chapter 49: Picture

Start from the beginning
                                    

Peste toh! Pati pala sila vince may natatanggap na din! Gigil na gigil na akong makita kung sino ang may pakana lahat ng ito.

Matapos niyang maglagay ng dead threats sa gate nila vince sumunod kami sa bahay nila ate Trisha ganun ulit ang ginawa niya. Kaya panay ang tago namin sa malaking box dito para hindi kami makita.

Shunga ka ba ana? Gabi na! Kaya panigurado hindi na kayo makikita!

Pumunta muna kami sa bahay nina karl at drake na ganun ang ginawa niya. At sa wakas ng tapos na siya nagbyahe kami ng 30 minutes pero buong byahe tinignan namin kung saang lugar siya pupunta. Kumunot noo kami ng ipasok niya ang van sa loob ng maliit na kalye saka hininto sa madilim na gubat ang van. Naramdaman namin na bumaba na siya pero naghintay pa kami ng 15 minutes para isiguro na nakalayo na siya.

Dahan-dahan kaming lumabas sa compartment ng van saka dahan-dahan sinara iyon. Nagtaka kami ng sobrang dilim dito. Nang ilibot namin ang paningin namin may nakita kaming abandoned na bahay. Mukhang gutay-gutay na lahat ng gamit dito. May ilaw din sa loob nasisiguro ko na doon sila nagme-meeting lahat. Nagtanguhan kami saka lumapit doon. Nagtago agad kami ng may lumabas na lalaki na mukhang siya ang bantay dito. Nakatingin lang siya ng deretso sa harap habang naninigarilyo.

Kung siya kaya ang unahin kong patayin? Tsk. Bad ka na ana!

Kinuhanan ko siya ng litrato bago kami pumasok sa likod ng bahay na kinagulat namin ng makita namin si leo prank na nakangiti sa lalaking nasa harap niya. Nasisiguro ko na siya ang leader!

"Opo boss! Nagawa ko ang plano! Kaya nasisiguro ko na magwawala sa galit ang mga iyon, haha" natatawang sabi ni leo dito na kinatawa ng lalaki. Kumunot noo ako ng familiar ang tawa ng lalaki.

"Haha, tama ang ginawa mo! Nasisiguro ko na magugustuhan ito ni Ian!" Nagulat kami sa sinabi ng lalaki.

Ian? Hindi kaya siya yung kilala namin sa america? Yung kinalaban ni vince noon? Pero anong kinalaman nila drake, josh at karl dito?

Pero nagtaka ako bakit parang boses ni tony ang narinig namin sa kausap ni leo. Hindi kaya si tony at Ian ang leader dito? Hindi naman pwedeng hindi dahil base sa boses ni tony nasisiguro ko na tama ako.

"Ana, hindi ba't si tony iyong kausap ni leo?" Mahinang-mahina na sabi ni elle na tinanguhan ko.

Ngayon tama nga ako! Na si tony at Ian ang leader!

Kahit hindi namin tignan si tony sa mukha malalaman agad namin na siya iyon dahil sa boses nito. Hindi na din kami nagtagal pa doon dahil baka hinahanap na kami. Nang makarating kami sa mall nagpalit na kami ng damit namin saka dumeretso sa Starbucks para pag-usapan ang nalaman namin kanina. Nag-order ulit kami ng coffee saka nagkatinginan.

"Napakasama nila ana! Natatakot ako baka mapatay nila ang taong mahalaga satin" mangiyak-ngiyak na sabi ni elle na kinabuntong hininga ko.

"Kilala niyo sila?" Takang tanong ni jane na tinanguhan namin.

The Cold GuyWhere stories live. Discover now