CHAPTER 10

229 17 1
                                    

Demitrio's POV

Natutulala nalang ako sa tuwing nakikita ko si Aïs.

Bakit ba ang lakas pa rin ng epekto niya sa akin kahit alam kong wala na talagang pag asa na makukuha ko siya.

Bakit kung kelan naman meron ng iba saka ka nagpakita sakin Aïs,ganyan na ba talaga katindi ang tadhana?

Hinanap mo ba ako?

Hinintay mo ba ako?

Ang daming tanong sa isip ko na gustong gusto kong masagot noon pa man.

Taon na lumipas pero ikaw at ikaw pa rin ang hinahanap ko.

"Dem"
Pagtawag ni Parsa sakin

Nalingon naman agad ako sa kaniya na papalapit sa akin at kaagad na yumakap

"Hey wanna join"
Ani ko at inabot sa kaniya ang baso ng alak

"Nag iinom ka na naman,problem?"
Nag aalala niyang sabi

Ayaw na ayaw niyang nag iinom..

Sobrang laki ng pagkakaiba nila ni Aïs,kung anong lakas at galing ni Aïs sa alak yun naman ang hina ni Parsa

I hate myself for being like that,I always compare Parsa to Aïs since then

"No,gusto ko lang ng pampaantok medyo naninibago pa ata ang katawan ko"

"Naiilang ka ba kay Ate? Wag mo intindihin yun ganun lang talaga ang ugali noon pero sobrang sweet at bait niya."
Nakangiti pa niyang sabi at kumalong sa akin

"Alam ko naman yun,sa kaniya ka nga ata nagmana e"

"Aba mas mabait naman at maganda ako doon no haha kaya itigil mo na yan at magpahinga kana mapasok na din ako sa kwarto ko okay"

"Yes po,ubusin ko lang ang isang ito"
Ani ko uminom ng brandy sa baso

"Okay I love you Dem"
Aniya sabay halik sa akin na tinugunan ko naman

"I love you too Parsa"

Naglakad na siya papunta sa kwarto niya at ako naman ay naiwan muli mag isa sa mini bar nila habang iniinom ang brandy sa baso ko

Natatawa ako sa nangyayari,

Yung dahil nalilito ka at naiinis sa mga kaganap kaya naitatawa mo nalang.

Paano ko ba nakayang hindi maglakas ng loob noon para sa taong mahal ko hanggang ngayon?

When life brings you to the top of your dreams and at the same time to the paths were you can't choose wich way you're allowed to go

How I wish ganoon kadaling bumitaw at ipaglaban ang dapat ipaglaban baka nagawa ko na ngayon.

Pero mahirap igive up ang relasyon na tumulong sayong makabangon sa lungkot.












"Goodmorning"
ani ko ng makababa ako ng hagdan

Naglakad naman ako papunta sa taong nagluluto at agad na niyakap ito

Nagulat pa kami pareho ng magkakilanlan kami

"I'm sorry I thought...

"It's okay you better ask first before you back hug someone baka mamaya kung ano maisip nila"
Seryoso pa niyang sabi at inabot sakin ang plato ng hotdog

LOVE SIN SERIES: LOVE TAKES TIME Where stories live. Discover now