"okay,please don't cry magiging sad din ako"
Malambing niyang sabi at niyakap ako

Ang sarap lang sa pakiramdam na meron kang anak na nakakapag patanggal ng lungkot sayo.

"Mommy look,ginawa namin ni Tito Dem. Ginawa namin ito with puso para sayo Mommy"
Aniya at inabot sa akin ang painting ng mother daughter.

Honestly,maganda siya and sobrang colorful.

As colorful as my life ng dumating ang anak ko na si Syndey sa buhay ko noong nanghihina ako.

It reminds me of Mommy's painting na ginawa niya noon sa akin the only painting na nailagay ko sa room ko hanggang ngayon.

"Sobrang nagustuhan ko anak,you're such a great painter like Moma"
Naiiyak kong sabi at niyakap siya

"You're crying Mommy"
Malungkot niyang sabi

Hirap pigilan ng iyak,yung iyak na halo halo ang emosyon na hindi mo maintindihan kung bakit laging pumapatak.

Unexpected tears for someone that always gives joy to your heart,

"Because of you,I love you may Angel"
Nakangiti ko siyang hinarap at hinalikan sa noo

"I love you so so much Mommy"
Malambing niyang sabi

My forever tesoro!

"I love you both"
Pagsingit naman ni Gab at siyang yumakap din sa amin









"Ate"
Pagtawag ni Parsa mula sa likod ko

Nagulat pa ako sa tawag niya kaya napangiti nalang ako at hinarap siya

"Yes"
tipid kong sagot

"Can we talk"
Aniya

Medyo gulat pa ko dahil sa gusto niya akong kausapin?

Sa pagkakaalala ko ay hindi maganda ang huli naming pag uusap

"About what"

"Syndey"
Nagdadalawang isip niyang sagot

Bakit naman gusto niyang  pag usapan ang anak ko?

Para alamin kung kaninong anak,sino ang ama?

"Why?"

"Si Demi ba ang ama"
Deretso niyang tanong kaya napatigil ako sa ginagawa ko

"Para ano pang alamin mo"
Naiinis kong tanong

"Dahil karapatan ko bilang kapatid mo"
Naiiyak pa niyang sabi

Nakakatawa lang ang pag uugali niya sa harap ko

Si Parsa ba talaga ito?

"OO"
Deretso sa mata niya ang tingin ko kayat kita ko ang pagpatak ng mga luha niya na nagpahina sa loob ko

Alam ko mahirap para sa kaniya na malamang ang ama ng anak ko ay ang taong mahal niya.

Pero tama si Gab panahon na para isipin ko naman ang kasiyahan at karapatan ng anak ko

Kung titimbangin lang ang pagmamahal ay hindi ko na kailangan pang kwentahin ang lahat dahil ang buong puso ko ay nakalaan lamang sa anak ko.

Akmang aalis na ako ng hawakan niya ang kamay ko

"Alam na ba niya"
Nanginginig pa ang boses niyang sabi

"Dadating din ang panahon Parsa para malaman ni Dem ang totoo tungkol sa akin at sa anak niya."
Ani ko at laking gulat ko ng lumuhod siya sa harapan ko

LOVE SIN SERIES: LOVE TAKES TIME Where stories live. Discover now