CHAPTER 2

77 3 0
                                    

CHAPTER 2

ALICIA MARIZ

I never entered in a relationship even once, I saw many couples doing when they're together or not——cheating, lying, fighting physically and emotionally and Arguing many times.
Pero siguro hindi natin masisisi ang taong nagmamahal kahit nasasaktan na ito, you will take a risk if you really love that person.

Pero iba ako sa kanila, I would never enter in a relationship.

Having a commitment? No way! Ayoko maloko, ayoko magpaloko, bakit ko pipiliing masaktan kung pwede namang iwasan 'diba? You should know your value, having a relationship or not.

"Ang lalim ng iniisip mo, baka malunod ka." Napaigtad naman ako nang may umupo sa harap ko habang nginunguya ko ang paubos nang chips na binili ko kanina at habang hinihintay si Abish, nag dismiss agad ang Professor namin dahil masama raw ang pakiramdam kaya nauna na ako dito at binili na rin siya ng snack.

Sinamaan ko siya ng tingin habang siya naman ay parang komportableng nakatitig sa akin.

"Kung wala kang sasabihin pwede ka nang umalis." Nagbago ang tingin niya sa akin at napalitan ito ng nanunuksong titig.

"Nakikita mo ang mga 'yan?" Turo niya sa mga babaeng nagpapapansin sa kanya.

"Oo, may mata ako eh, ikaw? Bulag ka ba? Bakit tinatanong mo pa?"

"Ibang klase." Narinig kong bulong niya habang nakatingin sa kawalan.

"Pinagmamayabang mo ba ang mga babaeng nagkakagusto sa 'yo? Hindi ka ba nihihiyang ang dami mo nang pinaiyak na babae pero wala kang pakialam?"
Kumunot naman ang noo niya nang sabihin ko 'yon tsaka tumawa ng malakas. Nasasaktan ako dahil kahit anong gusto niya ay nagagawa niya, kahit ilang babae pa ang gustuhin niya ay walang makakapigil sa kanya.

"Wala kang karapatan para pagsabihan ako ng ganyan dahil unang-una wala ka sa lugar, pangalawa hindi mo ako kilala." Hanep, ganito ba talaga ang lalaking 'to?

"Pwede ka namang magpaalam kung tititigan mo ang mukha ko hindi yung ngumingiti ka habang nakatitig sa akin." Napanganga naman ako sa sinabi niya habang nagtitimpi sa inis.

"Hindi ako ngumingiti, pwede ba umalis ka na." Pagtatakwil ko sa kanya, ngunit hindi ito natinag at biglang bumaba ang tingin niya sa dibdib ko. Nakangisi siya habang dahan-dahang inilalapit ang kamay niya sa dibdib ko at mabilis itong inalis.

"Walang hiya ka! Bakit mo hinawakan ang ano ko?! Manyakis ka!" Walang sawa ko siyang pinaghahampas ng aking bag.

"Wait lang, let me explain." Aniya habang umiiwas sa mga hampas ko.

"Anong explain? Tinatanong kita kung bakit mo hinawakan ang dibdib ko?!" Sa sobrang inis ko ay biglang naputol ang hawakan ng bag. Kainis talaga!

"May nahulog na chip kaya kinain ko. Aksidente lang nahawakan ang ano mo." Nanlaki ang mga mata ko, matalim ko siyang tinitigan habang nahihiya. Ngumisi pa siya sa akin, nang-aakit na ngumisi.

"Manyakis ka! Ito ang tatandaan mo, hinding-hindi mo na ako malalapitan kahit kailan!" Tila napalakas ang boses ko kaya inosenteng lumingon ang ilan sa loob ng cafeteria.

Ang iba ay may nanghuhusgang tingin lalo na ang mga babaeng walang ibang ginawa kundi magpapansin sa manyakis na Kiel na ito.

"Ang kapal naman ng mukha niya."

"Oo nga, sino ba siya para umiwas kay Kiel?"

"Sino ba siya sa akala niya?"

Kita ko sa tingin ng mga Fangirl niya ang kung paano ako patayin dahil sa mga titig nila.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 20, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love Without Label [Unedited]Where stories live. Discover now