Chapter 22

952 26 8
                                    

Pagkatapos nung nangyari sa amin, isag linggo na akong hindi nagparamdam sa kanya. Wala akong pinagsisihan sa nangyari. Kaya lang nagiguilty ako dahil malapit ng mangyari ang kinatatakutan ko.
Ayokong mangyari yung iniisip ko. Pero kailangan.
"Sige na kasi Bhe. Tanggapin mo na yung offer ko. Hindi naman kita pababayaan dito eh and besides, I already asked your parents regarding this and um-okay naman sila. It depends on you daw." sabi ni Tita Kath, yung kapatid ni Mommy na nasa Japan. Nagvi-video call kasi kami
ngayon at inoofferan niya akong maging assistant niya sa clinic niya sa Japan.
"Paano sila Mommy?" tanong ko.
"Hay naku! Matanda na yang mga yan. Punta ka dito ha. Sasama ka sa akin pauwi." sabi niya nang nakangiti.
"Bakit? Pupunta ka dito?" tanong ko.
"Yes. Bukas na kaya yung alis ko dito! Hindi ba sinabi ng mommy mo sayo?" tanong niya. Umiling ako. Ganun kabilis?
"Si Mylene talaga oh. Pupunta nga ako diyan. Sunduin mo ako ha." sabi niya.
"Sige na. Bukas. Anong oras ba?" tanong ko.
"Tanungin mo nalang si Mommy mo. I gotta go na. See you bhe. Pag isipan mo yung inoffer ko sayo ha."

*Ding dong*
Pagkarinig ko ng doorbell, kumaripas ako ng takbo upang magtago papunta sa kwarto nila Daddy. Si Mommy naman yung nagbukas ng gate. Sumilip ako sa bintana.
"Oh! Donny. Si Sharlene ba hinahanap mo?" bungad ni Mommy sa kanya.
"Andyan na po ba siya, tita?" tanong niya.
"Hindi pa siya nakabalik eh. Nasa Iloilo pa siya Hijo." sagot ni Mommy.
"Kailan po ba siya babalik? Matagal na po kasi siyang hindi nagpaparamdam. Nagtetext po ba or tumatawag si Shar sa inyo?" malungkot na tanong niya. Napayuko naman ako. Nagiguilty na ako. Bakit ba kasi ako nagtatago?
"Hindi eh. Baka abala yun sa outing." sabi naman ni Mommy.
"Sige po. Pakibalita naman po ako kapag nacontact niyo na po siya." malungkot na saad niya.
"Sure Hijo."
"Sige po. Babalik nalang po ako. Bye po." paalam niya.
"Sige. Mag iingat ka." sabi ni Mommy at tuluyan na siyang umalis.
Malungkot akong lumabas ng kwarto nila. Sorry Donny.
"Ikaw na bata ka! Ginawa mo pa akong sinungaling! Harapin mo na kasi siya! Bakit ba nagtatago ka diyan? Para kayong naglalaro ng tagu-taguan. Imbis na sulitin niyo yung araw niyong dalawa, heto ka't nagtatago. Tsk!" reklamo ni Mommy. Hindi naman ako makasagot.
"Sigurado kana ba diyan?" malumanay na tanong ni Mommy.
Hindi pa rin ako sumagot. Sa totoo lang, ayoko talagang gawin yun eh! Gusto kong maging selfish. Gusto ko dito nalang siya palagi sa tabi ko. Kaso pinepressure ako ng lola niya at pati na rin ng sarili ko. Kapag nakikita ko siya, nakikita ko yung panghihinayang sa mata niya. Ayokong maramdaman niya yun habang kasama niya ako. At saka mas mapapabuti yung sarili niya kapag nagawa na niya yung gusto niya, yung matagal na niyang pinapangarap. Willing naman akong maghintay kahit masakit. Maghihintay ako kahit gaano pa katagal.
"Shar...tumatawag ata yung lola ni Donato." sabi ni mommy nang nagvibrate yung cellphone ko at nagflash sa screen yung number na galing sa ibang bansa.
"Hello po?" sagot ko sa tawag.
(Hija.) Lola nga ni Donny.
"Po?"
(Nakaready kana ba?)
Biglang tumulo yung kanina ko pang pinipigalan na luha. Mom tapped my back and I saw a worried look on her face.
"O-opo." sagot ko. "R-ready n-na po ako."

---

"Love! Damn! Bakit hindi ka nagparamdam sa akin?" nakangusong tanong niya sabay yakap sa akin. Epic pa yung itsura niya kanina nang makita ako. Parang nakakita ng multo. Hahaha.
"Oh Hija! It's nice to see you again." bati sa akin ni Tita Maricel.
"Hello po Tita. Pwede ko po bang mahiram saglit si Donny?" nahihiyang tanong ko.
"Naks naman! Nag effort ka talagang pumunta dito para yayain akong mag date. Ikaw ha! Bumabawi ka noh? Aba! Dapat lang!" sabi ni Donny. Napairap naman ako sa sinabi niya.
"Of course. Kahit hindi mo na yan iuwi. We don't mind." sagot naman ni tita na ikanatawa ko.
"Mom naman!" pagmamaktol niya.
"Magbibihis lang ako saglit lang." sabi niya at dali-daling umakyat sa kwarto niya.
Umupo sa tabi ko si Tita.
"Tita...h-hindi ko a-ata kaya." sabi ko sa kanya.
"I know. Yan din yung nararamdaman ko ngayon Hija. Pero kailangan talaga." sabi niya.
"Pwede naman kasi siyang mag-aral dito, di ba?" tanong ko.
"Pwede. Pero gusto ni Donato noon pa lang na makapagtapos mismo sa states at kung gustuhin niya ring makapag aral din dito, ayaw naman ng Lola niya. I know her. Kapag alam niya kung saan siya mas mapapabuti, she will do anything. Mahal talaga ni Mama si Donny kaya kahit masaktan kayong dalawa, gagawin pa rin niya lahat upang maabot yung gusto niyang mangyari. Kaya nga galit na galit pa rin hanggang ngayon si Mama kay Papa kasi pinilit niya si Donny na maging Businessman. Ayokong pati ikaw, pagbuntungan niya ng galit." napatango naman ako sa sinabi niya.
"Lakasan mo yung loob mo. Magiging okay din ang lahat." sabi niya.

Cracks of the Broken Heart (Shardon Story)Where stories live. Discover now