"Salamat po talaga, aling Nina. Kailangan na kailangan ko po talaga ngayon ng trabaho."

Ilang palitan pa ng salita ang nangyari sa pagitan namin ni Aling Nina atsaka ako nagpaalam na umalis na. Pinayagan naman n'ya ako kaagad dahil alam n'yang malayo raw ang pinanggalingan ko.

Naglakad ako papuntang sakayan ng jeep. Mabuti nalang at sa sobrang focus ko maghanap ng trabaho ay nawala sa isip ko ang sumakay ng jeep o kaya trycicle para gawin 'yon. Natira ang dapat pamasahe ko kanina. Singkuwenta pesos nalang ang pera ko.

Kinse para sa dalawang sakay ko ng jeep. Bente para sa u-ulamin ko ngayon na titipirin ko nalang para meron pa bukas. At ang kinseng natitira ay para sa pamasahe ko ngayon bukas.

Nakarating na ako sa unang sakayan ng Jeep. Dahil medyo may araw pa, sa tingin ko'y alas singko pa lang, quarter to six kaya medyo masikat pa ng kaunti ang araw.

Akmang sasakay na ako ng jeep, nang mahinto ang paa ko.

"Ano ayaw mo bang sumakay?!" Pasigaw na tanong ng kundoktor ng jeep na akala mo naman kelayo-layo ko samantalang nasa harap n'ya lang ako nakatayo.

Buti hindi nananakit lalamunan nito. "Ayaw ko na pong sumakay."

Napagpasyahan ko nalang na maglakad papunta sa ikalawang sakayan ko. Madadaanan ko kasi ang sementeryo kung maglalakad ako kaya plano kong dalawin ang Tatay. Kahit hapon na at sabi ng iba'y nakakatakot daw. Hindi ko alam kung saan sila natatakot.

Sa patay ba? Dapat ngang mas matakot sila sa buhay eh.

Nang makarating sa sementeryo ay kaagad kong hinanap ang lapida ni Tatay. Napalagyan ko na s'ya ng lapida mula sa naipon kong barya sa alkansya kong baboy. Iyon nalang din ang huling pera ko, kasama ang singkuwenta pesos na hawak-hawak ko.

Wala akong kandila na dala kaya yung kandilang huli kong inilagay na kalahati palang bago namatay, siguro dahil sa hangin kaya namatay. 'yun nalang ang sinindihan ko dahil sayang naman kapag hindi maubos. Hindi raw kasi pweding dumalaw sa patay kung hindi mag si-sindi ng kandila. Sabi 'yon ng Tatay ko noong buhay pa s'ya isang araw na dumalaw kami kay nanay at tinanong ko s'ya kung bakit may kandila.

Magkatabi nila ni nanay ng lapida, dahil na rin sa iyon ang hiling ko.

"Hi, Nay. Hi, Tay. Kumusta na kayo diyan dalawa? Kumakain pa ba kayo ng maayos? Masaya ba kayo dyan? Kasi ako, hindi. Wala na kayo eh. " Pagkausap ko sa dalawang lapida.

Huminga ako ng malalim nang magsimula ng magsitulo ang mga luha ko. Masakit pa rin dahil ngayon dalawa na silang wala.

"Magtatapos ako ng pag-aaral ko. Tapos magiging nurse ako. Magpapagawa ako ng mansion para sa ating tatlo. Dahil kahit wala na kayo, kasama kayo sa mga pangarap ko. Kayong dalawa ang inspirasyon ko. Bigyan n'yo 'ko ng lakas, ha? Bigyan n'yo ng lakas ang anak n'yong maganda."

Medyo madilim na ng natapos ako sa pakikipag-usap sa malamig na lapida ng mga magulang ko. Mabilis ang ginawa kong paglakad nang makalabas ako nang gate ng sementeryo.

Feeling ko kasi may nakasunod sa akin. Hindi s'ya masamang ispirito o kung ano, ramdam kong tao. Hinahagod ako ng tingin.

Nang bumilis ang lakad ko ay s'ya ring pagbilis ng lakad n'ya. Wala akong ibang pagpipilian kundi ang tumakbo dahil medyo madilim ang kalyeng nadaanan ko. Ayokong lumingon. Natatakot akong lumingon. Kung bakit kasi dito ko pa naisip na dumaan eh!

Nakahinga lang ako ng maluwang nang nasa terminal na ako ng jeep na sasakyan ko ng ikalawa para makarating sa bahay.

Nang sabihin ng kundoktor na isang tao nalang at lalarga na ay dali-dali akong sumakay roon, pumewesto sa bakanteng upuan sa dulo at sinabi ang bayad ko.

Nang umandar ang jeep ay saka lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na lumingon. Doon ko nakita ang isang lalaking su-suray suray na naglalakad pabalik sa dinaanan ko kanina.

Posible kayang s'ya ang humahabol sa akin kanina? Pero mukhang imposible dahil feeling ko straight ang lakad nun. Pero ika nga ng iba, maraming namamatay sa maling hinala. Baka s'ya iyon. At kahit hindi n'ya sabihin o gawin, alam ko kung anong pakay n'ya lalo't nasa ilalim s'ya ng kontrol ng alak.

Kailangan ko na talagang lumipat ng matitirhan, yung malapit sa 7/11 na pagta-trabahuan ko.

Kahit nakahinga ng maluwag ay hindi pa rin naalis sa akin ang mabilis na tambol ng kaba.

"Thanks, Lord. Keep me safe." Nasabi ko na lamang.

OVERCOMEOù les histoires vivent. Découvrez maintenant