Chapter 21-The Dead Rats

42 2 0
                                    

Small Animals

Shawn's POV

NAKAKAPAGTAKA dahil may sarili pa lang bahay si Elle. Hindi ko akalain lahat ng nalaman ko. Ang laki rin at talagang nakakapagtaka. Natapos na nga kaming kumain at nakakapanibago dahil parang ngayon lang naman ito naganap.

Napansin ko rin talaga si Xian, ang bestfriend ko kakaiba ang kilos niya at base sa asta niya parang kinakabahan at hindi siya mapakali.

Ayoko naman manghula o baka tama yung nasa isip ko? Pero nakakapagtaka talaga kung ganoon. Okay naman na sila at ayoko ng mag-isip dahil sasakit lang ang ulo ko.

Nagliligpit na ang mga maids nila at kaming lima ngayon ay kasalukuyan na nasa sala nila. Nakaupo lang kami sa sofa. Sobrang ganda at ang laki rin ng espasyo nila dito.

"Uy pre? Ang laki pala ng bahay ng kapatid mo. Kailan pa?" talang sabi ko dito.

"Hindi ko alam pre. Tsaka p'wede ba? Mamaya ka na magtanong. Mamaya may sasabihin ako pag wala na siya." bulong nito.

"Ha ano?!" takang tanong ko at inulit ko pa ng dalawang beses.

Tiningnan lamang niya ako ng masama at pinatahimik.

"Kuya Shawn, malalim na po pala ang gabi. P'wede po kayong magpahinga sa room 7 katapat lang ng room nila kuya at Thea. " pag-aalok nito.

"Ayos lang ba na mag-stay muna kami dito ni Vince?" takang tanong ko naman dito.

"Oo naman po. Malalim na pi kasi ang gabi kaya mas okay na dito na lamang kayo magpahinga." masayang sagot nito.

"Diba po kuya, ayos lang?" dagdag nito sabay tingin sa kuya niya.

"Oo naman! Dito na lang kayo magoahinga,bro." sagot nito.

Pumayag naman na ako sa alok ni Elle. Hindi dahil gusto ko mag-stay kundi gusto kong alamin ang sinabi sa akin ni Xian. Masyado kasing misteryo yung sasabihin niya. Aaminin ko na kinabahan ako pero sana mali itong pakiramdam ko.

Binigyan na nga kami ng maids nila Elle ng extra towel at susuotin pampatulog. Binigyan na rin kami ng toothbrush. Hindi ko lubos na maisip na magovernight na rin kami ni Vince dito. Ang galing lang kasi sakto at talagang nakahanda para sa magiging bisita nila.

Nagpaalam na si Elle na magpapahinga siya at si Xian dinala niya na sa kwarto nila ang bunsong kapatid nila na si Thea.

Papasok na sana ako sa kwarto na biglang tinawag ako ni Xian.

"Dude? Aftee mo mag-asikaso usap tayo. Importante lang." sambit nito.

Napatango na lamanh ako bilang pag-sang-ayon sa kaniya. Nauna na kasi sa akin si Vince sa loob at isa pa 'yun, yung kapatid ko hindi mapakali. Palibhasa kasi nakita niya si Elle at alam kong namiss niya talaga 'yon.

Nakapasok na rin ako sa kwarto. Kulang black ang kabuuan pero malinis at maayos. Hindi naman sobrang liwanag dahil ang mga ilaw ay dim light lang.

Nagmasid pa ako sa paligid at talagang niready nila 'to para sa magiging bisita nila. Kumbaga guestroom nila ito.

"Bro? Mauuna na akong maghalfbath ha?" saad ni Vince.

"Oo bro! Mauna ka na." sagot ko rito.

Pumasok na nga siya sa CR at ako napaupo na sa kama at para bang naramdaman ko ang pagod siguro dahil sa biyahe at sa intense na naganap kanina.

The Journey of Detective Xian (Under Revisions) Where stories live. Discover now