CHAPTER 1

152 5 2
                                    

CHAPTER 1

ALICIA MARIZ


DALAWANG TAON na lamang at magtatapos na ako sa college. Matutupad ko na rin ang pangarap kong maging isang ganap na Abogado. I came from a rich family but I don't use it to impress everyone. I rather like to show on them my success with my own qualification.

Bagot na bagot ako kagabi dahil sa hindi matapos-tapos na assignment at solo research na malapit ko nang matapos.

Napahikab nalang ako habang walang preno ang bibig ni Abish, ang bestfriend ko na walang sawang nagki-kwento tungkol sa kanyang ultimate crush na si Kiel Lawrence Aguilar, ang pinaka womanizer dito sa campus. Hindi ko nga alam kung ano ang nakita ng aking bestfriend at nagustuhan niya ang lalaking wala namang ambag sa campus kundi magpalit ng babae. Napabuntong-hinga na lamang ako nang maalala ko ang katarantaduhan niyang ginawa noong 1st year college kami.

Hindi ko yun inaasahan dahil nasa loob ng cubicle ng comfort room pa sila gumawa ng milagro.

"Ahhhh, Kiel. Oh my-ahhhh!"

Tuwing naaalala ko yun ay parang gusto ko nalang masuka dahil nandidiri pa rin ako hanggang ngayon. Halos maihi na ako sa short ko nang mga oras na iyon at saktong yung c.r na nabuksan ko ay naroon si Kiel at ang babae niya.

Hindi ko alam kung nakailan akong lunok ng laway bago ako sumigaw at tumakbo palabas. Hindi ko kasi masikmura ang nangyari nang mga oras na iyon. Rated SPG!

Napahikab ako saka tumingin sa maganda kong relo. 20 minutes pa bago matapos ang lunch break.

"ALICIA MARIIZZZZZ!" Nawala ang antok ko dahil sa malakas na sigaw ni Abish dito sa loob ng Cafeteria. Halos lahat ng tao ay nagsipag-lingunan matapos marinig ang lakas ng boses niya, bigla naman itong natigilan nang mapagtanto niyang nasa kaniya ang tingin ng lahat.

"Ano na namang pumasok sa katawan mo at ganiyan ka na naman sumigaw?" Bumuntong-hininga muna siya bago tumitig sa akin ng matalim.

"Alam mo? Kanina pa ako salita nang salita dito pero hindi ka naman nakikinig, inaatake ka na naman ng pagka-antukin mo. Nakakapagod mag kwento ah." Napangiwi naman ako sa reklamo at sermon niya.

"Mas nakakapagod kaya makinig ng kwento lalo na kung paulit-ulit lang naman." Padabog naman siyang kumain nalang at hindi ako pinansin. Pinigilan ko nalang matawa dahil sa nakabusangot niyang itsura.

"Alam mo, tigil tigilan mo ang pagpapantasya sa Kiel na 'yan, hindi ka naman mapapansin niyan eh." Mahina niyang ibinagsak ang kanyang kamay sa mesa at inirapan ako.

"Alam mo rin, Minsan tinatanong ko ang sarili ko kung kaibigan ba talaga kita? Kasi hindi mo man lang ako sinusuportahan, gustong-gusto ko yung tao eh." Sinulyapan ko naman ang lalaking nakakapagpabaliw sa kaibigan ko, lalo na sa akin. Ayon at may kaharutang babae. Napangiwi naman ako nang makita kong hinalikan ito ng babae. Ang alam ko, hindi lang paghanga ang nararamdaman ni Abish kay Kiel, kundi mahal niya na ata ito. Super cringe pero siguro yun ang totoo.

Hindi ko gusto na habang tumatagal ay ganito ang nararamdaman ng kaibigan ko sa kanya. Dahil alam ko na habang tumatagal, ay mas nagiging pilyo at babaero ito. Maldita ako pero ayaw kong nasasaktan ang kaibigan ko.

"Kita mo 'yan?" Ngumuso ako sa likod niya kaya lumingon naman siya.
Binalik niya ang tingin sa akin at masamang tumingin. Alam kong nagpanggap lamang itong hindi nasasaktan ngunit wala siyang takas sa akin dahil mula ulo hanggang paa ay kabisado ko na siya.

Love Without Label [Unedited]Where stories live. Discover now