Ikawalo: Dugo

15 1 0
                                    

" Three years ago, the battle in two worlds began. Dark Phantom initiated an assault in Titan and Exoplanet at the same time so that both party wouldn't be able to send help in either side. In this battlefield, General Zion fell with his army under the light of the Blue Moon that shines every three years. As for the Guardians, it was the exact moment when an arrow struck on Handre's back, putting him in his grave...", kwento ni Zion.

Hindi ko inaasahan na sa mga panahon na tanging pagtanggap lang ng lipunan ang pinoproblema ko, narito ang mamamayan ng Titan at Exoplanet na lumalaban para mabuhay. Marami pa nga akong hindi alam, wala pa sa kalingkingan ng karanasan nila ang dinanas ko na.

"...Nasa kamay ng Dark Master ang black pearl nang mga oras na iyon kaya hindi sapat ang kapangyarihan ng Guardians para wakasan ang kanyang kasamaan.", dagdag niya habang nakatanaw sa maliwanag at bilog na buwan na tumatanglaw sa malawak na kaparangan na aming tanaw mula sa isang bangin.

"Black pearl? Para saan 'yon?", naguguluhan kong tanong. Hindi pa ko ganoon katagal sa Exoplanet kaya hindi pa ako masyadong pamilyar sa mga bagay-bagay na sa tingin ko ay kinakailangan kong malaman.

" The black pearl keeps the balance of Exoplanet. It's so powerful that it can decide what fate will the entire planet fall into--whether preservation or destruction. Simula nang mawala ang hiyas, naging aligaga ang Dark Phantom sa paghahanap nito at dumadalas ang ginagawang pag-atake para matuon ang atensyon ng Guardians sa pakikipaglaban nang hindi napapansin ang kanilang mga kilos.", paliwanag niya na ikinagulat ko. Walang nababanggit si Kuya Jun Yeon tungkol dito kaya maaaring hindi nila alam ang totoong plano ng Dark Phantom.

" Kailangan 'yang malaman ng Guardians.", tango lamang ang itinugon niya sa akin. Akma akong aalis nang mapahinto ako dahil nasa harapan ko si Sehran, nakikipagtitigan kay Zion.

Anong problema nila?

Bakit nandito si Sehran?

Paano niya nalamang nandito kami?

" Hyung...", napatanga ako sa narinig mula kay Sehran.

"Hyung?!", ulit ko sa sinabi niya. Sa halip na magpaliwanag, nilagpasan niya lang ako at hindi pinansin. Ano pa nga bang aasahan ko sa isang Sehran?

Does it mean, Zion is the real Handre?

Parang nag-slow motion ang lahat nang tingnan ko si Zion. Walang emosyon ang kanyang mga mata na nakatuon lamang kay Sehran.

" This is where Zion fell"

" This is where Zion fell"

" This is where Zion fell"

Nagpaulit-ulit sa utak ko ang sinabi ni Zion nang marating namin ang lugar. Ngayon ko lang naintindihan nang maayos ang sinabi niya kanina.

Niyakap ni Sehran si Zion--I mean Handre. Nakatalikod man si Sehran sa akin, ramdam ko na sobrang saya niya na malamang buhay si Handre, buhay ang kuya niya.

***

Alam na ng Guardians ang tungkol kay Handre. Nagulat ang lahat, maliban kay Kuya Jun Yeon. Di ako sigurado pero pakiramdam ko, alam na niya ang lahat bago pa man matuklasan ni Handre ang katotohanan. Kung paano niya nalaman, iyon ang hindi ko alam. Pinababalik rin nila si Handre pero tumanggi lamang siya dahil ayon sa kanya, nabubuhay na siya bilang si Zion--bilang isang General ng Titan--na nakalaan na ang buhay niya sa pagprotekta dito.

Handre's in training with Sehran, teaching the latter to use his saber effectively. Nakakatuwa panoorin ang magkapatid. Marami na silang pinagdaanan nang magkasama, marami nang laban na pinagtagumpayan at marami nang nabuong alaala. Sana nagagawa ko rin ang ganyang mga bagay kasama ang mga mahal ko sa buhay.

Hindi ako pinalaki para makipaglaban pero tinuruan naman ako ni Mama para ipagtanggol ang sarili ko. Anyway, I still can't kill during those times dahil para sa akin malaking kasalanan ang pumatay pero hindi ko inaasahan na ganito ang magiging buhay ko ngayon. Fate is playing on me but in a good way somehow. I can now put justice in my own hands, without even thinking about laws which only restrain someone from doing things he pleases.

Okay na ako ngayon, nalulungkot pa rin na wala na si Mama at Lola pero natanggap ko na. Wala rin naman akong ibang pwedeng gawin pero hindi ko pa rin nakakalimutan ang galit ko sa mga pumatay sa kanila. Desidido pa rin akong ipaghiganti sila para wala nang iba pang mabiktima ang mga demonyong 'yon.

Alam ko na hindi basta-bastang Dark Knight ang kumitil sa buhay ni Mama at Lola dahil walang saksak o anumang sugat ang makikita sa kanilang mga labí. Kung sino man siya, humanda siya dahil saanman magpunta, mahahanap at mahahanap ko siya.

" Ang lalim na naman ng iyong iniisip", ani Ysabelle na nakangiti at nakatayo lamang sa tabi ko.

" I was just amazed with those two. Both were living for each other.", komento ko kaya lalong lumapad ang ngiti niya.

" Tama ka...Simula nang mamatay ang mga magulang nila, nakita ko kung paano alagaan ni Handre ang nakababata niyang kapatid. Sa bawat pagpapasya na ginagawa ni Handre, isinasaalang-alang niya si Sehran, buong buhay niya nga yata ibibigay niya rito eh.", kwento niya.

Kaya pala ganoon na lamang ang naging reaksyon ni Sehran nang unang makita si Handre sa libingan. Hangga't may chance, maniniwala at maniniwala siya na babalik ang kapatid niya.

I glanced at my left when I felt someone's arm over my shoulders, it was Kuya Laymin. Sanay na kaming dalawa sa skinship, dahil na rin siya ang pinaka-close ko sa Guardians. Siya rin ang pinakamatagal ko nang kilala na walang ibang ginawa kundi ang bantayan at samahan ako. He really is my older brother, not by blood but by heart.

" Did I mention that you have similar features?", he asked out of nowhere. He's getting weird again. Did he even thought of his own question?

Ysabelle just chuckled and shook her head with disbelief.

I think of what he said. Is it true? If so, maybe that was my reason of thinking she resembles someone I know but I can't actually see myself on her.

" May tanong ako...", napalingon sa akin ang dalawa na mukhang naghihintay sa sasabihin ko.

" Paano kayo nagkakilala?", wala lang, curious lang talaga ako. Matagal ko nang nakakasama si Ysabelle pero hindi ko alam kung paano niya nakilala ang Guardians.

Nagtataka ako dahil ang kabilin-bilinan ni Handre, huwag akong masyadong dumikit kay Ysabelle. Kung matagal na silang magkakilala, bakit hindi pa rin siya komportable sa presensya ni Ysabelle?

" Matalik kong kaibigan si Kross kaya nakilala ko nang personal ang Guardians at tinanggap nila ako sa kanilang tahanan.", si Ysabelle ang sumagot. Mukhang matagal na siyang kilala dito kaya rin siguro alam na niya ang ugali ng bawat Guardian.

Exoplanet: GuardiansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon