Part 1 (The confession)

216 10 1
                                    

"Gia saan ka pupunta, hintayin mo ko! Teka lang naman!" Tawag ni Jenny sa kaibigan na si Gia

"Huwag mo na ko habulin, hintayin mo na lang ako sa gate. Saglit lang ako may sasabihin lang ako kay sir." Pasigaw na sagot ni Gia sa kaibigan saka tuloy tuloy sa pagtakbo para maabutan si Mr. Gonzales, ang guro nila sa Business Math. Since lumipat ang guro sa kanilang skwelan ay crush na crush niya na ito. Since Grade 12 na siya ay baka sa maynila na siya mag college next school year, so she will take a risk to confess her feelings. Bahala na sa magiging reaksyon ng kaniyang guro, ang mahalaga ay wala siyang pagsisihan.

"Sir Gonzales! Sir teka lang!" Halos maabusan na siya ng hininga dahil sa pagtakbo. She felt relieved ng huminto na ito sa paglalakad at finally ay hinarap siya.

"Oh Ms. Salazar, do you need anything?" Ani ng kaniyang guro. Dali-dali siyang lumapit dito.

"Sir since malapit na mag end itong school year at baka mawala yung chance na sabihin ko to sayo, kasi baka sa maynila na ako mag college. Sir gusto ko lang sabihin na. na"

"Na? "

Pinikit niya ng mariin ang kaniyang mga mata bago sabihin ang matagal niya ng gustong aminin sa guro.

"Sir, I love you!"

"Mahal mo ko pero mukhang hindi ka naman nakikinag sa tuwing nagle-lecture ako. "

Bigla siyang napamulat dahil sa sinabi ng kaniyang guro.

"Po? "

"You failed my final exam, I will give you another chance to retake the exam, if you failed it again you can't get my answer."

Biglang nagliwang ang mukha ni Gia dahil sa kaniyang narinig. "So may chance sir? "

"Don't make me repeat,"

-end of part 1

Sir, I love youWhere stories live. Discover now