Chapter 4 : A mothers Love

18 4 0
                                    

"Ria "

"Ria , bumangon ka na anak " Tinapik tapik pa niya ako sa likod

Kahit na tinatamad pa akong bumangon ay wala na akong naggawa at tumayo na ako baka mahampas pa ako eh .

"Ma , bakit po ? " tanong ko habang kinukusot ko ang aking mata

"Aalis tayo "

"Saan tayo pupunta ma ?? "

"Sa bayan , bibili na tayo ng mga gamit mo para sa school . Atsaka ihanda mo na mga kailangan mo dahil malapit na ang enrollment niyo "

"Pero ma ... Hindi ba wala tayong pera ?"

"Wag kang mag alala meron na akong nadelehensiya "

Nilabas niya ang pera at binilang .

Nanlaki naman ang aking mga mata dahil sa libo libong hawak niya

"Ma ?? Saan mo naman nakuha ang ganyan kalaking pera ?? "

"Kaya nga wala ako dito kagabi diba? Pinagtrabahuhan ko . Wag ka ng maraming tanong at maghanda ka na . "

Maraming katanungan pa ang gusto kong itanong pero hindi ko na itinanong pa

I know she's lying .

Habang naliligo ako ay iniisip ko parin kung saan ba nakuha ni mama ang pera

Di kaya ginagawa niya na naman ?

Kailangan kong alamin ang kinikilos ni mama .

Ayoko naman na gawin nya ulit yung mga bagay na ginagawa niya dati .

Pinigilan ko na ang sarili ko na mag isip ng mag isip at tinapos na ang aking pagligo .

Habang nasa bayan kami ay iniisip ko kung paano ko mahuhuli si mama . Aalis na naman kaya siya mamayang gabi? Kung aalis siya ... Maaari ko siyang sundan

"Aray ma " inda ko dahil kinurit ako ni mama

"Kanina pa kita tinatanong kung naayos mo na ba ang mga kailangan para sa enrollment "

"O-opo ma . "

"Ano bang iniisip mo diyan ha . Mukhang wala ka sa sarili e "

"Wala ma , inaalala ko lang kung ano ang mga aaralin ko "

"Pag butihin mo ang pag aaral mo ha? Ng maipakita natin sa kabila na kaya mong makapagtapos kahit na kakarampot ang binibigay na sustento sayo "

Tumango na lng ako bilang pag sang ayon .

Pagkatapos namin mabili ang lahat ng kailangan ko sa school ay pumasok kami sa Kfc .

Masaya kaming kumakain ni mama at nagkwentuhan

Dito kase kami madalas noon kumakain at paborito namin itong restaurant .

ClinophileWhere stories live. Discover now