Diamond's lips parted a bit while watching my hand. Nang mag-angat ng tingin ay inismiran ako at bumuga sa hangin na para bang hirap na hirap sa kung ano.

"That's it. Stop doing it." Matalim niyang tinitigan ang kamay kong hanggang ngayon ay gumagalaw. I hid my hand below the table after his warning. "Kumain ka na at 'wag na munang magsalita."

Malungkot akong tumango habang pinapanuod siyang hatiin ang mga luto sa maliliit na parte. Inialis niya ang ilang side dishes sa harapan ko at ipinalit ang platong punong-puno ng karne.

"Itadakimasu. (Let's eat.)" I slightly bowed my head.

Kumuha ako roon at sumubo. Ang sarap! Muli kong hinawakan ang chopsticks sa magkabilang kamay at ipinukpok sa lamesa. Sinimangutan ako ni Diamond nang makita ang ginawa ko.

"P-Pasensya... Hindi ko sinasadyang magmukhang nagsa..." I paused.

Mas lalong kumurba padapa ang labi niya.

"Continue, Dayamanti. I will definitely kick your ass out of here," anito sa nagbabantang tinig.

"Hindi na..."

Nanahimik nga ako gaya ng sinabi niya. Pinagtuonan ko na lang ng pansin ang pagkain. Susubo na sana ulit ako ng karne nang matigilan. Kinunutan ko ng noo ang katabi naming lamesa na kung saan may ginagawa pa sa karne bago kainin iyon. Sinulyapan ko si Diamond na hanggang ngayon ay hindi pa kumakain dahil abala sa pagluluto.

"Kaya mo 'yon?" Sinundan niya ng tingin ang tinitignan ko.

"Lettuce wrap?" aniya at saka kumuha ng dahon sa gilid ng lamesa. Iyon siguro ang lettuce. Sunod niyang ginawa ay nilagyan iyon ng dalawang pirasong karne at ilang mga side dishes. Tinanong muna niya ako sa bawat paglagay ng mga noon kung gusto ko ba o hindi.

"Ano 'yan?" tanong ko sa kaniya nang may akma siyang ilalagay.

"Cheese."

"Talaga? Paborito ko 'yan!"

"Should I put more?" He raised his eyebrow.

I bobbed my head.

Nang matapos siya ay inabot niya sa akin iyon.

"Here."

"Arigato (Thanks)," I said as I bowed my head. I then ate the wrap.

"How is it?" He patiently waited for me to finish the food in my mouth.

I gestured 'okay' sign at him, flashing a broad smile.

"Masarap!"

Nang matapos kaming kumain ay agad kaming dinaluhan ng waitress. As soon as he paid for the bill, we went straight to our next destination.

"Nakapaglibot-libot ka na ba rito sa Yasaka?" tanong ko sa kaniya pagkatungtong sa Shrine na pinagtatrabahuhan ko.

"No."

"Sabi na nga ba! Lagi ka lang roon sa bungad, 'no? Do'n sa puwesto ko?"

Tumango siya.

"Pumunta tayo roon sa may bandang dulo. Maganda roon... Kukuhanan kita ng maraming litrato," I effused.

Bumilis ang lakad ko sa pagkasabik. Ngunit napahinto ako nang maramdaman ang hindi pagsunod ng kasama. Nanatili ang mabagal niyang lakad. Bumagsak ang mga balikat ko at sumimangot.

"Kaunti lang ang mapupuntahan natin kung ganiyan ka kabagal maglakad..." pagsasabi ko ng totoo.

"It's okay. We don't need to rush."

"Hindi ayos 'yon. Naku, dalian mo!"

I walked closer to him and softly pulled the end of the sleeve of his hoodie. Sinubukan ko siyang hilahin upang mapabilis sa paglakad ngunit ang nangyari ay ako ang nahatak na bumagal. Wala akong nagawa kundi sumabay. Binitawan ko siya nang makalapit kami sa may bilihan ng omamori.

Art In His Breath (Japan Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon