• Chapter 58 •

124 11 8
                                    

Truth to be told.

THIRD PERSON:

*Next Day*

"According kay Google, this month is the season sunflower starts to bloom. And I hope tama siya kasi magwawala ako kapag tulog silang lahat." Saad ni Venice kaya naman bahagya silang natawa.

They're now inside their rented van, heading to the well known sunflower farm here in Baguio. Yesterday was so tiring since inikot nila ang buong park at naghanap ng mabibiling magagandang souvenirs para kila Leslie. And today will be their last day in Baguio dahil bukas na sila uuwi sa Quezon City.

Eh, it's still fun. (According to Xana)

"Miss Keiley," Tawag ni Sav.

"Yeah?"

"Inom tayo mamaya."

Old Hag suddenly side-eyed Savannah because of what she suggested.

Xana chuckled, "Yeah, let's drink."

And this time, Kyle gave her a side glance.

"What? Bawal ba uminom?" Tanong ng dalaga as she give him a look.

Umiling si Kyle. "Ah no no, it's just that... I'm surprised that you also want to drink. Usually kailangan ka pang pilitin nila Yisa kapag nagkayayaan silang uminom eh."

"Kasi mag-aaya sila kung kailan may ginagawa akong assignment o kaya naman may quiz kami kinabukasan." Paliwanag ni Xana sabay irap.

Ah yes, ka-miss irap ng babaeng 'to.

"Ay weh? Nagpapaquiz si Brady sa inyo?" Gulat na kumento ni Keiley.

Napakunot ng noo ang nabanggit na teacher. "Anong nakakagulat don?"

"Yuck nagpapaquiz," Sagot ni Keiley na para bang diring-diri kay Brady.

"Mas nakakagulat kapag sinabi kong ba-" Agad namang tinakpan ni Keiley ang bibig ng co-teacher niya gamit ang kanyang kamay.

"Subukan mo, Brady, magsispill din ako ng secret mo." Ganti ng Literature Teacher kaya napa-irap na lang siya.

Sabay-sabay namang napa-iling ang mga estudyanteng nasa loob ng van dahil sa mga rebat ng dalawa sa isa't isa.

"Hindi na ako magtataka kapag kayong dalawa ang nagkatuluyan," Kumento ni Maru kasabay nang pag-arte ng dalawa na tila para bang nasusuka.

"Nako Maru, never!"

"Hindi ako pumapatol sa hayop."

At syempre, hindi na naman natigil ang sagutan nila.

Napabuntong hininga si Xana dahil sa kaingayan nila, nilingon siya ni Kyle sabay pasimpleng hawak sa kanyang kamay.

Pinisil niya ito. "Okay ka lang?"

"Yeah," Sagot ng dalaga.

"Tulog ka na lang muna, medyo malayo pa ang byahe natin." Suggest ni Kyle na ikinatango naman ni Xana.

Sumandal siya sa balikat ng binata kasabay ng kanyang paghikab, unti-unti namang nanahimik ang mga kasama nila sa loob ng mapansin nilang masyado na sila maingay.

Sana all aware.

Several minutes have passed, they finally arrived at their destination.

"Everyone, welcome to Paez Sunflower Farm!" All of them are in awe as they look around the farm.

Aside from sunflower, there are also different types of flowers planted in the farm. And this actually made Xana feel excited.

No one expect that she loves flowers, eh?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 01 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Clash Between Campus Royalties ContinuesWhere stories live. Discover now