KABANATA 18

282 20 1
                                    


Malalim na ang gabi nang maalimpungatan si Derek, sinubukan niyang bumalik sa pagtulog ngunit tila ayaw siyang dalawin ng kanyang antok muli kaya naman naisipan niya na lumabas muna nang silid at subukan na magpahangin sa may bintana sa sala. Sa kanyang pagdating sa sala ay naabutan niya si Trevin na nakaupo sa sofa na tila malalim ang iniisip nito. Nagkatinginan sila ngunit hindi nila nagawang kibuin ang isa't isa, dumiretso si Derek sa may bintana na noon ay nakabukas na, pinagmasdan niya ang buwan sa madilim na langit at ninamnam ang malamig na hangin na umihip nang sandaling iyon.

"Alam ko hindi tayo close, pero nabanggit sa akin kanina ni Nana Huli na may balak ka na daw bumalik ng Manila." ang sabi ni Derek na nakatingin pa din sa buwan, napatingin naman sa kanya si Trevin na may pagkabigla.

"Oo, may kailangan kasi akong asikasuhin. Teka nabanggit din ba 'yan ni Nana Huli kay Archie?" ang tugon ni Trevin na bahagyang nag-alala na maaaring alam na ni Archie ang biglaan niyang pagpapasya na umalis.

"Huwag ka mag-alala dahil sabi naman sa akin ni Nana Huli na hayaan kita na ikaw ang magsabi kay Archie, iyon ay kung may balak ka na sabihin pa sa kanya. At tsaka I do not believe on the reason that you just stated, kumbaga sa cd masiyado nang gasgas 'yan." ang tugon ni Derek at humarap siya kay Trevin na napayuko naman nang madinig niya ang tugon na iyon ni Derek. "Your reason is only used by those na may gustong takasan o iwasan. At sa sitwasyon na 'to dalawa ang gusto mong takasan o iwasan, una si Archie, at ang ikalawa ay ang katotohanan, ah may pangatlo pa pala..." ang hindi agad na naituloy ni Derek at napatingin naman si Trevin sa kanya at nagtama ang kanilang mga mata.

"Gusto mo ding takasan ang nararamdaman mo para kay Archie." ang seryoso sabi ni Derek.

"Ano bang pinagsasabi mo, parang ang dami mo naman yatang alam."

"Kung sabihin kong oo? Maniniwala ka ba?"

"Alam mo huwag ka na lang masiyadong makialam Derek, hind mo na..."

"Siguro kung hindi involve si Archie baka pwede pa na hindi ako makialam, pero Trevin he is involve here. Alam kong alam mo ang tunay na nararamdaman ni Archie para sa'yo at gano'n ka din para sa kanya, but you are denying it." ang sabi ni Derek na pinipilit ang sariling maging kalmado.

"Hindi mo ako naiintindihan Derek, oo tama ka diyan na alam ko ang nararamdaman niya para sa akin, at oo mahal ko siya, pero ayoko na Derek maging dahilan pang muli para maging miserable ang buhay niya. Masiyado na siyang maraming paghihirap, lungkot, sama ng loob na kinimkim noon nang dahil sa akin, at hindi ko kaya na sa pagkakataon na 'to danasin na naman niya 'yon nang dahil sa akin." ang tugon ni Trevin na ang tinutukoy ay ang nakaraang buhay ni Archie bilang si Amado. At dahil alam na din ni Derek ang katotohanan sa pagkatao ni Archie ay hindi na siya nabigla sa mga nadinig niya kay Trevin.

"Kung gano'n alam mo na kung sino talaga siya?" ang tanong ni Derek at nabigla naman si Trevin na malamang may alam si Derek.

"Teka paanong?"

"Si Archie mismo ang nagkwento sa akin, nang makita ko sa siya sa silong ng bahay na 'to. He told me everything, noong una I was in shock at hindi makapaniwala dahil sino naman mag-aakala na reincarnation do exist, kahit nga ngayon parang hirap pa akong maniwala, pero naniniwala ako sa kanya kasi nakita ko kung gaano siya kalungkot at katakot sa ideyang hindi ka na magising pa." ang paglalahad ni Derek. "Trevin, ang tagal na panahon ka niyang hinintay, at magpahanggang ngayon hinihintay ka niya na makilala mo siya." ang dagdag na sabi ni Derek, at malungkot na napailing si Trevin.

"Kailangan niya na akong malimutan, dahil kung itutuloy namin ang naudlot na mangyari sa nakaraan, natatakot ako na dumating na naman ang araw nang dahil sa akin ay mahirapan siya at mabuhay ng malungkot."

Never FadeWhere stories live. Discover now