Mahilig ako sa sex, that's given pero sa mga piling mga tao lang, sinisigurado ko munang wala silang sabit at malinis ang mga dugo nila bago ang lahat. No condom, no entry ang policy ko.

So, I'm sure that she's clean. Besides, my secretary won't give my number to her if she's not.

Dapat talaga hindi na kami pumunta rito. Ang aga-aga puro mga gusgusing malilibog ang nakikita ko tapos ang mga asawa naman nila sa'min masama ang tingin. Kung binubulag niyo mga asawa niyo? Wala sana tayong problema.

Medyo marami ang nanonood sa napili ni Cat na movie.

Lumapit naman ako ng kaunti sa kaniya para bumulong, malapit na kasi magsimula ang palabas. "Cat."

"Bakit?"

"Anong movie ba ang napili mo?"

"The Handmaiden."

"Maganda ba 'yan? Alam mo namang ayaw ko sa mga old movies." Pabulong pa rin na sabi ko. Puro kasi tungkol sa war ang napanood kong gan' yan ang simula at ang boring no'n. Mukhang matutulog lang ako rito.

"Hindi 'to boring, promise."

"Pa'no mo naman nalaman? Hindi mo pa nga napapanood." Dudang sabi ko.

"Sabi no'ng babae sa counter, maganda raw. Manood ka na lang, nag-start na." She said, dismissing our conversation.

Umayos na ako ng upo para makatulog na. Hindi kasi ako fan ng mga movie na gan'to.

"Huwag kang matutulog, Peterson." Bulong na banta ni Cat sa'kin nang papapikit na ako.

"Alam mo namang ayaw ko ng mga ganiyang movie." Reklamo ko naman sa kaniya.

"Panoorin mo na lang, kapag natapos 'tsaka ka magsalita." Masungit na sabi niya. Hay! Mukhang ganiyan na nga ang mangyayari dahil ayaw naman niya akong patulugin.

Nasa part na kami ng nasa bathroom na si Hideko at Sook-Hee.

That's it! Alam ba ni Cat kung tungkol saan ang movie na 'to?

Pagtingin ko naman sa kaniya ay tutok na tutok siya sa panonood at pagkain ng popcorn.

Kailan pa siya nahilig sa lesbian movies?

Hindi na kailangan pang maghalikan ng dalawang babaeng bida para ma-confirm ang attraction nila sa isa't isa. Hindi ba niya napapansin 'yon? The sexual tension between them made me think of that night.

But I must admit that the leading ladies in this film are gorgeous.

**

Hindi ko alam kung paano ko natapos ang movie na 'yon kasama si Cat pero totoo ngang maganda ang pelikulang napili niya. 11/10.

Hinatak ko naman agad siya palabas ng sinehan. Hindi ko na kayang magtagal pa do'n.

"Iniko, ba't ka ba nagmamadali?" Sabi ni Cat nang nasa escalator na kami.

"Ang init kasi do'n."

"Nako! Ikaw, ha!" Kahit hindi ko siya nakikita dahil nasa likod ko siya ay alam kong nang-aasar ang tingin na pinupukol niya sa'kin.

"What?!"

"Ang lamig-lamig kaya do'n. Aminin mo, maganda ang movie na 'yon." Sabi niya at tinusok-tusok pa ang tagiliran ko mula sa likuran ko.

"Wala naman akong sinabing pangit."

"Nahiya pa ang baby!" Sabi niya at pumunta na sa tabi ko saka kumapit sa braso ko pagkababa namin ng escalator.

"Kailan ka pa nahilig sa lesbian movies, ha?" Pang-uusisa ko sa kaniya.

"Hindi naman ako mahilig, 'no! Ang babae sa counter ang nagsabing maganda 'yon, hindi ko rin alam na tungkol pala sa ganoon ang movie ng iyon." Paliwanag niya. Akala ko sinadya niya talagang piliin ang palabas na iyon para sabihing nagkakagusto siya sa babae e'.

"Akala ko lesbian ka na e'." Natatawang sabi ko.

"Hindi, 'no! Pero kung gano'n nga, anong gagawin mo?" Seryosong tanong niya. Bakit bigla namang naging seryoso ang babaitang 'to?

"Wala, anong gusto mong gawin ko?" Kibit-balikat kong sabi.

"Wala? Hindi ka lalayo?"

"Ba't naman ako lalayo sa'yo? Best friend kaya kita! Ang dami na nating kalokohang ginawa ng magkasama, ngayon pa ba ako lalayo dahil lang nagkakagusto ka sa babae? Hindi na tayo bata, 'no. Tanggap kita kahit maging mushroom ka pa." Paliwanag ko. Hindi niya nga ako sinukuan dati, sino ako para layuan siya?

"Awe, ang sweet naman ng best friend ko! Pagbibigyan na kita sa last part at dahil d'yan, ilibre mo 'ko." Masayang sabi niya at sumiksik pa sa'kin bago lumayo ulit ng kaunti.

Hinatak naman niya ako agad papuntang Ramen House nang may madaanan kami. Nag-crave daw kasi siya bigla sa noodles.

"Here's your order, ma'am." Sabi ng isang waiter pagkatapos ay inilapag ang mga in-order namin. Sabay naman kaming nagpasalamat ni Cat.

Pagkakuha namin ng chopsticks ay nagkatinginan pa kami bago sabay na nagsabi ng, 'Salamat sa pagkain!'.

Mahilig kasing manood si Cat ng anime dati kaya naman pati ako ay nahawa na rito dahil lagi nitong sinasabi ang phrase na iyon bago kumain. Mas gusto kasi niyang binabanggit ang Japanese phrase na Itadakimasu sa tagalog dahil hindi naman daw siya marunong mag-nihongo.

"Ang sarap-sarap talaga mabuhay." Masayang sabi ni Cat habang komportableng nakasandal sa upuan.

"Ang tagal na rin pala no'ng huling nag-date tayo sa labas." Sabi ko naman habang hinihimas ang tiyan kong busog.

"Ikaw naman kasi ang busy-busy mo." Nakasimangot na sabi niya. Nagtatampo pa rin pala ang bata. Kahit na komportableng-komportable na ako sa pagkakahilata ko sa upuan ay bumangon at tumabi ako kay Cat.

"Nagtatampo pa rin ang bata?"

"Hindi na ako bata, Peterson." Masungit na sabi niya.

"Panahon na naman ba ng mga hapon at nagsusungit na naman ang best friend ko?" Kahit na madalas sa'king magtampo si Cat na minsan ay dahil sa hindi malamang kadahilanan, hindi pa rin ako sanay kung paano manuyo. Hindi naman kasi ako nakikipag-relasyon puro fling at sex lang ang mayroon ako. Technically, I had once but puro ka-toxic-an lang naman natutunan ko sa relasyon na iyon.

"Wala akong dalaw, tse!" Masungit na sabi niya.

"Fine. Kumalma ka na, may gusto ka pa bang gawin? Sorry na kung sobrang busy ako." Malambing na sabi ko. Narinig ko namang nagbuntong hininga siya. "Sorry, stressed lang siguro ako sa work kaya ang moody ko ngayon. Uwi na tayo?" 

Tumango naman ako bilang tugon at tinawag na ang waiter para sa bill.




No Strings AttachedWhere stories live. Discover now