Depths 20

787 48 6
                                    

Hindi ko maiwasang hindi matulala after I learned something from Cassius. He just told me to stay away from Lucifer kasi nga daw malaki ang galit ng lalaking ‘yun. He even told me if I even remembered my childhood memories kaya naman isang malaking oo ang sagot ko. I mean, wala naman akong amnesia or whatsoever kaya imposible naman ng pinagsasabi ni Cassius saakin.

As far as I can remember, I never encountered Lucifer before, hindi ko namang masasabing may kasalanan talaga ako sakanya kasi nga diba never ko siyang na meet noon. Dito ko lang talaga nakilala si Lucifer sa loob ng paaralan.

Kung naging lalaki ko naman siya ay isang napakalaking imposible rin naman. Sa gwapo ba naman ni Lucifer imposibleng hindi mauulol ang broccoli ko sakanya.

But stepping all of my problems aside, I really need to do something productive. Simula ng pumasok si Lucifer sa buhay ko wala na akong ginawang maganda kasi palagi nalang akong nagmumukmok sa kwarto o kaya aalis sa paaralan para naman mas lalong iligaw ang ligaw ko ng kaluluwa.

Then today, I’ll start to make a little change into myself. I mean a little change won't really hurt right? Gusto ko lang naman na unahin at aliwin ang sarili ko this time.

I am Kyleigh Haven Blood, prinsesa ako at lahat ng prinsepe ay naghahangad saakin kaya naman hindi ko pwedeng ilugmok ang sarili ko para sa isang lalaki lang na may malaking galit saakin.

I went straight to the shower to clean myself. Pagkatapos noon ay kaagad na inayusan ko na ang sarili ko. Hindi naman nagtagal ay kaagad na may kumatok sa pintuan ng dorm ko kaya mabilis pa sa alas cuatro na nakapunta ako sa may pintuan. You know, vampire ears.

“Good morning Ate Kyleigh!” I suddenly smiled at Autumn’s hype greeting.

“Hi to you too Aut, anong sadya?”

“Pinatawag kasi ni Kuya Rhett ang lahat ng membro ng warriors Ate. Kaya I am here para sunduin ka.” napatango-tango ako at kaagad na lumabas nalang din ng dorm ko.

When we arrived at the headquarter ay andoon na sila lahat. What I mean lahat is that includes Lucifer, well except Braden. He’s always missing.

“Bro, ba’t ang aga naman ng call time mo? Antok na antok pa ako. Alam mo namang aligaga ako kahapon dahil sa prinsepe ng bathory di ba?” rinig kong reklamo ni Tanner, nakaligo na siya pero kinusot-kusot parin niya ang mga mata niya.

Dapat gising na ang katawan niya kasi nga nakaligo na siya diba? Pero anong nangyari sakanya?

Rhett Archer hissed, “Pinatawag ko kayo kasi pinatawag din tayo ni Tita Madison.” biglang kumunot ang noo ko sa narinig. Bakit kaya?

“I don’t know the reason why she asked for our presence but all of us must be complete when we go there. Kaya naman I want you to fix yourselves in 10 minutes cause we'll get going.” mabilis na nagsialis qng iba dahil sa narinig. Pwera nalang naming apat. Ako, Rhett, Lucifer and lastly Breeze.

Walang nagsalita sa aming apat hanggang sa nagsibalikan na ‘yung iba and they looks so excited.

Kaagad na ipinalibot ni Autumn ang braso niya sa braso ko as she smiles widely. “Alam mo ate sobrang saya ko ng makita kita rito ngayon.” hindi ko siya pinansin pa. Tch. Ano kayang sadya nito at parang pilit na pinagsiksikan ‘yung sarili nito sa'kin kasi sa pagkakaalam ko kay Sky to lumalambitin palagi.

“Pero alam mo kung anong mas isasaya pa ng buhay ko ngayon ate? Kung ibibigay mo saakin si Prince Cassius. Syeeet! Ang gwapo niya.” tumirik-tirik pa ang mata niya dahil sa narinig.

Then I heard Breeze snorted. “Bata ka pa Autumn.” kaagad na naputol ang panandaliang ligaya ni Autumn sa narinig.

“Kahit kailan talaga ang killjoy ni Kuya Breeze.” bubulong-bulong niya sa gilid ko.

Depths of HellWhere stories live. Discover now