Depths 5

1.1K 62 2
                                    

Before Rhett can pull me towards the warriors ay mabilis na nakawala ako mula sa pagkakahawak niya at agad na tumakbo.

“Kyleigh!” I heard him shouted but I never turn my head back to see him.

Alam kong malayo na ako sakanya at hindi na niya ako mahahabol ng bigla akong natumba dahil sa malakas na pagyanig at pagsabog.

Mabuti nalang at may nakasalo saakin dahilan para masubsub ako sa dibdib nito.

Mabilis na napaangat ako ng tingin para tingnan ito at napasimangot ako sa nakita ko.

“Why it always has to be you?” I asked him and give him a frown.

Tinaasan niya ako ng kilay. “Are you complaining Gray?” agad na lumayo ako sakanya at tinitigan siya ng seryoso at pinagkrus pa ang mga braso sa dibdib.

“Kapag nahulog ba ako sayo sasaluhin mo rin ako?” mukhang hindi niya inaasahan ang tanong kong 'yun dahil napaawang kunti ang labi niya pero kaagad niya rin namang sinara.

Kaya naman napahalakhak ako ng malakas para takpan ang aking pagkahiya. Shit ka Kyleigh! Malandi ka na nga, assuming pa.

Sumusukong tinaas ko ang mga kamay ko. “Okay, huwag kang high blood. Alam ko namang may fiancee ka pero sayang, kung hindi sana siya dumating tayo siguro ang magkakatuluyan sa huli. Maganda ba siya?”

Nagsalubong na naman ang kilay niya kaya napatakip ako sa bibig ko. “Oops, sorry. It slipped.”

Hinawakan niya ako sa siko at tiningnan ng mariin kaya napatitig tuloy ako sa mata niya. May kakaiba sa tsokolate niyang mga mata. May tinatago.

“Mr. White and Ms. Gray the headmaster is asking for your presence.” nagkatinginan kami ni Lucifer bago kami sabay na nagtungo sa opisina ni Hm. Pangalawang pasok ko ngayon sa opisina niya.

Sinalubong kami ng isang seryosong tingin ni Hm habang napakunot noo ko ng makita ko ang warriors sa harapan niya.

Shit, umiiwas nga ako eh.

“Ms. Gray and Mr. White I called for your presence because the warriors needed your help.” napatawa ako sa narinig. Kaya naman napabaling silang lahat saakin at sabay-sabay akong sinamaan ng tingin kaya naman lalo akong napahalakhak dahil sa nakita kong itsura ni Braden.

Natatawang tinuro ko ang itsura niya. “OMG! Look at your face you manwhore. Ang pangit mo kahit kunting gasgas lang ang natamo mo.”

“Gray!” I heard Lucifer whispered with a warning tone pero hindi ko siya pinansin.

Sinamaan naman ako ng tingin ni Braden. “Shut your fucking mouth Kyleigh.” naiirita niyang saway dahilan para mapailing ako.

Napatingin ako sa kasamahan niya na tila hindi makapaniwala dahil nakikipag-usap ako ng gano'n gano'n lang sa prinsepe nila.

Tumikhim si Hm. “Ms. Gray you're disrespecting the prince.” seryoso niyang saad.

Maarteng napatakip ako sa bibig ko at binigyan ng isang ngiti si Braden. “Oops, sorry not sorry honey bunch.” sinamaan niya lang ako ng tingin na mas lalo ko namang ikinatawa.

“Ms. Gray and Mr. White gusto ko lang sana na....” hindi na ako nakinig sa pinagsasabi ni Hm at agad na napaisip. Kapwa color ang apelyido namin ni Lucifer siguro meant to be talaga kami. Tapos maghihiwalay sila ng finacee niya at marerealize ni Lucifer na ako talaga ang mahal niya.

Wait, may nangyari na kaya sakanila? Fuck! Tinatanong pa ba yan?

Of course, alam kong may nangyari na sakanila. Gusto ko tuloy magpadyak-padyak.

Depths of HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon