Chapter 4

792 21 0
                                    

"Magkakilala kayo, Shar?" tanong ni Nash.
"Uhmm....recently ko lang siya nakilala." sabi ko.
"Bakit ka nandito, Donato?" tanong ko.
"I went here to confirmed if you're here." simpleng sagot niya. What?
"Mind if I sit here?" tanong ulit ni Donato na may dalang pagkain sa tray.
"Sure, magkakilala kayo ni Shar, so why not?" sabi ni Mika. Then tumabi siya sakin. Bale sa harap niya si Nash.
"Hindi mo ata sinabi sakin na may kakilala kang Donato, Shar." sabi ni Nash.
"Well, mahabang istorya. Anyways, Nash, Mika, this is Donato, my uhmm...friend. Hehe. Donato, si Nash and Mika, friends ko rin." sabi ko.
"Are you somewhat...a couple?" tanong niya kay Nash at Mika.
"Oo." sagot ni Mika.
"Taga dito ka rin? I didn't see you." tanong ni Mika.
"No. Actually, nandito ako sa cousin ko sa kabilang building. I just visited her here." sabi niya.
"Sinong pinsan? Baka kilala ko." tanong ni Mika.
"Si Blaire." simpleng sagot niya.
"Blaire Lazaro?" tumango naman si Donato bilang pagtugon.
"Bakit nandito ka? Meron namang cafeteria sa kabilang building." tanong ni Nash.
"Well, sabi ko nga kanina, hinanap ko si Shar dito. Kasi I thought, taga Far Eastern din siya taking up psychology." sabi niya. Wait! Hindi ko naman sinabi sa kanya na psychology yung course ko ah.
"Pano mo nalaman na psychology yung course ko?" tanong ko.
"Because you're my friend." simpleng sagot niya. Ngumiti siya sakin. I looked at him as if he is really serious.
"Paano kayo nagkakilala?" tanong ni Nash.
"Nung sa jeep. She was f----" bago pa siya may masabi, sinubuan ko siya ng cupcake niyang dala.
"Alam mo Donato, ang sarap ng cupcake nato. You should try another one if you like." sabi ko. Napatawa naman si Mika.
"They're too cute." sabi niya. Cute? San banda?
"Bakit mo hinahanap si Shar? Kahapon lang pala kayo nagkakilala nito ah." tanong ni Nash. Kanina ko pa to napapansin ha, bakit ang bitter ng mga pagtatanong nito?
"Because she caught my attention that I couldn't get her out of my mind." bigla akong nabilaukan sa mga sinabi niya.
"Donato! Ano ba yan!?" saway ko. Bwisit na biro yan. Hindi ako natutuwa.
Napatawa naman si Donato. Si Nash naman biglang umasim yung mukha.
"Oh my gosh! Are you in love with her?" tanong ni Mika.
"What? In love kaagad? Kahapon pa lang kayo nagkakilala ah." singit ni Nash.
"Ano ba yang mga sinasabi mo Donato?" bulong ko sa kanya.
"I just want to share my feelings. Anong masama dun?" painosenteng tanong ni Donato.
"Feelings? Eh kahapon lang kayo nagkakilala at sa jeep pa, na inlove na agad?" tanong ni Nash na nakakunot ang noo.
"Well, hindi lang sa jeep kami nagkakilala. We met again somewhere else and we talked for a long long hours. In fact, ito-tour niya sana ako kahapon kung hindi lang gumagabi eh." sabi niya. Bigla akong nagpanic.
"What? Bakit hindi mo sinabi na magkasama kayo kahapon, Shar? Akala ko ba nasa clinic ka buong araw?" galit na tanong ni Nash.
"Ahh...ehh...k-kasi..." nangapa ako ng sagot. Bago pa ako makasagot inunahan na ako ni Donato.
"Why would she tell it to you? You're just her friend." sabi ni Donato.
"Hindi ikaw ang tinatanong ko ha. Shut up! Shar, akala ko ba sa clinic ka buong magdamag?" biglang uminit ang tensyon sa pagitan naming apat. Umiling-iling ako at sasagot na sana. Bigla ulit nagsalita si Donato.
"Why are you acting like a jealous boyfriend when you already have a girlfriend beside you?"
"Anak ng-" biglang tumayo si Nash at kinwelyuhan si Donato. Napasinghap kami.
"N-Nash, b-bitawan mo siya." pagmamakaawa ko at inawat sila.
"Stay.away.from.her." diin na sabi ni Nash sa kanya. Hinawakan siya sa braso ni Mika upang awatin din.
"Babe, tama na." sabi ni Nash. Pinagkaguluhan na kami dito. Nakakahiya.
"Why would I? Pag-aari mo ba siya? You're just her FRIEND." sabi ni Donato.
"Nash, please!" pagmamakaawa ko. Ayokong gumawa sila ng eskandalo dito. Malamig na tumingin sa akin si Nash bago niya binitawan ang kwelyo ni Donato.
Biglang padabog na umalis si Nash. Sinundan naman siya ni Mika.
"What was that, Donato?" inis na tanong ko.
"I just want to be friends with you." sabi niya.
"At bakit ako?"
"Because I'm comfortable around you." unbelievable 'tong lalaking to.
Sinundan ko na rin sila Nash at iniwan ko si Donato. Nakakainis kasi. Nabadtrip ata si Nash sa kanya. Tumigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang boses ni Nash at Mika na nagtatalo galing sa likod ng gym. Pupuntahan ko sana sila para mag sorry kaso nagtatalo sila kaya nagtago na muna ako.
