Epilogue

716 23 5
                                    

-Donny's POV-

"Anak, mag commute ka nalang muna ngayon. Pinapaayos ko pa ang sasakyan eh." sabi ni Dad.

"How about the new one?" tanong ko nang nakataas ang kilay. Umiling siya.

"Hindi pwede yan. Gagamitin yan ng mom mo mamaya." pagtatanggi niya.

Sumimangot ako. Magandang bungad naman ito sa umaga. Kakauwi ko lang galing States pero hindi man lang ako pina-VIP dito. Di ko alam kung mahal pa ba ako ng mga magulang ko o tinatakwil na nila ako. Hays!
Nagpaalam nalang ako bago ako umaalis.

Pupunta ako sa rest house ng Lolo ko. Titignan ko na rin ang ipapamanang lupain ng lolo ko doon. Nakasakay agad ako ng jeep nang makalabas ako ng subdivision. Nilabas ko ang headphones ko at nagpatugtog nalang. Hindi ko masyadong nilakasan ang volume para marinig ko ang sigaw ng konduktor kung sakaling nasaan na kami.

Hindi ko namalayang naka-idlip pala ako. Kung hindi lang siguro sumigaw yung babaeng nasa harapan ko ay hindi pa ako magigising.
Napatingin ako sa kanya. I don't know but she's so atttactive. Hindi ko man lang inalis yung mga mata ko sa kanya. Kahit mukhang natatae yung itsura ay cute pa rin ito sa paningin ko. What the hell, Donny! Gutom lang yan.

Biglang tumigil ang jeep at dali-dali siyang bumaba. Napatigil siya nang may kumawalang ingay mula sa kanya. I almost laughed. She reluctantly looked around with embarrasment. Nang mapatingin siya sa akin ay nagtulog-tulugan ako. How cute! School mate ata to ng pinsan kong pangit.

Nang makarating ako sa destinasyon ko, kaagad akong dumiretso na sa rest house ni Lolo Maximo pero wala siya doon. Sinalubong ako ng caretaker nila.
Naisipan kong pumunta sa ilog malapit sa rest house ng Lolo ko. Napangiti ako nang makita iyon. After a long time, it's good to see that view again. Lagi kong sinasabi kay Lolo na lilinisan iyon palagi at wag pabayaan dahil maganda ang spot na ito. Good thing walang nakakaalam ng lugar na ito bukod sa amin dahil masisira lang ng kung sinuman ang makakalapit dito. Alam mo naman ang mga tao ngayon.

I sat down and throw pebbles to the water. I looked at my wallpaper. It's been a year since we broke up but the love and pain are still here.
Kisses Delavin, my ex. I smile bitterly. Isa siya sa mga rason kung bakit umuwi ako ng Pilipinas. I have to move-on. Ang hirap pala talaga!

Humiga ako sa pinong bermuda grass at nilalanghap ang simoy ng hangin. Nag headphones nalang din ako para feel na feel ko. Makakatulog na sana ako nang may marinig akong yapak. Dumilat ako at umupo upang tignan kung sino iyon. Pinatay ko ang music.
Nag-isip pa ako kung saan ko nga ba nakita ang babaeng ito. Ah! Siya iyong nasa jeep. Ngumisi ako upang tawagin sana siya kaso hindi ko pala alam ang pangalan niya kaya hinayaan ko nalang muna dahil mukhang hindi naman niya ako nakita. May problema ata ito sa mata. Inisnob yung kagwapuhan ko eh.

Pinagmasdan ko siya, ang lungkot ng mga mata niya. Bakit kaya? Mukhang problemado si Ganda ah.
Halos mapamura ako sa gulat nang sumigaw siya. May problema nga! Sige lang, ilabas mo dito. Pero ang sakit naman sa tenga. Pwedeng hinaan mo nalang ng konti?

Hay! Ang cute sana pero ang lakas ng sigaw. Parang nagtatawag lang ng pasahero sa jeep.

"Ang ingay." sabi ko para mapansin niya ako. At sa wakas! Lumingon siya. Napansin niya rin ako.
I asked her kung ano ang ginagawa niya dito sumagot nga pero ang sungit naman ng dating.
Humiga pa sa bermuda grass parang pinapamukha sa akin na hindi niya kailangan ng kausap. Dahil sa kakulitan ko, nagkausap kami ng mahabang oras. Hindi ko alam pero sa mga oras na iyon parang gusto ko nalang na tumigil ang oras kasama siya.

Pagbalik ko ng bahay, naabutan ko si Lolo. Nabadtrip ako bigla dahil ayaw niyang ibigay sa akin ang lupain na nasa states na dapat ay ipapamana sa akin. Biglang bawi niya dahil sabi niya ay magpapakasal daw muna ako bago niya ibigay sa akin iyon.

Cracks of the Broken Heart (Shardon Story)Where stories live. Discover now