Kabanata 124 : Love Story

Start from the beginning
                                    

Hindi kasi ako palakaibigan.” sabi ni Kat. Tiningnan ni Kat ang dalawang babae sa harapan, hindi niya lubos maisip na ang mga nobyo nito ay naging parte ng buhay niya.

Ang ganda namin ‘no? Kanina mo pa kami tinitingnan ni Ella. Napapansin kita kanina pa.” nakangiting sabi ni Marie.

Marie, tumigil ka nga baka magalit si Kat sa mga sinasabi mo.” sabi ni Ella.

Okay lang Ella. Kilala ko naman si Marie na ganyan. Actually kahit hindi ko kayo nakakasama parang kilala ko na kayo.” nakangiting sabi ni Kat.

Wow bhes artista na tayo. Kilala tayo kahit hindi pa natin nakakapagkuwentuhan.” sabi ni Marie.

Lagi kasi kayo ikinukuwento ni Eric sa akin, halos oras-oras nga.” natatawang sabi ni Kat at nabanaag ang lungkot sa mga mata ng dalaga.

Nagkatinginan sila Ella at Marie, kahit tumawa si Kat sa sinabi mukhang may hinanakit ito sa kanilang dalawa.

Pero hindi ka naman galit sa amin?’ biglang tanong ni Marie na ikinagulat ni Ella at Kat.

Bakit naman ako magagalit?” sabi ni Kat.

Kasi ex mo si Rod tapos nobyo na siya ni Ella ngayon, tapos si Dennis lumalapit sa akin. Then suddenly napunta ka sa lalaking may kaugnayan sa amin dalawa ni Ella at si Eric iyon. Tapos first love mo pa si LJ na nobyo na ng kaibigan namin ni Ella, na si Patty.” mahabang pahayag ni Marie.

Siguro nagkataon lang ang mga iyon.” sabi ni Kat. Sinulyapan nito si Eric na nakatingin sa kanya.

Pero iyong totoo sa kanilang apat sino ang minahal mong tunay?” kuryusidad na sabi ni Marie.

Hoy Marie, tama na nga iyan. Grabe iyong mga taong mo, nahahawa ka na kay Kuya Steven at Kuya Eric.” saway na sabi ni Ella. Pero hindi ito pinansin ni Marie at nagpatuloy pa rin ang kaibigan sa pagtatanong kay Kat.

Huhulaan ko na lang, kasi sabi nila first love never dies. So I guess si Lukaz Jeremy.” nakangiting sabi ni Marie na ikinapula ng mukha ni Kat.

Nagulat si Ella sa reaksyon ni Kat, napatingin siya kay Eric at nakita niya na parang alam nito ang pinag-uusapan nila kaya bumakas ang galit sa mukha nito.

Tama na. Kumain na tayo.” pagpuputol ni Ella kay Marie, naisip niya lalo magkakagulo ang grupo ng kuya niya at grupo nila Rod ng dahil kay Kat.

Hinandaan siya ni Lance ng niluto nitong noodles halatang sanay nga itong mamundok, dahil kompleto ito sa hiking equipment.

Lance salamat. Ang galing mo talaga binusog mo kami. Kanina pa kami hindi kumakain.” sabi ni Marie at lumapit na ito kay Steven para ito naman ang kulitin.

Hindi tulad ni Marie, tahimik lang si Ella kaya ng naiwan silang dalawa ni Kat habang nag-aayos si Lance at Eric ng pinagkainan nila. Wala silang mapag-usapan dalawa. Pinagmasdan niya si Kat, maganda ito at may maamong mukha. Ang isiping naging ex girlfriend ito ni Rod ay nagdadala ng selos sa kanya. Pero napanatag siya kahit hindi tahasang sabihin nito, si LJ talaga ang gusto ni Kat.

Ella, kamusta kayo  ni Rod?” biglang tanong ni Kat. Alam niyang kanina pa siya pinagmamasdan ni Ella at inaalam nito sa sarili kung sino talaga siya.

Okay naman.” tipid na sabi ni Ella.

Gusto mo tulungan ko kayo ni Marie makapuslit bago umakyat sa bundok?” nakangiting sabi ni Kat.

Bakit mo naman gagawin iyon?” tanong ni Ella, nagtataka siya kung bakit iyon nasabi ni Kat.

Alam kong gusto ka makasama ni Rod sa taas ng bundok. Alam ko rin ang paniniwala tungkol sa bundok. Matatakasan ninyo ni Marie sila Steven mamaya bago pa tayo makarating sa tuktok. Tutulungan ko kayo, iyon ay kung gusto mo?” sabi ni Kat.

Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)Where stories live. Discover now