Pumaling muli ang ulo nya habang nakatingin sa akin. Na-appreciate ko na naman ang mga mata nya. Kinokumbinahan ito ng mahahaba nyang mga pilik mata na lalong pume-perpekto sa guwapo at napakaamo nyang mukha. Sinamahan pa ng bahagya nyang magulong buhok na tila ba umaayon sa pagkakataong lasing ako kaya naman nababaliw ako sa hitsura nya.


Lalo tuloy akong napikon. "Jumbo! Halika rito at – " biglang lumambing ang boses ko. "–mapulbusan ka..."


Speaking of pulbos, ewan ko ba sa sarili ko kung bakit lagi na akong may dala nito. Simula ng makilala ko sya, naging girlscout na ako.


Kaya nga heto na ako at lumapit na sa kanya. "Jumbo, hubad! Pupulbusan kita." Utos ko sa kanya habang ako na mismo ang naghuhubad nitong t-shirt nya na binili ko sa ukay-ukay noong isang gabi. 


Tumayo sya sa harapan ko. Ang lamig naman ng hangin, pero parang pinagpapawisan sya. Kailangan ko nga talaga syang pulbusan dahil mahirap na, baka ubuhin sya. 


Inangat ko ang laylayan ng basa nyang t-shirt. Mabango pa rin sya kahit pawisan. Alaga ko kasi sya sa pulbo. At iyon nga, bumungad na naman sa akin ang maganda niyang pangangatawan. Bakit ba hindi pa rin ako masanay-sanay? Saka bakit ba kasi ganito makatitig si Jumbo? Ang init, hayan tuloy at parang pinagpapawisan na rin ako. 


Napalunok tuloy ako. This time, hindi lang tubig ang kailangan ko. Dextrose!


At nang sa wakas ay natanggal ko na rin ang t-shirt nya. Whew! "Ngayon Jumbo, hubo!" utos kong muli sa kanya habang nakaluhod ako sa harapan nya at hawak kong muli naman ang butones ng kanyang pantalon at kinakalas iyon.


Wake up Rosenda! Pupulbusan mo lang sya. Bakit kailangan pang hubuan pati ng pantalon?


Oops! It's too late na. Nahubuan ko na sya er. 


Ipinilig ko ang aking ulo. Sobrang lasing na ba ako? Hindi ko na kasi namamalayan ang ginagawa ko. Kaya naman tinampal-tampal ko ang mukha ko. 


Kulang pa. Tinampal ko ulit. Hindi pa sapat. Inulit ko. Wah! Iba na pala itong tinatampal ko. Hindi na itong mukha ko! Kundi itong jumbolito na pala ni Jumbo!


Relax, Rosenda. May boxers pa sya. Pero bakit nga kaya nakahubog na itong pagkalalaki nya? Nang tingalain ko si Jumbo ay nakayuko siya... at bakit ganito? Parang nag-aalab ang mga mata niya na nakatitig sa akin.


At ang isang kamay niya, nakahawak sa ulo ko na para bang ayaw niya akong bitiwan dahil may hinihintay siyang mangyari.


Nawala tuloy ako sa sarili. Walang pasubaling hinubo ko ang boxers nya. Nasapol pa ako ng kanyang kuwan sa pisngi dahil nag-bounce iyon.


Muntik na akong mapatili nang biglang lumuhod si Jumbo sa harapan ko. Napausod ako palayo pero ang aking mga mata ay tila ayaw maalis doon sa harapan niya.


Teka? Bakit tumitibok? 


May sarili rin kaya iyong isip at puso? 

Babysitting the BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon