakabusangot na siya habang binubuhat ang sako ng mga dahoon na nawalis niya kanina.

"Oo, saglit lang!" naiinis na niyang sabi. Sakto naman ay padating na si Valene na may dalang pagkain.

Nasa terrace kami habang pinapanuod si Vernon na naglilinis. Hindi sa aking ideya ang paglinins si Vernon kundi sa ate niya mismo.

"Huwag kang magrereklamo diyan! Napaka-basugalero mo at nadamay pa si Wyn!" galit na sigaw ni Wyn.

Nang malaman niya kahapon kung ano ang nangyari sa mukha ko ay mas galit pa siya kesa sa akin. Hindi siya natitigil sa kakadakdak kay Vernon. Noong pag uwi naming ay hindi pa umaamin si Vernon sa ginawa niya. Hanggang sa ako nalang ang nagkwento at mas lalong nagalit si Valene.

Grounded si Vernon sa cellphone niya kaya para makuha niya ito ay kailangan niyang maglinis hanggang sa makuntento si Valene. Mukhang malabo makuntenhto si Valene at marami pa raw siyang ipalinis kay Vernon.

Kakatapos lang naming kumain at agad na inutusan ni Valene na linisin ang bakuran namin. Umaapila pa siya kanina pero hindi talaga siya makatakas sa ate niya.

"Bilisan mo maliligo pa kami sa batis!" sigaw uli ni Valene.

Tumigil si Vernon sa ginagawa niya at humarap sa amin na nakapamayawang.

"Ikaw kaya ditto!" ayan pikon na siya.

"Aba ako pa utusan mo?!"natawa ako sa kanilang dalawa.

Napahawak ako sa pisngi ko na hindi na ngayon ko palang nararamdaman ang sakit. Buti nalang at hindi namasa ng husto at kaunti lang ang pagiging-violet niya. Buti nalang at agad akong binigyan ng cold compress kahapon ni Ardus kung hindi ay siguro Malala pa ito ngayon.

Nagpatuloy si Vernon sa paglilinis hanggang sa nagyaya na si Valene na pumunta na kami sa batis. Iniwan namin si Vernon do'n para ayusin ang mga ginamit niya.

Nagdala lang ako ng isang malaking tuwalya. Wala naman akong balak maligo, gusto ko lang magpahangin doon. Dumaan kami sa sakop ng lupa namin. Mas malapit dito kahit na puro puno ang madadaanan namin.

Pagdating namin ay dumiretso kami sa isang maliit na kubo na may lamesa upuan. Nilagay namin ang mga gamit namin doon. May iilang mga bata na naliligo rin sa batis. Palibhasa walang pasok kaya nagkatao dito.

Tumingin sa akin si Valene ng makaupo ako sa upuan.

"Ano tatambay ka lang dito?" tanong niya habang inaayos ang buhok niya.

Nag iwas ako ng tingin at tinignan ang mga batang nagkakasiyahan sa tubig.

Umiling ako. "Mamaya na, mauna ka na muna," sabi ko.

Hindi na niya ako pinilit at umalis na para magtampisaw sa malamig na tubig ng batis. Ngayon nalang uli ako nakapunta dito. Tuwing pupunta ako dito ay lagi kong sinasama ang mga pinsan ko dahil natatakot ako daanan. Baka may sumlubong na baboy ramo sa akin at wala akong kasama.

Maya maya ay dumating na si Vernon na may dala dalang soda at chips. Tumingin siya sa akin at naupo sa katapat kong upuan.

Inirapan ko siya.

"Ano na naman ginawa ko sa'yo? High blood ka masyado diyan."

Masama ko siyang tinignan. "Huwag ka na ngang magsalita naiirita ako sa pagmumukha mo!" naiirita kong sabi.

"Hindi naman ako sumuntok sa iyo, ah!" pangangatwiran niya pa. Lalong nag init ang dugo ko sa kaniya.

"Sino ba kasing nakikipagsuntukan?" pabalang kong tanong sa kaniya.

SolitaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon