Tiningnan ko si Sael at nakangiwi pa rin sa sakit. Niligtas niya ako... Kung wala siya siguro duguan na ang ulo ko ngayon.
"O-okay ka lang elyen??", naiiyak ako, sino naman ang kase ang hindi maiiyak? Niligtas niya ako!
"Miss Winter ang OA mo naman okay lang ako. Ice lang okay na toh.", ngumite siya sakin as assurance.
"Miss tulungan mo na siya, pumunta kayo ng infirmary.", sabi ng engineer ng mahinahon.
_________________
Habang papunta kami ng infirmary awkward silence lang namamagitan saming dalawa. Ang ibang estudyante ay na sa cafeteria na siguro nag didinner kaya ang tahimik ng hallway.
At naalala ko, di ko pala alam kung nasaan ang infirmary.
"Di mo alam kung nasaan ang infirmary noh?", mapang asar na sabi niya. Kung di niya lang ako iniligtas siguro sinapak ko na toh.
"Kainis ka talaga! E-eh nasaan nga ba yon? Hehe.", ang awkward =_=.
"Haha... Lumiko ka lang sa kanan kung makaabot na sa last part ng hallway. *whisper* ang cute mo talaga.", tumango lang ako pero di ko narinig ang last part.
Again with the awkward silence. Lumiko na kami at naisipan ko to break the silence.
"Salamat nga pala sa pagligtas mo sakin." sabi ko at pumasok na kami sa infirmary at inalayan siyang umupo sa kama.
"Dont mention it Miss Winter.", at ngumite siya sakin na lumabas na ang magkabilang dimples niya. Umiwas na ako ng tingin at hinanap ang nurse.
"Nurse? Nurse?", mukhang walang nurse ngayon.
Pumunta ako sa first aid kabinet at kumuha ng ice pack, towel, bulak at medicine para sa sugat. Di naman ganon ka lala yung pagkatama ng kahoy. Maliit lang naman na bruise ang nakuha niya at hindi nag seswell, which means wala namang nabaling bones.
Nagmumukha akong doktor dito eh magiging business accountant kaya ako sana nagmedicine nalang ako, kaso para na rin toh sa banko namin.
Nag aral din kase ako ng first aid nung high school ako.
Pumunta na ako sa gawi niya at inilapag yung mga gamit sa table katabi ng kama.
"Wala yung nurse?", tanong niya.
"Wala, siguro lumabas pa.", teka lang diba medicine curso neto?
"Sandali, diba medicine yung curso mo? Bakit di ikaw ang magtetreat sa sarili mo?", mataray kong tanong.
Tumawa naman ang kulugo.
"Sige naman Miss Winter, sinapak mo kaya ako kanina at masakit talaga yon. At niligtas pa kita sa kahoy na natumba at soobraaangg sakiit talaga yon.", ang arte ng lalaking toh. Nagiguilty tuloy ako.
"Tsk. Arte neto.", ngumise lang siya at inumpisahan ko na siyang gamutin.
Nung natapos ko nang lagyan nung ice yung likod niya inumpisahan ko nang gamutin yung sugat sa labi niya.
Nilagyan ko ng gamut yung bulak at nilagay sa sugat niya. Napangiwi naman siya sa sakit kaya dinahan dahan ko na lang.
"Sorry, masakit ba? Idahan ko na lang. "
Naiilang na talaga ako, kanina pa kase titig ng titig ang elyeng toh. Kaya di talaga ako tumitingin sa mata niya, kulugo kase siya.
Nagulat ako ng bigla niya kinuha ang kamay ko binaba at nagtitigan kami ng matagal. Teka... Parang kilala ko ang mga matang yan, imposible...
I got back to my senses when he stood up.
"Tara na, ihatid na kita sa dorm niyo.", ang awkward naman ulit.
"D-di na k-kailangan kaya ko na mag-isa.", umiwas ako ng tingin.
Ngumite siya saken at ginulo ang buhok ko. Tangina neto, panget na nga yung buhok at ginulo niya pa din.
"Gabi na, maraming sira ulo ngayon."
"Sandali, Anong oras na?!", nataranta kong tanong. Lagot ako neto kay kuya Lorenz!!
"Its past 9 pm Miss Winter, so tara na? ", HALA may usapan kaming tatawagan niya ako mag 8 pm!!
Tiningnan ko yung phone ko at nanlaki yung mata ko. AAHHHH!! may 91 missed calls at 61 messages na ako kay kuya!! Nakakatakot yun kung magalit.
Tinawagan ko si kuya na nataranta. Nagring lang ng dalawa sinagot niya agad.
"K-kuya?"
"NASAAN KA?! KANINA PA AKONG TUMATAWAG SAYO!!"
"Ah kase.. "
"PUMUNTA KA NA DITO SA DORM NIYO, KANINA PA AKONG NAGHIHINTAY DITO!! KUNG WALA KA PA DITO IN 5 MINUTES SASABIHAN KO SI TITA TO CUT OFF YOUR CREDIT CARDS FOR 1 MONTH!!"
"Sandale naman kuya-", binabaan niya na ako. SHET!
"May problema ba Miss Winter? Mukhang binagsakan ng langit at lupa yung mukha mo, mas nagiging panget ka.", wala na akong oras sa kutong lupang toh.
"TARA NA!!", at hinatak ko na ang kamay niya at tumakbo palabas papunta sa dorm ko.
"Sandali naman Miss Winter chansing ka na eh.", kapal neto.
"TUMAHIMIK KA!", at tinawanan niya lang ako.
_________________
YOU ARE READING
Strings Attached
Teen FictionLove is once the best feeling but in the end, everything will end up as a scar of uncommitted promises... Strings attached... Once wanted to be cut but it kept each others hearts connected...
Chapter Six
Start from the beginning
