Feeling gwapo, tsss. Well, gwapo naman talaga sya pero ayoko sa mga tipo nya. Halatang babaero at mataas ang tingin sa sarili. Nako! Bakit kaya ang daming taong ganyan? Yung feeling nila sila na ang pinakamaganda at pinakagwapong nilalang sa mundo. Haler! Ano sila mga dyosa? Tsk! Kepapanget naman ng mga ugali.

Malapit na ako sa bahay ng mapalingon ulit ako. Feeling ko kasi ay may sumusunod sa akin. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko iyong lalakin mayabang kanina na nakasunod pa rin sa likuran ko. Oh my gosh! Mamaya ay kasama ito sa sindikato, iyong mga nangunguha ng mga teenagers tapos ay ibebenta ang mga laman. Uwaaaa! Naiiyak na ako, dapat pala ay sumama na lang ako kay Jennessa sa mall kanina. Kung bakit ba naman kasi ang tamad-tamad ko e! Nagpapapadyak ako doon habang nararamdaman kong nagtutubig na ang mga mata ko.

Lumingon ulit ako sa likod ko at nandun pa rin yung lalaki. Uwaaaah! Ano ba to?! Lintek na. Gusto ko pang makapagtapos ng pag-aaral. Ayoko pang mamatay! Uwaaaa! Huminga ako ng malalim at saka nagbilang, sige Macey kaya mo yan. Tumakbo ka na lang. 1..2..3..TAKBO!

Wala na akong paki sa paligid at sa mga nababangga ko basta ay makatakbo lang ako. Hingal na hingal na ako, kahit makaabot lang ako sa guard house ng village ng tinitirhan ko ay okay na iyon. Pero kung minamalas ka nga naman, naramdaman kong mag humawak sa braso ko at hirap ako sa kanya.

Napaiyak na talaga ako habang nagpapapadyak. "A-anong kailangan mo sa akin?!" Pasigaw na tanong ko habang umiiyak. Naiinis na ako! Bakit ba kasi ang tanga-tanga ko?! Ayoko pang mamatay! Marami pa akong pangarap na hindi natutupad.

Narinig ko naman ang halakhak nya. Napataas tuloy ako ng tingin, muntikan na akong mapanganga dahil sa napaka-gwapo nya. Gwapo na sya kanina nung nasa malayo pa lang sya pero mas gwapo pala sya kapag nasa malapitan. Tawa pa rin sya ng tawa habang mahigpit na hawak ang braso ko.

"A-Anong..Bakit ka tumatawa ha?! Bwisit ka! Pakawalan mo ko! Wala na akong atay! Wala na akong puso! Wala na akong lamang loob! Robot lang ako! Pakawalan mo na ako! Huhuhuhuhuhu." Sigaw ko na sa huli ay nauwi rin sa pagmamakaawa.

"Hahahahahahahaha. A-Ano bang sinasabi mo? Hahahahahahahahaha. G-Grabe! Hahahahahahahahaha." Sinamaan ko naman sya ng tingin. Ano ba to? Niloloko ba ako nito? Napatigil naman ako sa pag-iyak at pinunasan ko ang luha ko gamit ang isa kong kamay na hindi nya hawak.

Sa inis ko ay sinampal ko sya kaya naman napatigil sya sa pagtawa. Mukha ba akong clown para pagtawanan nya? Bwisit sya! Mamamatay na nga ako sa kaba dito tapos tatawanan nya lang ako?! "Aray! Ang sakit nun ha!" Angal nya at sumeryoso na ang mukha.

"Eh bakit mo ba kasi ako pinagtatawanan ha?!" Inis na tanong ko sa kanya. Mukhang naalala nya naman ata kung bakit nya ako pinagtatawanan kanina kaya tumawa ulit sya. Kumulo na naman ang dugo ko at feeling ko ay pulang-pula na ang mukha ko dahil sa inis sa talipandas na ito!

Akmang sasampalin ko sya ng pigilan nya ako, "Hep! Hindi ka na nakakatuwa, Ms. Organs. Hahaha!" Wika nito.

Inirapan ko naman sya, "Organs your ass! Bakit mo ba ako pinagtatawanan ha?!" Inis na tanong ko sa kanya.

"Eh kasi naman ikaw e. Nakakatawa ka hahahahaha. Pagkamalan ba naman akong nangunguha ng mga lamang loob? Sa gwapo kong to, tiyak magkukusa na ang mga babae na ibigay sa akin ang mga lamang loob nila." Aniya at nagpogi pose pa.

"Yuck! Ang kapal ng mukha mo! Mukha ka ngang ketong." Pang-aasar ko sa kanya. Masyado naman kasing mahangin ang isang ito at ang taas ng tingin sa sarili nya.

Nanlisik naman ang mga mata nya "Ano?! Baka gusto mong halikan kita dyan!"

"Ewwww! Kadiri ka! Layuan mo nga ako, hindi ka lang pala mukhang ketong. Manyak ka rin!"

"Aba! Sinusubukan mo ba talaga ako ha?"

