Masasabi ni Forexein na masaya na at ayos na ang Buhay niya na kasama si Khanate lalo nat may anak na sila
Ngunit ang kaba sa kanyang dibdib matapos mag iwan ng salita ang lalaking iyon sa harap niya ay Hindi na siya nilubayan nun
Ang takot ay umiikot na sa boung pagkatao niya na kahit na sino ay Hindi na magkakaroon pa ng magandang tulog sa Gabi
Pilitin man niyang burahin iyon sa isip ay naalala niya iyon lalo nat madalas siyang magisa sa bahay nila wala siyang kasama at wala siyang sasabihan ng kanyang nadarama
Siguro ay kailangan niya lang magpakatatag para sa ikabubuti ng sangggol na nasa sinapupunan niya
Tatanggalin niya ang takot sa dibdib at magiging matapang para sa anak niya
Iyon lang Ang dapat niyang gawin lalo nat malapit na itong lumabas sa kanyang sinapupunan
Malapit na siyang manganak at inaasahan niyang magiging ito ang daan para malimutan niya ang takot
Hinaplos niya Ang kanyang tiyan matapos muling humilab naka abang narin si Esperanza sa kanyang tabi upang alalayan siya kong manganganak na siya
"Huwag mong pahirapan si nanay anak ahh ..." Kanina niya pa kinakausap ang bata sa tiyan niya upang hindi siya pahirapan
Maka tutulong raw iyon upang hindi masyadong sumakit sambit ng kanyang Ina
"Manganganak kana Rex pumutok na ang iyong panubigan " mabilis siyang inalalayan ni Esperanza sa kama at pinahiga roon
Inayos na nito Ang lahat ng gagamitin at ang tanging gagawin nalang niya ay i- ere ang batang nasa tiyan niya upang lumabas na ito
"Ahhhhh!!!!!!"
Masakit iyon ng kanyang nadarama at kahit nanghihina na ay pinipilit niya parin agad namang dumating si khanate sa tabi niya at hinawakan ng maigi ang palad niya
"Narito lang Ako mahal ko !" Sambit ni Khanate sa tabi niya
"Sige pa señorita kayanin mo iyan "
"Ahhhh!!!"
Mahigpit siyang kumapit sa palad ni Khanate at kahit Anong pagpapakalma ang sabihin nito ay Hindi umubra Hindi siya kumalma
Sa mga salitang binibigkas nito
Ilang sandali pa ay narinig na niya ang anak niya umiiyak kahit nanghihina ay itinabi saknya iyon at halos hindi niya maipaliwanag ang nadarama sa mga Oras na iyon
"Anong nais mong maging ngalan niya Amor ?" Tanong ni Khanate saknya habang nasa tabi niya parin
"Siya ....siya si Foureid siya Ang anak natin " malapad ang ngiti niya sa mga Oras na iyon
Dahil alam niyang sulit ang lahat ng hirap at sakripisiyo niya dahil may isang bagay na naibigay saknya at iyon si Khanate at ang anak nila
Kong mabubuhay siyang muli sa hinaharap uulit ulitin niya ang Buhay na kasama ang mag ama niya kahit mahirap
Dahil alam niyang sa hirap na iyon ay masaya , sa takot na nandun ay may lakas , at sa kabang naron , ay may panatag na kalooban
At sa bawat minuto at segundong hahayaan siyang huminga ilalaan niya iyon lahat sa mag ama niya dahil noong Oras na tinitig niya ang mata Kay Khanate ay minarkahan niya narin Ang lalaki na saknya lang at ang Oras kong kailan ipinanganak niya si Foureid alam niyang ito na rin ay buhay niya pagkat dugot laman niya ito
VOCÊ ESTÁ LENDO
Sold To A Vampire ✓
Fantasia[COMPLETED] "Paulit ulit kong isasangla ang kaluluwa ko sa impyerno Forexein maramdaman ko lang ang ganitong saya sa Buhay ko at sisiguraduhin kong tutubusin ko iyon sa araw na mawawala kana sakin , pero hindi ko atta kakayanin kong mawawala ka saak...