"Ano naman kung hindi pa ako nakapag-toothbrush? Bayad ka na kaya wala kang karapatang magreklamo." Hindi ko naman napigilang tumawa ng malakas dahil sa sinabi niya.
"I don't care if you're crazy, you're here to satisfy me." Maangas na sabi niya. I smiled at him seductively then touch his shoulders. Naramdaman ko namang nawala ang tension sa balikat niya. "Gan'yan, matuto kang lumugar. Bayaran ka lang." Pagkasabi niya no'n ay tinuhod ko ang pinaka mamahal niyang birdie.
Halos hindi naman niya malaman ang gagawin at napaupo na lang sa sahig habang hawak ang nasaktang pagkalalaki."Y-You bitch!" Galit pero hirap na sabi niya. Tinapakan ko naman ang mga kamay niyang nakahawak sa pagkalalaki niya.
Hindi naman pala sayang ang pagsusuot ko ng pointed high heels.
"Don't call me bitch without saying badass first," I said sweetly. "Know my place? I'm gonna make you know your place, stupid arsehole."
Parang maiiyak na bata naman siyang sinisilip ang pagkalalaki niya. Pagkalabas ko ng unit niya ay nag-message ako kay kuya Alfred ng kung anong dapat gawin sa bwisit na lalaking 'yon.
Iiyak-iyak pa siya, akala mo naman may maipagmamalaki. Niwala nga akong naramdaman nang tuhudin ko siya.
I think my secretary needs some beating. Bumaba na yata ang standards niya sa mga lalaki at hinayaan niya akong makipagkita sa pangit na 'yon.
Nang may dumaang taxi ay nagpahatid agad ako sa address ni Percy. Malapit lang naman ang place niya mula sa condo ng lalaki kanina kaya nakarating ako doon ng mabilis. Dire-diretso naman akong pumunta sa office niya sa convenient store niya.
"Ma'am Iniko! Napadaan po kayo?" Bati niya sa'kin.
"Alam kong alam mo kung bakit ako nandito, Persephone!" Halata ang pagkaasar sa boses ko na ikinatawa naman niya.
"Okay. Okay. I'm sorry." Natatawang sabi niya.
Minsan masarap talagang sabunutan ang babaeng 'to.
"Bwisit ka talaga! Noong nakaraan babae ang pinagbigyan mo ng number ko, ngayon naman lalaking hindi na nga marunong mag-toothbrush, akala mo pa kung sinong hari." Inis na rant ko.
"Kalma, Iniko. Sayang ang beauty." Sabi naman niya habang pinapaupo ako sa couch sa maliit na office niya.
"Kalma-kalma ka pa d'yan, Persephone! Isang dugyot na lalaki pa talaga ang payagan mong maging client ko, ikaw na ang ipapadala ko doon." Asar pa ring sabi ko. Lately kasi ay parang inaasar na lang niya ako at sinasadyang puro bwisit ang nagiging client ko. Except for that girl, of course but still!
Tumabi naman siya sa'kin at pilit akong nilalambing.
"Ito seryoso na." Sabi niya kaya napatingin naman ako sa kaniya.
"Hindi ka pa rin ba titigil?" Bakas ang pag-aalala sa mukha at boses niya, kaya hindi ko naman napigilang umiwas ng tingin.
"Alam mong wala akong balak tumigil." Walang emosyong sabi ko.
"Pero Iniko, wala ka namang kasalanan."
"Stop, we're not gonna argue about this again. Just send the right ones." I said at tumayo na para umalis.
"Alam mong hindi siya magiging masaya sa ginagawa mo at alam kong hindi ka rin masaya." Pahabol niya pa.
Hindi ko na siya pinansin at lumabas na.
We all know what happened when I let myself to be happy. I don't deserve that crap. Who says I want to be happy?
**
YOU ARE READING
No Strings Attached
RomanceGxG story. I was bored. Started: August 7, 2020 Finished: January 4, 2021 Published: January 5, 2021
NSA: 2
Start from the beginning
