Prologue

218 20 35
                                    


PS: Ang storyang ito ay kathang isip lamang. Maaring may mga unting nangyari talaga na hindi namin sinasadya or alam. Ang lahat ng pangalan na nadito ay gawa gawa lang din, maaring may pagkakatulad lang sa mga totoong tao.


----

"Malapit na ako."

Nakangiti kong pinatay ang telepono. Pupuntahan ko kasi ngayon ang boyfriend ko. Isa syang doctor. Sikat at magaling na doctor dito.

Agad akong bumababa nang maipark na ni Manong Noel ang kotse ko sa parking lot. Kumaway muna ako dito bago sumakay ng elevator. Agad akong nagtungo sa kanya. Nakita ko itong tila may chinecheck na kung ano sa may lamesa nito. Niyakap ko sya nang mahigpit.

"I miss you!" usal ko habang pahigpit nang pahigpit ang yakap ko dito. Narinig ko ang mahina nyang pagtawa. Tumayo ito at humarap saakin. Niyakap nya din ako. Hinalikan nya ako sa ulo ko.

"Kakakita lang natin kahapon" agad akong kumalas sa pagkakayakap namin nang sabihin nya yan. Tinitigan ko ito nang masama at tumalikod dito.

Masama na bang mamiss sya kada oras, minuto, o segundo? Nakapakj naman nito! Nakasimangot ako na nakanguso dito nang maramdaman ko ang kamay nya sa balikat ko.

"Thera" iniharap nya ako sa kanya at iniangat ang mukha ko dito. "Wo ai ni" hinawakan nya ang likod ko upang mapalapit dito. He gently kiss my lips. Uwu! "Kada mag popout ka ikikiss kita, okay?"

Naramdaman ko ang pag init nang magkabilaan kong pisnge. Namumula ata ako. Bakit ba kasi amg galing nyang magpakilig? Alam nya kung paano ako mapaamo.

Nakita ko ang nakakalokang ngiti nya. Siguro napansin nya din namumula ako at naestatwa sa sinabi nito. Lagi naman e! Lagi akong naeestatwa pag sya na magaganyan e. Wala nakong masabi basta mahal ko sya!

Teka. Sabi nya diba kapag magpopout daw ako ikikiss nya ko lagi? Hmm. Lagi nalang ako ngunguso. Tumawa ako ng mahina. Tumaas ang kilay nya na tila nagtataka.

Ngumuso ulit ako sa harap nito. Natawa sya ang kinurot ang labi ko.

"Aray! Ano bayan, sabi mo ikikiss mo ko pag gumanon, hmp!"


"Tss. Wag kang abusada. Mahal ang halik ko"


"Ang kapal mo!"

"Thankyou."

"Ewan ko sayo!"

Tumawa nanaman ito nang mahina. Isa payan. Gustong gusto nya akong inaasar. Mahilig syang mamikon!


"Let's eat na. I'm so gutom na oh" ngumuso pa sya na tinuturo ang tyan nya.

"Conyong intsek!" pang aasar ko dito.

"Ikaw baboy na tao."

Okay. Talo nanaman ako. Pumunta nako sa isang lamesa.  Inihanda ko na ang dala kong pagkain na para sa kanya.

"Joke lang thera. Cute mo kaya. " Niyakap nya pa ako. Pinaulanan din nya ako ng kiss sa uluhan ko.

"Tss. Kumain na tayo"

"Sinigang na baboy." usal nito at na humigop ng sabaw "yummy!"


"Well" umaarte pa akong nagyayabang.

"Hangin mo" usal nito sabay tinuktok saakin ang kutsara ng mahina.

"Hmp. Bakit ikaw lang ba may karapatang magyabang?"

"Init ng ulo mo. Kumain kana"

"Tss. "

"Wo ai ni"

"Ahhhhh oo na. Iloveyoumore!"

Habang nasa kalagitnaan kami nang pagkain, may isang nurse ang kumatok at nagmamadalimg pumasok.

"D-DOC WANG! WE NEED YOU!" taranta ito na nagpapawis pa. Siguro masyadomg matindi or 50/50 na yung pasyente.

Mabilis niyang tinapos ang natira niyang pagkain at ganun din ako. Pinunasan ko ang mukha nito.

"Go babyy!" umaarte pa ako na nagchecheer. Tumawa naman sya ng mahina. Kiniss ko sya sa pisnge at tsaka nya nilisan ang kwarto. Nagligpit nadin ako at nahiga muna sa higaang andito.

Hobby nya ang matulog kaya may higaan din sya dito.

--

Mabilis kong isinuot ang mga dapat isuot sa ganung sitwasyon. Mabilis at malaki ang bawat hakbang namin patungo sa emergency room. Masyado na daw kasing critical ang lagay ng pasyente.

"What happened ba?" tanong ko sa isang kasama ko habang hindi pa kami nakakarating. Kinuwento nya saakin ang nalaman nya. "Ahh depress."

Binuksan ko na ang malaking pinto. Itinabig ang kurtina. Agad din silang nagsitabihan nang dumating na ako.

"What the heck. "  Agad akong lumapit sa pasyente para isure if sya nga iyon. "Holy shit" napatakip ako sa bibig ko. Halos hindi ako makapaniwala nang makita ko kung sino ang nasa binggit ng kamatayan. "K-keisha.. "

----------------------------------------

..

Are You Mine?Where stories live. Discover now