Simula

7 0 0
                                    

Simula

Namulat ako na alam kong hindi kami ganun kayaman. Nakakakain kami ng tatlong beses sa isang araw o minsan ay higit pa doon. Nabibili namin ang mga kailangan namin at paminsan-minsan ay pati na rin ang mga gusto namin. Lumaki akong malapit sa pamilya, only child lang kasi ako kaya naman mahal na mahal ako ng mga magulang ko.

Mula pagkabata ay kasama ko na ang apat kong babaeng pinsan. Kami lang kasi ang babae sa pamilya kaya naman kami-kami lang din ang magko-close. Tuwang-tuwa ako kapag nakikita kong sweet ang mga magulang ko.

Pero gaya ng ibang pamilya ay hindi rin nagtagal iyon. Grade four pa lang ako ng bigla na lang nawala na parang bula ang daddy ko, ilang taon rin akong umiyak ng umiyak noon at tanong ng tanong kay mommy kung anong nangyari, kung nasaan na si daddy at kung babalik pa ba sya.

Ilang taon ang lumipas patuloy akong naghihintay sa dating bahay namin. Lumipat kasi kami ng bahay kasama ang iba ko pang mga tito tatlong taon matapos mawala ang daddy ko. Tuwing tinatanong ko si mommy kung anong nangyari ay hindi nya ako sinasagot, katahimikan lang ang palagi kong naririnig sa kanya.

Lumipas ang taon ng paghihintay ko hanggang sa isang araw ay namulat na lang ako na feeling ko ay wala na talagang pag-asa. Nangibang bansa si mommy para maitaguyod akong mag-isa at doon nya nakilala ang pangalawang asawa nya-ang step dad ko. May business ito sa ibang bansa kaya naman napapadalhan ako ni mommy ng pera, isang beses nya na lang ako sa isang taon nadadalaw. Paminsan-minsan ay hindi nya na talaga ako nadadalaw.

Kasama ko lang ang mga pinsan ko, ang mga tito at tita ko. Minsan ay naiinggit ako dahil kumpleto ang pamilya nila Ines, Alice at Jenessa. Samantalang ang pinsan ko namang si Verity ay kasama ang daddy nya at ang step mom nya pero ako? Wala. Walang natira sa akin kundi ang sarili ko lang.

"Ace dalian mo. Nasaan ka na ba?" Kausap ko si Alice. Nandito ako ngayon sa bus kasama si Jennessa. Kinuha ko kasi iyong pinadala sa akin ni mommy na pera para sa one week allowance ko. Magsisimula na kasi ang klase sa susunod na linggo.

"Malapit na kami. Sige na, bye na." Paalam ko sa pinsan ko. Kanina pa kasi ito tawag ng tawag at medyo nakakainis na dahil ang kulit nito.

Nang huminto ang bus ay agad na akong tumayo at nagmamadaling bumaba. "Macey Eliana Salazar! Hintayin mo ko!" Sigaw ni Jennessa. Hindi man lang nahiya sa mga tao dito sa bus.

Hinarap ko naman sya. "Ano ka ba, Jen! Diba may bibilhin ka pa sa mall? Mauuna na ako. Masyado talaga tong makakalimutin!" Inis na bulalas ko. Totoo naman kasi, usapan na namin na mauuna na ako sa kanyang umuwi dahil wala ako sa mood na mag-shopping ngayon lalo pa at malapit na ang pasukan kaya maraming tao panigurado sa mall.

Napakamot naman sya sa ulo, "Eh? Oo nga pala. Sorry! Sige na, baba ka na." Aniya at saka ako pinagtulakan. Napairap na lang ako at saka bumaba na sa bus. Masyado na kaming nakakaabala sa mga iba pang pasahero.

Medyo malayo pa ang lalakarin ko. Mas pinili kasi namin na sakyan ni Jennessa iyong bus na dadaan sa mall dahil pupunta nga sya sa mall. Bitbit ko iyong body bag ko at ang payong ko. Alas dos na ng hapon at paniguradong busy na sa paghahanda sila Alice sa bahay nila dahil birthday ng mommy nya.

Naalala ko tuloy si mommy, palagi rin kaming busy noon tuwing sasapit ang birthday nya pero ngayon ay binabati ko na lang sya sa facebook o kaya naman ay nagii-skype kami. Ayoko naman kasing pumunta dun sa ibang bansa, mamaya ay hindi nya na ako pauwiin pa. Mas okay na ako na makasama ang mga pinsan ko kesa makasama ang bago nyang asawa. May pagka-strikto kasi iyon at ayaw sa akin nun dahil hindi nya naman ako anak, anak lang ako ni mommy.

Napalingon ako sa likod ko ng maramdaman kong may nakatingin sa akin at tama nga ako. Nasa likod ko ang isang lalaki, naka-itim na t-shirt sya at khaki shorts. Naka-top sider din sya at may dala-dalang bag pack. Ngumisi ito sa akin kaya naman inirapan ko na lang.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 06, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Salazar Series: Unexpected LoveWhere stories live. Discover now