Ikalabingdalawa: Pagtatangka

13 0 0
                                    

Marahang pinapasadahan ng tingin ni Laymin ang kanyang dinadaanan habang bitbit sa kanang kamay ang isang basket ng dalandan na binili niya para kay Crescent. Matagal na niya itong nakasama kaya naman kabisado na niya ang lahat ng ayaw at gusto ng nakababata. Bata pa lamang siya ay ninais na niyang magkaroon ng kapatid ngunit hindi na nabiyayaan ng karagdagang miyembro ang kanilang pamilya kaya naman magmula nang makilala niya ito ay itinuring na niya itong kapatid na babae.

Napapansin niya ang malaking pagbabago kay Crescent, maging ang paglayo ng loob nito sa kanya. Hindi niya mapigilan ang sarili na magtampo sa tuwing iniiwasan siya nito sa hindi malamang dahilan. Subalit inuunawa na lang niya ito dahil ang mahalaga para sa kanya ay kasama na niya itong muli.

Napahinto siya sa paglalakad nang matunghayan ang pagbagsak ng batang kanina lamang ay nag-aayos ng mga bulaklak na ibinebenta sa isang flower shop, isang dipa ang layo mula sa kanya. Nakatarak sa dibdib nito ang isang metal rod. Ginamot niya ang bata ngunit namatay rin ito. Natanaw niya sa 'di kalayuan ang salarin kaya naman dahan-dahan niyang inihiga ang bata sa malamig na kalsada upang habulin ang may sala.

Napadpad siya sa tagong lugar na madalang puntahan ng mga tao. Nanlumo siya nang mapag-alamang babae pala ang pumatay sa bata. Siguradong walang sinuman sa mga mamamayan ang gagawa ng ganoong krimen kaya nasisiguro niyang kaanib ng Dark Phantom ang babae.

Agad itong sumugod gamit ang isang espada. Hindi siya maaaring magkamali, iyon ang espada ng Dark Master na ginamit nito laban sa kanila ilang taon na ang nakararaan. Dahil sa labis na pagkabigla, hindi niya nagawang iwasan ang talas nito na humiwa sa kanyang tagiliran.

Nagpatuloy siya sa pakikipaglaban sa babae ngunit sadyang malakas ito. Nakaapekto rin sa kanya ang sugat na natamo mula sa unang pag-atake nito.

••••

Abala si Jun Yeon sa pagsuri ng mga impormasyon na ipinapakita ng kagamitan na maaaring magturo sa kanila kung saan matatagpuan ang Black Pearl. Batid niya na  kumikilos na ang Dark Phantom para hanapin iyon at anumang oras ay maaaring mapasakamay ito ng kasamaan. Iyon ang bagay na hindi niya mapapayagang mangyari.

Agad siyang napatayo nang makita si Chyann na humahangos, pasan ang walang malay na si Laymin na puno ng galos at dugo ang buong katawan. " Anong nangyari?", bungad niya habang tinutulungan si  Chyann na maibaba si Laymin.

" Nakita ko na lang siya na walang malay sa kabisera.", sagot ni Chyann na may bahid ng pag-aalala. Maging siya ang hindi alam ang totoong nangyari sa kaibigan. Alam niya na hindi ito basta-basta masusugatan o masasaktan lalo pa na bihasa sa pakikipagtunggali ang binata.

Isa-isa namang nagsulputan ang mga Guardians na halatang nag-aalala sa kalagayan ni Laymin. " What happened?", tanong ni Ordein na agad dinaluhan si Laymin upang suriin ang kalagayan nito.

Mayamaya pa ay dumating si Adana na nasa katauhan pa rin ni Crescent. "Hayaan n'yo akong tingnan ang kanyang lagay.", aniya kaya bahagyang lumayo si Ordein upang bigyan ng espasyo ang dalaga.

Matamang hinawakan ni Adana ang palapulsuhan ni Laymin. Ang totoo, siya ang may kagagawan niyon sa huli. Binalak niyang patayin si Laymin ngunit hindi siya nagtagumpay dahil sa biglaang pagdating ng isang tao na nagtatago sa ilalim ng puting balabal. Nagtamo rin siya ng sugat sa ilang bahagi ng katawan kaya kung pati ito ay kanyang kakalabanin, pihong siya ang uuwing malamig na bangkay.  "Mababaw na sugat lamang ang kanyang natamo subalit nagkaroon din ng tama ang kanyang ulo. Agad kayong magpadala ng maaaring gumamot sa kanya.", aniya saka lumayo.

Katulad ng kanyang sinabi, agad nagpatawag ng manggagamot si Jun Yeon para matulungan si Laymin na ilang oras nang walang malay-tao.