Inirapan ko naman sya, "Whatever! Ano bang kailangan mo sa akin? Hindi ako mayaman! Hamak na katulong lang ako!" Pagsisinungaling ko. Baka mamaya ay pera ang habol nito sa akin. Haler! Hindi naman talaga ako mayaman, ang asawa lang ni mommy ang mayaman.

"Sa mukha kong to sa tingin mo problema sa akin ang pera? Tss! Ibang klase kang babae ka. At sa tingin mo maniniwala ako sayong hamak na katulong ka lang? Eh branded nga iyang bag mo. Nako, letche. Huwag mo kong pinagloloko-loko. Kailangan ko lang ng matitirhan kaya sa ayaw at sa gusto mo ay patitirahin mo ako sa bahay mo." Nginisian nya pa ako. Ano daw?!

"Ang kapal ng mukha mong murahin ako! At hindi ako magpapatira ng kung sino lang sa bahay ko no! Mamaya ay rape-in mo pa ako. Yuck! Mr. Ketong faced!" Inirap ko ulit sya. Bakit kaya ganito? Inis na inis talaga ako sa lalaking to.

Napahalakhak naman sya, "Hindi ako kung sino lang no! Ako ang future husband mo. Kaya sa ayaw at sa gusto mo ay patitirahin mo ako sa bahay mo!"

Napanganga ako. Ano? Nahihibang na ba to?! Future husband? Eh eighteen pa nga lang ako at isa pa marami pa akong pangarap sa buhay no! Wala namang nababanggit sa akin si mommy tungkol sa arranged marriage e! Lintek tong lalaking to, baliw ata. "Tigil-tigilan mo ko baliw! Sa tingin mo maniniwala ako sayo? Neknek mo! Manigas ka dito." Tinalikuran ko na sya pero hinigit nya ulit ang braso ko at hinarap ulit sa kanya. "Ano ba? Nakakainis ka na! Marami pa kong gagawin!" Singhal ko sa kanya.

"Mamili ka, papatirahin mo ko sa bahay mo o habang buhay ka na lang maghihintay sa daddy mo?" Aniya habang nakangisi ng nakakaloko.

Nanigas ako sa pagkakatayo at nanlalaki ang nga mata ko. P-Paano nya nalaman ang tungkol kay daddy? Sino ba sya? Kaanu-ano ba sya ni daddy? "N-Nasa ibang bansa ang daddy ko!" Totoo naman e, nasa ibang bansa naman talaga pero yun nga lang ay step dad ko lang iyon.

Tumango-tango naman sya, "Yeah, you're step dad right?" Nakangising wika nya.

Napakagat ako sa labi ko, "Sino ka ba ha? Stalker ba kita?! Tigilan mo ko. Wala akong panahon sa mga kalokohan!" Kanina pa ako naiinis sa lalaking ito. Feeling ko ay isang kalabit na lang ay sasabog na ako sa sobrang inis.

"Really? Wala ka pa rin bang panahon kung sasabihin ko sayong alam ko kung nasaan ang tunay mong ama?" Nakangisi nyang tanong sa akin.

"A-Ano bang alam mo ha?!" Nahihiwagahan na ako sa pagkatao ng lalaking ito. Sino ba talaga sya? Anong kailangan nya sa akin? Anong kinalaman nya kay daddy? Pinadala kaya sya ni daddy dito?

Nilagay nya naman iyong dalawang nyang kamay sa magkabila nyang bulsa habang nakangisi sa akin. "Alam ko ang lahat tungkol sayo. Lahat nang totoo tungkol sa pagkatao mo na hindi mo alam." Aniya. Nakangisi sya pero ramdam ko sa tono nya na seryoso sya.

"A-ano?" Yan na lang ang nasabi ko. Hindi ko alam, ano ba ang sinasabi nya?  Mga katotohanang tungkol sa akin na hindi ko alam? Anu-ano iyon?

Nilapit nya naman ang mukha nya sa akin. Medyo nabigla ako kaya naman napaatras ako pero lumapit pa rin sya sa akin. Nakagat ko ang ibabang labi ko. Amoy ko na ang mabangong hininga nya at konting abante ko na lang ay magkakadikit na ang mga labi namin. "You want answers right? Then, let's make a deal." Aniya.

Napakunot ang noo ko, "Anong deal?"

"Let me stay in your house for three months and I'll help you find out the truth about yourself." Wika nito.

For three months? Malalaman ko na agad ang mga totoong bagay tungkol sa pagkatao ko? Mga katotohanang hindi ko man lang nalaman sa labing walong taong nabubuhay ako sa mundong ito. It's really a tempting offer, syempre sino ba naman ang ayaw na malaman ang katotohanan sa pagkatao nya diba? For nine years palagi kong tinatanong sa sarili ko kung bakit bigla na lang nawala si dad, kung bakit nangyari ang mga ganitong bagay at ngayon nasa harapan ko na ang oportunidad na malaman ang dahilan at kung nasaan na ang daddy ko. Pakakawalan ko pa ba ang oportunidad na ito? "D-Deal." Napangisi naman sya at saka inakbayan ako. Sabay kaming naglakad patungo sa village kung saan ako nakatira.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 06, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Salazar Series: Unexpected LoveWhere stories live. Discover now