Sa paglipas ng mga Oras sa Sala ay Hindi ko parin nakikita ang liwanag kanina ay alas kuatro na
Ngunit ang tingin ko ay nabaling sa aking Relo umiikot ang mahaba at payat noong linya
Limang Segundo Bago mag alas singko ng umaga ngunit na istatwa ako sa aking kinauupuan ng Makita kong paanong bumalik iyon ng isang Segundo nalang sana ay alas singko na
Halos magulat ang lahat ng mapatayo ako at tumingin sa malaking orasan na nasa sala nitong palasyo na ito kitang kita ko kong paano muling bumalik ang Oras
Lahat sila ay nagtatakang nakatingin sa akin lahat ay may pangamba ng makita ang aking tinitignan
Bumalik !!bumalik ang Oras paanong ?!!paanong nangyari ito
Mahigpit akong hinawakan ni Khanate sa kamay at pinagsiklop iyon
"I'm here I'm going to protect you " alam ko ...
Alam kong nararamdaman Niya Ang kaba ko ang luha sa mata ko ay may pangamba at nangangamba bumabalik ang Oras kaya kahit ilang oras na kaming naguusap ay walang liwanag
Bumabalik iyon na kahit kami ay Hindi alam kong bakit ngunit ng bawat ginagawa namin ay patuloy parin walang huminto
Sila Roxane ay tumabi sa asawa niyang si Lance at si Marixel naman ay tumabi sa asawa nitong si Aris
Ang iba naming kasama ay nasa kanya kanyang silid nila ngunit naglabasan rin Ang mga ito ng kausapin silang lahat ni Roxane gamit Ang isip
Si Marixel naman ay pilit sinusubukang Makita ang nangyayari ngunit dahil pabalik balik ang Oras ay Hindi niya magawa
Si Lance at Aris ay nakikiramdam sa paligid Ang iba naman ay naglibot libot sa boung lugar
Nabitawan ko ang kamay ni Khanate matapos may Makita sa loob ng Orasan at habang ini lalaan ko ang isip roon ay unti unti ring pumapasok ang isip ko roon
Madilim at ang pasilyong dating mahaba ay lalo pang humaba ang nagiisang ilaw ay patay tahimik ngunit ang pumukaw ng aking atensiyon ay Ang isang malakas na sigaw
Isang tinig na talaga namang pamilyar saakin
Mabilis akong naglakad papunta sa kong saan walang direksyon Basta ay kong saan ko naririnig ang tinig
Tumakbo Ako na para bang isang hangin Ang na nginginig kong kamay ay hinawakan Ang seradura ng isang pinto
Ngunit ng buksan ko iyon ay pulos dilim sobrang madilim na Hindi ko maintindihan kong bakit wala akong Makita
Naglakad ako sa madilim na parteng iyon isang silab ang bumukas malakas na apoy
Dalawang lalaking may mapupulang mata ang aking nakita hawak Ang .....ako!!!!?
Pilit nila akong inihihiga sa silab habang ako ay pilit na nagpupumiglas
Nagmamakaawa na huwag at huwag pakiusap
Nabaling muli Ang tingin ko sa kabilang bahagi ......si Khanate at si Four
Hinihila sila ng iba naming kasama pilit inilalayo
Hindi ko magawang maglakad sa kinatatayuaan ko Hindi ko magawang magsalita at sabing tama na
Hindi kona kaya Ang aking mga nakikita ang Makita ang asawat anak kong umiiyak at iwanan silang muli ay Hindi na maaring mangyari muli
YOU ARE READING
Sold To A Vampire ✓
Fantasy[COMPLETED] "Paulit ulit kong isasangla ang kaluluwa ko sa impyerno Forexein maramdaman ko lang ang ganitong saya sa Buhay ko at sisiguraduhin kong tutubusin ko iyon sa araw na mawawala kana sakin , pero hindi ko atta kakayanin kong mawawala ka saak...