PASILIP

1.3K 41 5
                                    

NEVER FADE
[BXB|Yaoi|BL]

"Alam ko na darating ang sandaling ito, mahal kita at iyan ang totoo pero alam ko sa sarili ko na hindi sapat ang pagmamahal na ito para igapos kita sa piling ko, para manatili lamang tayo sa panahong ito."
- Amado [Never Fade]

***

"Uy balita ko last day mo na ngayon ah?" ang sabi ni Michael na siyang katrabaho ni Trevin sa opisina na siyang katabi din nito. Napalingon siya rito at napahinto sa kanyang pagtitipa habang si Michael naman ay nakaharap sa computer niya at tila inaanalisa ang kanyang ginagawa.

"Anong last day? Magbabakasyon lang ako, medyo exhausted na ko sa trabaho. Alam mo na kailangan ding i-treat ko sarili ko, tiyaka kasama ko naman si Archie, naplano na namin na doon sa bayan nila sa Bulacan magbakasyon, hindi kalayuan dito sa Metro kaya pabor din sa akin, hindi magastos pero makakapag-relax pa din ako." ang tugon ni Trevin at bumalik siya sa kanyang pagtitipa.

"Ang kuripot mo talaga ginamit mo pa si Archie para lang magkaroon ka ng tipid na bakasyon." ang pabirong sabi ni Michael at nadinig ni Trevin na nagtitipa na din ito. Hindi naman naiwasan na hindi tignan ni Trevin si Archie na noon ay abala din sa kanyang ginagawa, hindi niya maiwasan na hindi mangiti dahil sa nagsisimula nang magsalubong ang mga kilay ni Archie, nangangahulugang nalilito o nahihirapan na siya sa ginagawa niya.

"Sabihin mo sa akin Trevin, sabihin mo paano ko pipigilin ang puso ko na mahalin ka." ang pabulong na sambit ni Amado habang pinagmamasdan noon si Trevin na mahimbing na natutulog sa kanyang higaan dahil sa matinding lagnat. Sandaling tumahimik ang buong silid hanggang sa basagin ito ng ilang pagkatok sa pinto.

***
Author's Note:

Ang Never Fade ay isa sa aking orihinal na likha at ang ano mang pagkakahawig sa ano mang likhang sining, librong nailimbag, kwento, palabas o pelikula, pangyayari at iba pa ay pawang nagkataon lamang at hindi sinasadya. Ang pangalan ng mga lugar at maging ang petsa ng kaganapan ay ginamit upang gawing makatotohanan lamang ang kwento at walang intensiyon ang manunulat na baguhin ang ano mang nangyari sa parehong lugar at petsa.

All Rights Reserved

Never FadeNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