It's been almost two weeks since that day. 

Hindi ko alam kung bakit parang biglang nawalan ako ng interest sa mga lalaki. Ilang client pa ang dumating sa'kin pagkatapos ng pagsasagutan namin ni Percy pero hindi ko na maramdaman ang satisfaction na kailangan ko.

I can't feel the satisfaction that that certain woman made me feel.

Shit naman! It's her fault. Ano bang ginawa sa'kin ng babaeng 'yon?

Should I message her? But I've never done that shit before.

Ah, fuck it!

[Me: I need money.
Unknown number: Let's meet, same place and time.]

"Wow! Ang bilis, ha?"

"Ano ang mabilis?"

"Hecate! Geez, magkaka-heart attack ako sa'yo!" Bigla-bigla na lang siyang sumusulpot out of nowhere. Mushroom ba siya sa past life niya?

"Peace! Nagsasalita ka kasi mag-isa d'yan. Punta tayong movie house, Iniko." Sabi niya at dumapa pa sa ibabaw ko. Nakahiga kasi ako sa couch namin.

"Ano naman papanoorin natin do'n?"

"Hindi ko alam, gusto ko lang manood ng movie."

"May Netflix naman, dito na lang tayo sa bahay." Pagtanggi ko. Tinatamad akong umalis ngayon tapos may client pa ako mamaya.

"Ngayon na nga lang tayo aalis ulit e'. Sige na, Iniko. Please?" Sabi niya at pinahaba ang word na please kaya napabuntong hininga na lang ako.

"Ano pa nga bang magagawa ko?" Hindi talaga ako makatanggi sa babaitang 'to kapag nag-please na siya. Feeling ko nga alam niya na ang magic word e'.

"Yay! Bilisan mo magpalit, ha?" Excited na sabi niya.

"Opo."

"You're the best!" Bumangon naman siya agad at pumunta sa kwarto niya. Bumangon na rin ako at pumunta sa kwarto ko para magpalit ng damit.

Masyado naman yata siyang excited manood ng sine? Stressed siguro siya sa trabaho.

Nagsuot lang ako ng color peach na crop top, white denim short at white rubber shoes. Manonood lang naman kami sa sinehan kaya hindi na ako nag-abala maghanap ng ibang isusuot.

Kahit ano namang isuot ko, bagay sa'kin. Kung may nakakabasa lang ng isip ko, baka napagkamalan na akong narcissistic.

Maya-maya'y kumatok na si Cat sa kwarto ko, sakto namang tapos na ako maglagay ng light makeup kaya lumabas na ako.

"Aww, twinning na naman tayo!" Excited na sabi niya. Halos pareho kasi kami ng suot, ang pinagkaiba lang ay black ang suot niyang shoes. Pareho kasi kami ng taste sa pananamit ni Cat kaya minsan nagkakapareho kami ng binibiling damit ng hindi sinasadya.

Medyo natigilan pa ako sa sinabi niya pero sinawalang-bahala ko na lang.

Dati kapag nagkakapareho kami ng sinusuot, nagpapalit talaga ako kasi feeling ko ang weird ng may kapareho ka ng damit pero nasanay na rin ako kaya hinayaan ko na. Hindi naman kami araw-araw nagkakamukha ng outfit e'. Goals nga raw kami sabi ng mga college friends namin dati.

Pagkarating namin sa mall ay bumili agad kami ng mga pagkain at movie tickets. Kaunti lang naman ang tao kaya mabilis kaming nakabili.

Hindi maiiwasang may mga tumingin sa'min dahil maganda kami pero nakaaasar pa rin talaga kapag may nahuhuli akong nakatingin sa mga legs namin. Hindi man lang mahiya at lantaran pa talaga sila kung tumitig. Dapat pala nagdala ako ng jacket para kay Cat.

No Strings AttachedWhere stories live. Discover now