Kabanata 108: I Hate Love

261 23 15
                                    

(Just play the theme song for this chapter)

"Bakit ngayon lang kayo?' tanong ni Tiffany kay Marie at Dennis

اوووه! هذه الصورة لا تتبع إرشادات المحتوى الخاصة بنا. لمتابعة النشر، يرجى إزالتها أو تحميل صورة أخرى.


"Bakit ngayon lang kayo?' tanong ni Tiffany kay Marie at Dennis.

"Ang bagal kasi magpatakbo ng kotse si Dennis." sagot ni Marie, tiningnan pa nito si Dennis na umiwas ng tingin sa kanya.

Kalahating oras din silang late. Sinulyapan ni Marie ang mga tao pero hindi nito nakita sila Ella at Lance.

"Wala pa sila Ella?" takang tanong ni Marie, ang alam niya maaga itong umalis kasama si Lance kaya nga hindi na niya inakyat ang mga ito kanina sa CluBee.

"Wala pa nga. Pero baka late lang mga iyon." sabi ni Tiffany.

Seventeenth birthday ni Tiffany ginanap ang birthday sa isang bar na malapit lamang sa Academy. Gusto sana ni Ramon maghanda ng engrande pero inayawan ito ng dalaga. Muntik pa mag-away ang dalawa dahil doon. Si Ramon ang gumastos ng lahat, ayaw naman ni Tiffany na abusuhin ang binata pero para maibsan ang galit nito. Nagpahanda sila sa bahay para sa pamilya niya at sa karaoke bar kung nasaan sila ngayon.

Hindi rin biro ang Sound Love Bar, ito ang pinakamagandang bar sa lugar nila. Nasa private Room sila kung saan ito ang pinili ni Tiffany para may privacy sila ng mga kaibigan. Kaunti lang naman ang naimbitahan niya, at umuwi na nga ang iba after ng mga ito kumain.

Isang oras pa ang lumipas at nagkakasiyahan ng ang anim na kinabibilangan, nila Patty, LJ, Marie, Dennis, Ramon at Tiffany. Umuwi na ang iba nilang mga bisita at ang anim na lamang ang natira pero wala pa rin sila Ella at Lance.

............................

"Pumunta na tayo, siguro naman kaunti na lamang ang tao." sabi ni Ella kay Lance, nasa park sila ng gabing iyon malapit sa bar.

Kahit ayaw ni Lance napagdesisyunan ni Ella na gabi na pumunta sa bar at hahabol na lang sa party ni Tiffany.

"Ikaw bahala." sabi ni Lance dalawang oras na sila naroroon ni Ella, late na rin sila umalis ng Academy. Papunta na sana sila sa loob ng bar pero huminto si Ella at nag-lakad ito papuntang park na malapit sa naturang bar.

"Masama ba ang loob mo?" tanong ni Ella kay Lance. Kanina pa wala sa mood ang binata ng bigla niyang baguhin ang desisyon kanina.

"Hindi." tipid na sagot ni Lance.

"Sorry, hindi ko pa talaga kaya harapin ang mga kaibigan ni Rod." sabi ni Ella.

"Kung ayaw mo harapin, sana umuwi na lang tayo." seryosong sabi ni Lance. Ayaw din naman niya pilitin si Ella pero mahihirapan ito malimutan si Rod kung hindi nito tutulungan ang sarili.

"Punta na tayo magpapakita lang ako kay Tiffany, babatiin ko lang siya. Isang oras or kalahating oras sapat na iyon." sabi ni Ella.

"Fine," tipid na sabi ni Lance tumayo ito at hinawakan si Ella.

Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن