• Chapter 52 •

2.6K 119 105
                                    

Chapter 52: Distance

❄️❄️❄️❄️❄️

Xana's POV:

Something's wrong. There's definitely something wrong.

I missed something.

But what is it?

Are they hiding something from me?

Tss! I trust them. There's no way they're keeping some secrets from me.

"Xana" Napalingon ako sa tumawag sakin.

"What is it, Samuel?"

Bumuntong hininga siya. "Kanina ka pa nakatayo dyan, may gala pa tayo 'di ba? Tara na" Sabi niya.

Ah oo nga pala, nagkayayaan pala kanina.

"Kasama si Sir Brady?" Tanong ko at nagsimula ng maglakad kaya sinabayan niya na rin ako.

"Hindi raw, may kailangan pa siyang tapusin" Sagot niya kaya tumango ako.

"Yow Sam" Tawag ko sa kanya kaya napalingon siya sakin.

"Noong wala ako rito, may nangyari ba?" Tanong ko.

Napakunot siya ng noo at nag-isip. "As usual, may away. Pero ang kaaway na nila Leslie ngayon ay yung mga kaibigan ni Keisha"

"So the clash is over?" Tanong ko.

Nagkibit balikat siya. "Not sure, hindi ko na rin sila madalas na nakakausap eh"

Napa-isip ako. "How about Jasper?"

"Hindi na rin daw, medyo lumayo na ang apat sa kanya at madalas na kasama yung lima"

Kumunot ang noo ko. "Why is that?"

"Hindi ko alam. Wala bang sinasabi sayo sila Leslie tungkol sa kanilang siyam?" Sambit niya na ikinailing ko lang.

Something is indeed not right.

"Sam! Xana! Bilis! Si Vince driver natin" Napatingin kami sa sumigaw, si Hersheys na nakasakay na sa kotse ni Vince.

Parehas kaming napailing ni Samuel at sumakay na lang sa kotse. Nasa kandungan ko si Waffle na agad na natulog.

"Saan destination natin?" Tanong ni Vince habang inaayos ang rear view mirror.

"Manong, sa mall lang po" Sabi ni Samuel kaya nagtawanan sila.

"Tangina mo ah" Tugon ni Vince kaya lalong natawa sila Hersheys.

"Seryoso nga sa mall! Kasama ka sa nagplano kanina ah" Sambit ni Sam kaya nagmaneho na si Vince.

Hindi naging tahimik ang 20-minute road trip namin. Dahil syempre maingay ang mga kasama ko, and yes, idagdag na natin si Gabe. He's getting more comfortable around us, and we're glad about it. Pero 'nyeta, ang ingay talaga nila.

"So! Saan niyo gustong pumunta?" Tanong ni Hersheys nang makarating kami sa mall.

"Kahit saan" Sabi nila that made me mentao cursed. Mga walang kwentang kausap. Tss!

"Arcade" Sagot ko na lang.

"Game! Ang mahuli manlilibre ng tokens!" Sabi ni Samuel kaya nagtakbuhan silang apat papunta sa arcade.

Clash Between Campus Royalties ContinuesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon