"Huwag ka pong mag-alala, Ate. Gusto ka po namin para kay Kuya."

"Opo! Approve ka po agad sa amin." Napa-thumbs up si Greya gamit ang madungis na kamay niyang naka-plastic gloves dahil sa pag-repack.

Napangisi naman ako saka napailing-iling. "Hindi mangyayari ang gusto niyo."

"Hala, bakit naman po, Ate?" Tila nawalan ng sigla si Greya nang marinig niya ang sinabi ko. Ang bitter ko bang pakinggan?

Nagpabalik-balik ang tingin ko sa kanila, hindi alam kung dapat ko pa bang sabihin ang dapat kong sabihin. Napayuko ako at tinapos muna ang pagtali sa plastic. Nilagay ko agad sa palanggana ang natapos ko. Napaayos ako ng upo bago sila sinagot.

"Ikakasal na ako, eh." I force my facial muscles to give them a smile. I think, the more I answered directly, the more they will stop pushing me to Icarius and restraining me to leave this place.

Tama. Ayos na rin 'yon. Van's waiting for me. Hindi puwedeng mahulog ako sa iba lalo na't may plano talaga akong pakasalan siya once everything's settled. If I know, naisip na rin ni Van ang tungkol sa bagay na ito o kaya naman ay higit pa roon. Maybe he's even planning for it, right? And I am too.

Oo nga't malaki ang utang na loob ko kay Icarius at sa pamilya niya pero hindi naman yata required na lumagpas pa roon ang ugnayan namin just because his siblings wanted it, right? We can be friends, yes, but lovers? I don't think so. I don't think I can even call our relationship as friends, like what he said. So, what am I to him? A mere stranger woman he just saved?

"Aalis ka na po ba?" si Greya na parang naiiyak na.

"Uhm, hindi ko pa alam sa ngayon, eh. Hindi ko rin alam kung paano ba ako makakauwi sa amin."

Bigla akong nakaramdam ng lungkot. That's right. I'm not familiar with this place so I don't know how to leave. Ang layo ng Bicol sa Laguna. Hindi ko alam kung ilang pera ang magagastos ko para sa transportasyon ko. Ni hindi ko nga rin alam kung saan ba ako kukuha ng pera. Thinking about it, I can't help to feel pity for myself. Yes, I want to stay here with them since I'm slowly adjusting and coping, but I don't want to get stuck. I still want to go home and fix my mistakes if possible. Kung nakaluwang-luwang na ay puwede ko naman silang puntahan na lang ulit dito para bisitahin.

"E 'di huwag ka na lang pong umalis!" Greya excitedly said. "Dito ka na lang po sa amin. Si Kuya na lang po ang pakasalan mo."

Bahagyang namilog ang mga mata ko dahil sa gulat. I didn't see that coming. She really is innocent, isn't she? Malayo pa ang mga kaalaman at paniniwala niya sa gaya ko.

"Bunso, hindi naman 'yon puwede," sita sa kanya ni Canus.

"Canus is right, Greya. I don't think I can do that. I also have a home that I can't abandon." Nalulungkot man dahil kay Greya ay sinusubukan ko pa ring paintindihin sa kanya ang mga bagay-bagay.

"Pero gusto ko po dito ka na lang sa amin. Matagal ka na po dito, 'di ba? Kaya bakit aalis ka pa po? Ayaw mo po ba sa amin?" Greya's eyes watered.

Nataranta ako. Oh, my God. I don't know what to do anymore. Hindi ko alam kung paano magpakalma ng bata.

"Uhm, Greya, please stop. Mahirap din ito para sa akin-"

"Kaya nga po dito ka na lang po sa amin!" she insisted it more.

"Bunso, huwag kang ganyan. Tama na. Nagbibiruan lang naman tayo tapos ikaw din pala ang iiyak."

"Eh, Kuya naman!"

"Intindihin din natin ang nararamdaman ni Ate."

"Pero..." Greya stuttered. Napasinghot siya't agad pinunasan ang luha sa pisngi. Canus helped her too.

EvanesceWhere stories live. Discover now