"Ahh... Dad, Mom this is Arthur my-" pag papakilala ko sa kanila si Arthur ngunit hindi ko natuloy sapagkat hindi ko alam kung sasabihin ko ba ay kaibigan ko o manliligaw.

"Manliligaw." pag dugtong na sabi ni Arthur sa aking sinabi at nakipag kamay sa aking mga magulang.

"Come in, come in." magalak na pag anyaya ng aking Mom sa amin ni Arthur at sumunod dito para pumasok.

Pag pasok naman ng aming bahay ay nakita ko agad ang aking Ate Gabriella na may hawak hawak na sanggol at agad akong lumapit dito na sinalubong ako ng ngiti at sinenyasan ako na huwag maingay.

Tiningnan ko ang sanggol na hawak hawak nito na mahimbing na natutulog, matangos ang ilong nito at mapula ang mga labi na sigurado ako na nag mana ito kay Ate Gabriella.

Akmang iaabot ni Ate Gabriella ang sanggol sa akin para buhatin kaya inihanda ko naman ang aking mga kamay para buhatin ang sanggol.

Nang buhat buhat ko na ang sanggol ay hindi ko maiwasan mapangiti, napatingin naman ako kay Arthur na naka tingin din sa akin habang naka tayo sa gilid kau- kausap ng aking Dad kaya nginitian ko ito.

Nang umiyak na si Baby Nathan ay agad na kinuha na sa akin ni Kuya Jayson, asawa ni Ate Gabriella si Baby Nathan para patulugin uli ito tinawag naman na kami ni Mommy para kumain na kami ni Arthur.

Nang nasa may dining area na kami ay inihanda ni Mommy ang mga pagkain sa harap namin ni Arthur ngunit ang target lock ko lang na kainin ay ang Kaldereta.

Tiningnan ko naman si Arthur na nag sasandok na ng kanyang pagkain.

"Nag- sisisi ka na ba na sumama ka?" natatawa kong tanong dito habang nakain.

Mukhang nasisiyahan kase si Dad na kakwentuhan si Arthur at binilinan pa ito na pag tapos kumain ay agad na puntahan siya sa labas para makipag- kwentuhan ulit.

Umiling lang ito habang naka ngising tuloy pa din sa pagkain.

Mukhang nagustuhan niya siguro ang luto ni Mommy na Kaldereta na kahit madami pang ibang ulam na inihanda si Mommy sa amin ay Kaldereta lang din ang inulam nito.

Pag tapos naman namin kumain ay nag tungo ako sa kusina upang dalhin doon ang maruming pinag- kainan namin.

Habang nag huhugas ako ng kamay ay nasa malapit lang si Arthur na hinihintay akong matapos at sabay kaming babalik uli sa may sala.

"Ooops." rinig kong sabi ng isang babae.

Tiningnan ko naman kung sino ang nasa harap ni Arthur at nakita ko ang isang medyo maliit na babaeng may hawak hawak na iPod.

"Sandra! Ikaw ba yan?" malakas na sabi ko sa babaeng nag ngangalang Sandra.

Nanlalaking mga mata ng babae na naka tingin sa akin dahil sa gulat at lumapit sa akin.

"Ate Bobbie? Ikaw nga!" masayang sabi nito at mahigpit na niyakap ako.

"Grabe ang laki mo na ha!" natutuwang sabi ko dito at niyakap ulit.

Sandra is my kababata siya ang kalaro ko dito sa Probinsiya, siya ang lagi lagi kong kasa- kasama sa initan tuwing pupunta sa dagat at siya lagi ang dahilan kung bakit ako pinagagalitan nila Mom and Dad dahil pag may nangyaring masama daw kay Sandra ay ako ang malalagot dahil ako ang mas nakakatanda dito.

"Si Arthur nga pala." pag papakilala ko dito kay Arthur na nasa tabi ko.

"Hello." naka ngiting pag bati ni Sandra kay Arthur at kumaway kaway pa.

Tinanguan lang ito ni Arthur at nag lakad na paalis.

Nahiya naman ako sa ginawa ni Arthur na pag walk out kaya niyaya ko na lamang si Sandra na mag kwentuhan kami.

Ewan ko ba doon kay Arthur pati sa iba ay pinapairal ang pag ka snabero niya pwera gwapo siya.

Nag lalakad na kami ngayon ni Arthur papunta sa guest room dahil gabi na at mukhang pagod na din ito.

Nang makarating na kami sa harap ng guest room ay binuksan ko ang pintuan para ipakita dito ang kanyang pag tutulugan.

Hindi naman ito ganoon kalaki dahil hindi din naman ganoon kalaki ang bahay namin pero masasabi ko na maka pag papahinga siya ng maayos dahil may kama naman dito at aircon.

Pumasok na ito sa kanyang kwarto at isinara na ang pintuan, lalakad na sana ako paalis ngunit tinawag ako nito.

Lumingon ako dito at nakita kong naka tingin ito sa akin at unti unting lumalakad papalapit sa akin habang ako ay paatras naman ng paatras hanggang sa wala na akong maatrasan.

Hanggang sa huli ay mag kalapit na naman ang aming mga mukha, bakit ba lagi niya itong ginagawa sa akin?

Wala akong nagawa kung hindi mapapikit ng aktong hahalikan na ako nito sa aking pisngi.

"Goodnight." malamig na bulong nito sa aking tainga at saka umalis.

Be With You (COMPLETED)Where stories live. Discover now