"Why are you mad then? Aren't you happy kasi magkakaroon na ng love life si Shar?" Tanong ni Mika na naiinis.
"I don't trust that guy." sabi ni Nash.
"Edi sana ginisa mo ng tanong! Hindi yung bigla ka nalang mag eeskandalo! Gosh!" - Mika.
"Nababadtrip ako eh. Ano ba!" sigaw ni Nash na napapahilamos pa ng mukha sa inis.
"Bakit? Bakit ka nababadtrip?"
"Because hindi siya kinuwento sakin ni Shar. And I was just surprise na merong Donato na biglang susulpot na yan sa table natin and guess what? You even let him on our table." sabi ni Nash.
"Ayoko naman kasing maging bastos. Nash! Grow up! Sharlene needs a man in her life, hindi na puro ikaw lang yung kasama niya. Wait...are you jealous of that guy?" tanong ni Mika.
"Jealous? Bakit naman ako magseselos? Eh bastos yun, dapat hindi na yun pinapansin."
"Eh bakit nag eskandalo ka kanina? You're acting jealous, Nash. Tell me, do you like Sharlene?"
"She's my bestfriend for goodness sake! Malamang poprotektahan ko yun." sabi niya.
"Then why are you acting like that? Bakit?"
"Kasi nga nababadtrip na ako. At anumang oras, masusuntok ko na ang ungas na yun."
"Nagseselos ka, Nash. You like Shar. You like her. How about me?" mahinang pahayag ni Mika na umiiyak na.
"No. No, Mika. Bestfriend ko siya. There's nothing to worry about her. She's just my bestfriend that's why I need to protect her from any other guy. Mahal kita. Mahal na mahal. Wag ka ng magselos sa kanya. Hush! Tahan na. I'm sorry for acting like this." mahinahong sabi ni Nash at niyakap niya ng mahigpit si Mika. Bakit ko ba sila pinapanood? Mas lalo lang akong nasasaktan eh. Ang sakit marinig mula mismo sa bibig ng taong mahal mo. Oo Shar. Bestfriend ka lang niya. Bestfriend. Bakit kasi ang tigas ng ulo mo?
"Nash, I want you to limit your actions and time for her. I know bestfriend mo siya. Pero hindi ko pa rin maiwasang hindi magselos sa kanya. You've spend your 13 years to her. Pwedeng ako naman ngayon? Call me possesive but I want you to spend your more time to me." sabi niya na kinagulat ko naman. Para akong binagsakan ng langit sa narinig ko. Biglang tumulo yung luha ko. Please Nash. Wag kang papayag. Please!
"Oo. Sige Mika. Tahan na ha. Hush! Magpapakalayo na ako sa kanya kung yan yung gusto mo. Lilimitahan ko ang pakikisama ko sa kanya. Tahan na." sabi ni Nash. Biglang umikot yung mundo ko. Bigla akong nanliit. At paulit-ulit na tinutusok ng karayom yung puso ko sa narinig ko. Bakit Nash? Ganun-ganun nalang yung pinagsamahan natin?
"Talaga?"
"Yes." nakangiting tugon ni Nash. "I love you, Mika."
"I love you too." at bigla siya nitong hinalikan. Ang sakit. Parang minamartilyo yung puso ko at bigla akong nanlambot at anytime matutumba na ako. Pinipigilan ko rin yung mga hikbi ko dulot ng pag iyak ko. Tumalikod na ako at nagsimula na sanang maglakad ng may biglang may yumakap sakin. Nagpupumiglas ako dahil baka manyak to.
"Hush! I know nasasaktan ka. Just cry. Wag kang mahiya sakin." he just said. It's Donato. I hugged him back. Ewan ko. Parang may isip ata ang katawan ko at nagkusa nalang silang gumalaw.
I let my ear rest on his chest at pinapakinggan ko yung heart beat niya habang umiiyak ako. Napapikit ako at inaalala yung mga panahong magkasama kami ni Nash. Bakit ganun? Bakit ang sakit-sakit? Hindi ko na ata to makakaya. Ang sakit-sakit na. I let myself cry in his arms. Thanks to Donato. If he wasn't here, I really don't know what I'm going to do. Sininghot ko yung amoy niya. He smelled vanilla. Is this his signature scent? I like it. Kung hindi lang siguro ako broken hearted ngayon baka tinatanong ko na siya about sa perfume na ginagamit niya.
"Are you okay now?" tanong niya nang tumigil na ako sa kakahikbi.
"Wala na ba sila? Did they saw us?" tanong ko ng humiwalay sa kanya.
"Kanina pa and they didn't see us." sabi niya.
"Pasensya kana ha. Nabasa ko pa yang t-shirt mo." sabi ko na nakayuko.
"That's okay. At least gumaan yung pakiramdam mo. Do you want a fresh air?" tanong niya. Tumango ako.
"Punta tayo sa Reminiscing River." sabi ko.
"Reminiscing River? Where?" tanong niya. I smiled and just shrugged.
"Tara na." I said and hinila na siya. I don't care if I looked pathetic sa itsura ko ngayon. Basta ang mahalaga, gusto ko munang makaalis dito with him.

Cracks of the Broken Heart (Shardon Story)Where stories live. Discover now