Napagpasyahan ng Guardians na halinhinan sila pagbabantay kay Laymin dahil hindi sila nakasisiguro na magiging ligtas ito kahit pa naroon ito sa kanyang silid. Upang hindi pagdudahan, pinili ni Adana na siya ang magbantay dito. " Ang swerte mo pa rin. Akalain mo, wala kang malay pero buhay na buhay ka pa rin?...", nagpakawala ito ng nakalolokong ngiti habang naglalakad palapit sa higaan ni Laymin.

Umupo siya sa tabi ni Laymin habang hinahaplos ang buhok nito. " Huwag kang mag-alala, sa oras na mapagpasyahan kong tuluyan ka nang patayin, sisiguraduhin kong kasama mo na si Crescent.", bulong niya rito bago muling umayos nang pagkakaupo.

" Nababagot ako. Ngayon na kaya kita patayin? Gusto mo ba?", tanong niya habang tinitingnan ang walang malay na si Laymin.

Halos malaglag siya sa kinauupuan nang biglang bumukas ang pinto. " Masyado ka namang atat.", ani Ysabelle na nakangiti sa kanya. Nakahinga siya nang maluwag sapagkat wala sa plano ang mabuking siya nang maaga.

" Pinakaba mo ako, alam mo ba 'yon?", sabi niya sa kaibigan saka padabog na lumapit upang yakapin ito. Napatawa na lamang si Ysabelle sa kanyang iniasal. "Sa susunod kasi, maging alerto ka. Maaaring may makarinig sayo mula sa labas...", paalala ni Ysabelle.

" Baka naman si Laymin pa ang magpahamak sa atin niyan.", ani Ysabelle na halatang nagtitimpi habang nakatingin sa binata.

Tiningnan din niya ito bago muling nagsalita. " Hindi. Sinigurado kong matatagalan bago niya mabawi ang kanyang lakas ", aniya.

Hinawakan ni Ysabelle ang kanyang kamay bago tumayo at hilahin siya palabas ng silid. " Tara sa ibaba.", yaya nito.

" Sandali. Nakilala mo ba kung sino ang pakialamerong humadlang sa mga plano ko?", tanong ni Adana na nagsisumula na namang kumulo ang dugo.

Umiling si Ysabelle. " Hindi pero maaari nating makuha ang sagot mula Guardians.", aniya saka ngumisi.

Naabutan ng dalawa na nag-uusap ang mga Guardians tungkol sa nangyari kay Laymin. Halata sa mga hitsura nito ang pagkaseryoso at pag-aalala.

" According to witnesses in perimeter, Laymin ran after a criminal who killed a young girl in a flower shop. The thing is, why would someone kill an innocent girl? Ayon sa may-ari ng flower shop, madalas siyang tinutulungan ng bata upang magkapera at sa tagal na kasama niya ito, wala siyang nakikitang dahilan para patayin o ipapatay ito.", paliwanag ni Xiandrei.

Kinuha ni Ordein ang papel na naglalaman ng impormasyon saka sinuring maigi ang mga nakalahad doon. " Chyann...",  tawag niya. Agad siyang nilingon ng kaibigan. " Wala ka bang napansing kakaiba kay Laymin o sa lugar when you saw him?", tanong niya kaya malalim na napaisip si Chyann.

" Wala. Malinis ang lugar at mukhang pinagplanuhan ang lahat.", sagot ni Chyann. " I remember! I saw someone in white cloak.", dagdag niya na waring nagwagi sa isang patimpalak.

" Did you see his face?", tanong ni Chendrick. Siya ang kasama ni Xiandrei sa pag-iimbestiga sa nangyari kay Laymin ngunit maliban sa batang biktima, wala na silang nahanap na kahit na ano.

Agad na naging seryoso ang ekspresyon ni Chyann dahil sa tanong ni Chendrick. " No but she's a woman.", pagtatama niya.

Napalingon sila nang dumating si Baekhyun na mabibigat ang yabag habang tinatahak ang daan palapit sa kanila.

" Look.", ani Baekhyun saka inilapag sa lamesang bubog ang dalawang metal rod at isang mala-kristal na palaso na pamilyar sa kanilang lahat. Itinuon niya ang kanyang tingin kay Adana na noo'y nakikipagtitigan sa kanya.

Kinuha ni Ordein ang palaso upang suriin ito. "It's yours.", aniya kay Adana na noon ay hindi magawang makapagsalita. Maging si Ysabelle ay nagulat nang makita ang palaso.

" Ito ang ginamit ng salarin para patayin ang bata.", ani Baekhyun saka ipinakita ang metal rod na may bahid pa ng dugo. "While this one, together with the arrow was found near a fruit stall where Laymin bought citrus fruits, coming from angular directions.", paliwanag niya bago tuluyang umupo sa bakanteng espasyo sa tabi ni Jun Yeon.

" It's the woman in white cloak.", turan ni Adana kaya natuon ang atensyon ng lahat sa kanya. " Nakita ko siya. Tinangka niyang patayin si Kuya Laymin.", aniya.

Exoplanet: GuardiansWhere stories live. Discover now