Kabanata 134: The Devil Has Come

325 23 10
                                    

(Just play the theme song for this chapter)

(Just play the theme song for this chapter)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


St. Valentine Academy
Friday 7pm

"Siguro wala naman na sila." sabi ni Marie kay Ella, lumilinga pa siya sa paligid at baka naka-bantay lang sila Alyssa at Nicole.

"Wala na sila. Alas-siyete na kaya." mahinang sabi ni Ella, tinagalan talaga nila sa Journalism Room at nagpa-late ng uwi para hindi maabutan sila Alyssa.

"Hindi pa na naman ako sinundo ni Lukaz. Kaasar, late na nag-sabi na may lakad daw siyang importante." sabi ni Patty, ngayon lang nangyari ang bagay na iyon, na hindi na nga siya inihatid, hindi pa nito sinabi kung saan pupunta.

"Baka nasa La Secretos rin iyon, kasi sabi ni Ramon may gagawin lang daw silang importante doon." sabi ni Tiffany.

"Buti nga si Ramon nagawang mag-paalam sayo, sa amin wala man lang sinabi iyong mga barkada nun." sabi ni Ella.

"Hindi rin naman sinabi ni Ramon, nadulas lang siya sa panahong nilalambing ko siya." pilyang sabi ni Tiffany.

"So kailangan lambingin tulad ng ginagawa mo kay Ramon. Huwag na uy, ang laswa." sabi ni Marie.

"Baliw, pampakalma iyon para umamo." natatawang sabi ni Tiffany, mahina lang sila mag-usap at dahan-dahan nag-lalakad sa hallway.

"Wala na sila." sabi ni Ella, siguradong siya na wala na nga sila Alyssa dahil halos anong oras na rin. Alam niyang maaga itong umuwi dahil tinatamad itong pumasok kaya nga hindi rin ito nagustuhan ng kuya niya kaso ito ang dumidikit kay Steven.

"Lakarin na lang natin sa labasan, wala ng tricycle na pumapasok sa looban ng Academy." sabi ni Patty, kung tutuusin ito ang unang beses niyang maglalakad kasi lagi naman siya hinahatid at sinusundo ni LJ.

"Ganoon na nga ang gagawin natin." sabi ni Marie.

.....................

8:00 pm, La Secretos

"Pare kamusta?"sabi ni Luke ng makita ang grupo nila Rod, naroon ang lahat ng may-ari ng La Secretos, isa itong party na kung tawagin nila ay Bachelors Party kung saan maraming babae, alak at punong puno ng kasiyahan.

Minsan sa isang taon ito ginagawa, at lahat ng may-ari ng La Secretos ay naroroon. Bukod sa nagkakagandahang mga babae, umaapaw na alak, nagdagdag din ng mga nagbabagang ilaw na siyang nagpapatingkad ng gabing iyon.

"Pare, mukhang masaya ang kalangitan ngayon." sabi ni Kian kay Lance nakaupo sila El Sol para hindi sila mapansin ng grupo ni Rod.

Maraming tao sa lugar na iyon ngayon. Matagal na si Kian na may VIP Card sa naturang bar ibinigay iyon noong kasikatan niya ng isang mayamang matrona. Milyones ang halaga bago ka makakuha ng VIP card, doble ang presyo nito kung wala kang kakilala sa mga may-ari ng bar.

Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)Where stories live. Discover now