Kabanata 125: Marry You

324 24 15
                                    

(Just play theme song for this chapter)

(Just play theme song for this chapter)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

5th day El Paradiso
5:30am Mt. Esperanza


"Hon, wait please listen to me." sabi ni LJ, nasa tuktok na sila ng bundok at hindi pa rin siya kinakausap ni Patty .

Madilim pa sa tuktok ng bundok, bukod dito napakalamig ng simoy hangin, may fog pa sa paligid. Malapit ng mag-liwanag dahil unti- unti ng sumisilip ang liwanag sa kalangitan.

"Nakakatawa lang, kaya pala iniiwasan mong pag-usapan kasi alam mong mabubuko ka na may nararamdaman ka pa." mapang-uyam na sabi ni Patty.

"Hon, ikaw ang mahal ko. Hindi naman ako gumanti ng halik di ba?" sabi ni LJ pero paano niya mapapaliwanag sa nobya ang bagay na iyon, wala naman itong alam sa pakikipaghalikan. Ang nasa isip lang nito ay may humalik sa kanya at nagseselos ito.

"Sabi mo lang iyon, pero iyong sabi niyang nasarapan ka? Hindi ba totoo iyon?" inosenteng tanong ni Patty. Ang makitang may humalik sa binata ay ikinakaselos niya ng sobra.

"Sinabi lang niya iyon kasi alam niyang wala kang alam sa bagay na iyon." sabi ni LJ nilapitan nito si Patty na umiiyak.

"Pero dumikit iyong labi niya diyan sa labi mo." umiiyak na sabi ni Patty tinuro pa nito ang labi ni LJ na hinalikan ni Kat kanina.

"Nakadikit lang iyon, hindi ko naman hinayaan ipasok niya iyong dila niya." sabi ni LJ na ikinapula ng mukha ng Patty at ikinangiti ni LJ.

"Hindi mo na siya mahal?" tanong ni Patty.

"Hindi na." sabi ni LJ

"Bakit ka pa niya hinahabol?" tanong ni Patty nakatingin siya kay LJ, at dahil matangkad ito nakatingala siya dito.

"Kasi guapo ako." pilyong sabi ni LJ.

"Paano kung guluhin niya tayo?" tanong ni Patty.

"Hindi na niya tayo magugulo, akong bahala." sabi ni LJ at niyakap nito si Patty. May pinaplano na siya para sa ginawang panggugulo ni Kat sa kanila ni Patty at magsisisi ito sa gagawin niya.

"Mag-uumaga na, hindi kita mahahalikan kasi may humalik na sayo. Sayang." malungkot na sabi ni Patty.

Tiningnan ni LJ si Patty, lalo siyang nakaramdam ng galit kay Kat sa pagsira ng mood nito at ng pagkakataon.

"Hindi ko sisirain ang araw mo, at kung nasira man iyon pagagandahin ko para sayo." sabi ni LJ.

Nagulat si Patty ng binitawan siya ni LJ sa pagkakayakap, kinuha nito ang bote ng tubig at ang toothpaste. At nagulat siya sa ginawa nito.

"Dito ka talaga nag toothbrush sa ibabaw ng bundok." gulat na sabi ni Patty, matapos nito magtoothbrush nakuha pa nitong mag-spray ng pabango sa bibig at kuskusin ng panyo ang labi nito.

Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)Where stories live. Discover now