Chapter 22- The Letter

56 2 2
                                    

The Black Envelope

Xian's POV

Sa kalagitnaan ng matindi naming pag-uusap ay bigla na lamang akong nakatanggap ng itim na sobre. Nakakakaba tuloy dahil feeling ko may panibago na naman kakaibang mangyayari.

"Saan ito galing at para sa'kin ba talaga 'to?" takang tanong ko sa isa sa maids na nagbigay sa akin.

"Nakita ko po lamamg sa mailbox kaya po inaabot ko po sa inyo," saad nito.

Napatango na lamang ako at binuksan ang sobre.

Isa na namang letter ito. Nakakapagtaka lang din dahil pormal naman ang pagkakalahad pero parang ang lalim ng mensahe na nakatago rito. Isa pa sa nakakuha ng atensyon ko ang mga letrang nasa malaking titik.


Dear Mr. Xian Synthecia,

I aM always Here, Everytime LonEly Near to you.Whatever Happens i am Oversee everything.Guide them Individually
because you don't know who is/are the Victim/s. Everyone have Suspicious statement.Time is gold. HowEver the Crime is everywhere, be Ready because Each of you or Even me are the Possible Suspect or You.
Silent means yes or go. Until my Rebellion Proceed to you, no one are Reliable for your trust. If your Scientific is true Entertain and believe to yourself. let's Start the game, again!

who i am?

-UNKNOWN-

Halos mapapikit ako sa sinabi niya at kahit letter lang ito lumakas ang tibok ng puso ko at tumaas ang mga balahibo ko.

Nagtaka pa sila kung bakit nag-iba ang ekpresyon ko. Pilit akong nagfocus at binuo ang mga nakacapitalized na letra.

"May ballpen ba kayo at papel? Pahingi ako ngayon na!" malakas kong sabi at dali-dali naman akong inabutan ni Shiela na maid dito.

"Ito na po sir," saad nito.

"You always ready lady," sambit ko kasabay ng pagkuha ko sa papel at ballpen. Napaupo ako sa sofa at nilapag doon sa kalapit na lamesa at sinubukan ilagay ang bawat letrang nasa malaking titik.

I M H E L E N W H O G I V E S T H E C R E E P Y S U R P R I S E S


Nagulat ako sa resulta at napatayo ako at pinakita ito kay Elle.

"Look at this. Ano ba Elle paglalaruan mo ba talaga kami ha?!" galit kong sabi.

"T-teka naman k-kuya. Bakit ako ang dinidiin mo ha? Elle is my name. Who is Helen? Tsaka teka nga, ako na nga 'tong naagrabyado kanina tapos ako pa? Mali naman yata 'yon kuya. Gusto mo ba ng patunay na wala akong kinalaman? Okay fine! I can prove myself that I am innocent. May CCTV ang bahay ko kaya lahat ng galaw dito makikita at malalaman ko o ninyo." matapang niyang pagpapaliwanag.

Nagulat ako sa mga sinabi niya pero totoo nga naman iyon. Alam kong dala ng sakit niya lang talaga iyon. Pero yung letter niya na mismo ang nagsasabi na siya talaga iyon.

Pero if mayroon siyang CCTV dito, malaking ebidensya 'yon na wala talaga siyang kinalaman.Sana lang talaga wala dahil hindi ko na maintindihan ang nangyayari. Naguguluhan na talaga ako.

Napansin ko rin na nagtataka silang lahat lalo na si Shawn at Vince. Napatago na lang sa likod ko si Thea. Alam niya kasi ang lahat. Alam ko na siya na lang ang kaisa-isang tao na maniniwala sa mga sinasabi ko.

The Journey of Detective Xian (Under Revisions) Where stories live. Discover now