"Don't forget to like, share, subscribe and hit the notification bell for the updates!"

"See you on the next video!" We said in chorused.

After we bid a goodbye on the camera, I immediately sat on the couch. It was a tiring day. Mabuti na lang at Linggo ngayon at day off namin.

After two weeks, we reunited again as Sixth of Ace. We've been busy on our works and family. Matatanda na nga kami.

I deeply sighed and I closed my eyes. Gusto kong matulog! Nag-vlog lang kami tapos ang bigat na ng aking pakiramdam. Ganoon din ang aking mga kaibigan. Kani-kaniya kaming hilata rito sa sala ng bahay ko.

My phone suddenly beeps. I immediately look at it, I received a message from Mrs. Trayski, one of our clients. She's informed me about the changes she wants on the project.

Napa-facepalm na lamang ako nang mabasa ko ang gusto niya. It's impossible! Ito minsan ang mahirap sa mga client. They want designs na hindi pwede and that's my problem now.

Si Mrs. Trayski pa naman ang client naming gusto na laging nasusunod ang kaniyang nais. Mukhang mai-stress talaga ako sa kaniya hanggang matapos ang project na 'to.

"Bal, is there a problem?" Stair asked and sat beside me.

"Just a client," tipid na sagot ko at namayani na naman ang katahimikan sa aming anim. Tumayo si Aera at binasag niya ito.

"Xeidrine, do you receive a message from our senior high batch?" I shook my head.

"They are planning to have a mini reunion next month!"

I check my message to confirm what Aera said and it was true. We will have a batch reunion. I didn't notice it earlier, tambak na ng mga chats ang group chat namin. Nakakatamad mag-backread.

Magmula noong grumaduate kami, hindi nawala ang connection naming magkakaklase sa isa't isa. We have a contact to each other. Kay Nash lang yata ako walang alam.

"Sana all may reunion," pasaring ni Coast.

"Speaking of senior high, it was one of the memorable school year for us, yet painful. Right?" Axti asked and we all agreed.

Kahit na dalawang taon lang ang senior high, napakarami kong karanasan na hindi malilimutan dito. Bawat isa sa amin ay nagmahal at nasaktan. Ang iba naman ay nakatagpo ng kanilang kasintahan dito.

"Na-miss ko tuloy mga chicks ko sa HUMSS," wika ni Keist at dahil dito, nabato siya ng unan ni Bal.

"Tumigil ka nga Keist. May anak ka na," paalala ni Stair.

"Anak lang naman ah."

Napailing na lamang ako sa sagot niya. Ilang taon na ang lumipas, hindi pa rin nawawala ang pagkahilig ni Keist sa mga babae.

"Ang bilis ng panahon, parang kailan lang nag-aaral pa tayo, ngayon nag-aaral pa rin ako," saad ni Aera at natawa naman kami.

Sa aming anim, siya na lang kasi ang nag-aaral. Napakahirap talaga kapag medical related ang course mo, tatanda ka muna bago makapagtapos.

"Pero eto talaga, pwera biro. Parang dati mga hirap na hirap tayo sa pinasok nating strand, tapos ngayon mayroong na kayong trabaho, ako malapit na rin. May asawa at anak na rin ang iba sa atin," sambit ko.

"Wala eh, tumatanda na talaga tayo. I really missed senior high," wika naman ni Axti.

"Speaking of senior high, hindi ba dumalaw ka noong nakaraan Xeidrine sa West Wood?" Tumayo si Coast sa kaniyang pagkakahiga sa couch at naupo sa aking harapan.

His Woeful Stare | Sixth of Ace: Xeidrine ✓Where stories live. Discover now