"Alis na..."

"Opo..."

"Riem, tara na!" 

Tinanguan ko ang kapatid na naghihintay sa akin. Kinawayan ko ang ina bago siya iniwan doon.

"Babye, Ma!"

Tumabi ako kay Juanie at sinabayan siya sa paglalakad. Sa buong paglalakad namin sa kahabaan ng Bamboo Forest ay puro palatak ng katabi ang naririnig ko. Sinulyapan ko ang iritadong kapatid na halos kapantay ko lang sa tangkad.

Iginala ko ang tingin sa mukha at katawan niya.

She is, like what I said, as tall as me even though she is years older. Her straight hair is pitch black like my mother's. Maganda siya. Ang labi ay manipis, ang ilong ay medyo matangos at ang mata ay itim, ibang-iba sa mata kong kulay maputlang tsokolate. Bumaba ang tingin ko sa balat niyang kasing puti ng niyebe na siyang minsan ko ng kinainggitan. Ganoon rin ang kulay ng kay Junio. Na sa tingin ko ay nakuha nila kay Mama. Ang kulay naman ng balat ko ay galing sa amang moreno.

"Hindi kita isusumbong kay Mama kung tatakasan mo ako ngayon," sabi ko.

Lumabas ang tawa sa kaniyang ilong.

"Bakit ang bait-bait mo?"

Ibinaling ko sa harapan ang tingin. We're almost near at the exit of the grove.

"Hindi naman ako mabait, Juanie."

"Kung sabagay. Masama lang siguro ako."

Natawa ako sa sinabi niya. 

"Hindi ka naman masama..."

"Kakunin-shita (Confirmed). Mabait ka," sambit nito.

"Paano mo naman nasabi?"

"Gan'yan ang mga mababait, e! Kahit na halata namang masama 'yung isang tao, sasabihin nila mabait pa rin 'yon. Para sa kanila, walang taong masama," sabi ng kapatid na tumatango-tango pa na animo'y siguradong-sigurado sa sinasabi.

"Mayro'n ba?" 

"Tignan mo nga! Naku! Ang mga masasamang tao ay nakakalat! Talamak ang mga kagaguhan ng tao sa mundo!" aniya. "Naku, naku! Mabuti't hindi ako si Riem. Ayoko ng ganiyan kabait. Mga kagaya mo ang madalas nasasaktan at naloloko."

I didn't reply.

"May napapalapit ba sa'yo ngayon? Kaibigan? Jowa?"

Kinunutan ko ng noo ang huli niyang binanggit.

"Joha?" hindi ko siguradong pag-uulit.

"Jowa, baka! (stupid!) Nobya o nobyo ang ibig sabihin noon! Kanojo, kareshi! (Girlfriend, boyfriend!) Gano'n!"

"Oh..." I bobbed my head repeatedly. "Wala akong j-jowa."

"Kaibigan na napapalapit sa 'yo?" 

Diamond entered my mind so quick.

"M-Mayroon..."

"Naku..." she drawled. "'Wag masyadong mahuhulog ang loob mo riyan, ah! Lalo na kung lalaki 'yan! Naku, naku, Riem, sinasabi ko sa 'yo..."

"Mabait siya." 

"Walang taong mabait, Riem," mabilis niyang sabi.

Tinignan ko siya at bahagyang pinagtaasan ng kilay.

"Uh, s'yempre... Natatangi ka. Bait mo, e," ika niya at saka binilisan ang paglalakad. "Dalian natin at ayokong makihalo sa maraming tao."

Ganoon nga ang ginawa namin. Kaya naman dalawampung minuto lang na paglalakad ay nakarating kami sa Market. Pumasok kami sa looban kung saan nakapuwesto ang mga nagbebenta ng cakes.

Art In His Breath (Japan Series #2)Where stories live. Discover now