Kabanata 133: Devil's Don't Fly

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ayyy, hindi ka rin tsismosa, 'no?" mataray na sabi ni Marie at siniko ito ni Ella na pinipigilan tumawa.

"Alam mo bang birthday niya sa Friday?" sabi ni Nicole at senenyasan nito si Alyssa

"Gusto mo ba i-surprise siya? Isama mo na rin iyong mga friends mo." nakangiting sabi ni Nicole.

"Bakit ko naman gagawin iyon?" sabi ni Marie, hindi niya alam ang birthdate ni Dennis kaya hindi niya alam kung nagsasabi ba ng totoo ang dalawa.

"Para matuwa siya. Kung hindi kayo, para matuwa siya as friends. Special friends kayo hindi ba, hindi ka naman ida-date noon ng buong isang linggo sa isla kung hindi kayo special sa isa't isa." sabi ni Alyssa.

"Ano naman mapapala mo kung tutulungan mo akong surpresahin siya?" natatawang sabi ni Marie.

"Siguro as girlfriend ni Steven at kapatid niya si Ella na bestfriend ka, hindi ba dapat lang na close tayong lahat sa isa't isa." sabi ni Alyssa at umupo pa ito sa tabi ni Ella at inakbayan ito.

"Hindi rin." sabi ni Marie.

"Ganito na lang, kung gusto niyo. Surpresahin natin si Dennis sa Friday, balita ko magpapa-party siya sa La Secretos." sabi ni Nicole.

Nagtinginan ang tatlo, walang sinasabi ang grupo ng mga ito tungkol doon.

"Ooooppppsss, hindi niyo ba alam? Pero okay nga iyon, mas maganda. Surprise natin sila sigurado matutuwa sila at dumating kayong tatlo." sabi ni Alyssa

"Hindi kami makakapasok doon." sabi ni Marie, naiinis siya at hindi man lang siya inimbitahan ni Dennis, nauna pa nitong imbitahan ang dalawang babae sa harapan nila . Hindi na rin sila makakapasok doon dahil isinauli na niya kay Eric ang VIP card bago pa ito maghinala.

"Don't worry, meron ako." nakangiting sabi ni Nicole at ipinakita nito ang VIP Card.

"Totoo, ba iyan?" sarkastikong sabi ni Marie, hindi naman magkakaroon ng ganoon si Nicole dahil milyones ang halaga noon, at kahit may-kaya ito sa buhay, imposible na magkaroon ng VIP card ang isang babae, iyon ay ayon na rin sa sinabi ni Tiffany sa kanila dati. Wala pang nabibigyan ng VIP card ang isang babae.

"Ibinigay ito dati sa akin ni Rod, remember ex-boyfriend ko siya." sabi ni Nicole at tumingin ito kay Ella na nakayuko lang at alam niyang nagkukunwari lang itong nagsusulat.

"Pag-iisipan namin." sabi ni Marie.

"Huwag mo ng pag-isipan. Sige kayo hindi kami aalis dito." sabi ni Alyssa. At nagawa pang umupo ni Nicole sa tabi ni Patty.

Nagtinginan ang tatlo, alam nilang hindi sila tatantanan ng dalawa.

"Sige na sasama na kami. Umalis na kayo." sabi ni Marie.

"Sure iyan ha. Isama niyo si Tiffany para kompleto ang tropa." sabi ni Alyssa at sumenyas ito kay Nicole.

"Huwag niyo kami papaasahin at huwag niyo kaming iindianin, masama kami magalit." bulong ni Nicole bago ito umalis.

............

"Bakit ka umoo?" inis na sabi ni Patty kay Marie, kilala niya ang dalawang iyon siguradong hindi sila papatahimikin ng mga ito.

"Oo lang naman. Tapos huwag tayo pumunta, uwian natin maaga." sabi ni Marie.

"As if naman, magagawa natin iyon. Eh, mukhang hindi nga pumapasok sa klase ang mga iyon." sabi ni Ella.

"Pero 'di ba kayo nagtataka, wala naman sinasabi sila Lukaz sa atin. Hindi kaya may plano lang masama iyong dalawa." nagdududang sabi ni Patty.

Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon