Dialing Cy...

OTP

"What's up?"

"May pwede bang maghatid samin mula sa dorm papunta sa mansion ng SV?"

"Oh yeah! Bakit nga pala kayo pupunta dun?"

"May sasabihin kami."

"What is it?"

"Hinatid kasi ng nila Fhen sina Jema pauwi dito sa dorm kanina. I'm sure that they are already making a move."

"Sa tingin ko rin. Ano pa?"

"Niyaya silang maglunch."

"Hayaan niyo sila. Just keep an eye on them ha and don't tell Deanna and the rest na sinadya nila Jema na pumayag. Okay?"

"Okay."

"Sige, papunta na ang sundo niyo dyan. Ingat kayo."

"Yeah, thanks." I ended the call.

Tinago ko ang cellphone at napatingin sa mga kasama kong nakatingin din sakin.

"What?" I asked.

"Anong sabi?" Tanong din ni Mela.

"Wag lang daw nating ipaalam sa kanila ang tungkol sa plano. Kaya yang mga bibig niyo, dahan-dahan lang. Baka madulas." Sagot ko sabay turo sa kanila isa-isa.

"Okay." Mela shrugged her shoulder.

Makalipas ang limang minuto, may tumigil na kotae sa aming harapan na sa tingin kong sundo namin.

"Good evening po ma'am, ako po ang pinapunta sakin dito ni Sir Cy." Sabi ng lalaking nakasakay sa driver's seat.

"Ah sige po." Sagot ko. Lumabas naman siya at pinagbuksan kami. Sumakay na kami sa car.

"Sa mansion po tayo manong." Sabi ni Faith.

"Copy po." Nagsimula na itong magneho.

"Kailangan ba talaga nating pumunta sa kanila at sabihin ang tungkol sa pagsama nila Fhen kina Jema kanina?" Tanong agad ni Mela.

"Oo naman. Ganun mag-wowork ang plano." Sagot ko at ibinaling na lang ang tingin sa daanan.

Hindi ko ineexpect na may mas lalala pa sa mga naging away nila Aly noon. Mas matindi at mas mahirap na laban between the top two gangs.

Mabilis lang ang naging byahe. Bumaba kami agad at diretsong pumasok sa mansion.

"Good evening po ma'am." Bati ng mga maids.

"Good evening din po. Nasaan po sila?" Tanong ko dito at inikot ang paningin sa buong mansion.

"Ah baka nasa kwarto po sila ni Boss D." One answered and pointed Deanna's room.

"Salamat po." Myla thanked them and headed to the room.

*Knock knock*

Bumukas ang pintuan at bumungad samin si Aly.

"Hey, come in." Alok niya at niluwagan ang pinto. Ngumiti muna ako sa kanya at pumasok.

Nakahiga si Deanna samantalang nakaupo naman ang iba.

"What brings you guys here?" Tanong ni Bea.

"M-may gusto po s-sana kaming sabihin." Kabadong sagot ni Roma.

Gangsters of AteneoUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum