chapter 44: Acquaintance Party

Start from the beginning
                                    

"Kyahhh, ang ganda-ganda mo din!" Tili agad ni jane sabay yakap kay elle.

"Gaga, ikaw kaya! In fairness ang ganda mo, jane"

"Talaga ba?"

"Oo nga!"

"Kaloka! Ang gaganda ng mga inayusan namin, parang ang galing-galing na tuloy namin bilang make up artist, haha" natawa kami sa sinabi ni hobard saka namin sila hinarap.

"Thank you"

"Kaloka ayos lang, saka magbihis na kayo!" Napatingin kami sa suot namin na kinatawa namin dahil naka-pang bahay pa rin kami.

"Haha, oo nga. Wait" natatawa kong sabi saka ako kumuha ng 10,000 sa wallet ko at inabot sa kanila iyon.

"Thank you, ma'am ana, elle at ma'am jane" tumango na lang kami saka namin tinawag si manang para ihatid sila sa gate.

"Magbihis na nga tayo, haha" tumango na lang kami sa sinabi ni elle. Pumunta ako sa kwarto ko dahil nandoon yung in-order ko na gown na black na may glitters na white. Tumingin ulit ako sa relo ko bago isuot yung gown. 7:30pm na.

Dali kong sinuot yung gown saka high heels na white na may 7 inches ang laki. Humarap ulit ako sa salamin ng matapos kong mag-ayos lahat. Parang bumalik agad ako sa dati dahil sa itsura ko ngayon.

Tsk. Hindi na atah maaalis ang pagiging Queen bitch ko!

Knock knock knock.

Napatingin ako sa pinto ng may kumatok. Kinuha ko mauna yung pouch ko at cellphone bago buksan ang pinto at bumungad ang mga gwapong nilalang at magagandang nilalang sa balat ng lupa.

"Oh my goshhh, ikaw na talaga ana! Ang ganda-ganda mo!" Tili agad ni jane ng tignan ko siya namangha din ako sa ganda niya pati na din si elle.

"Ang ganda niyo din ni elle" ngiting sabi ko na kinatawa niya. Tumingin ako kay miguel at jake saka kumindat.

"Ang gwapo niyo, super" sabay tingin sa suot nila at sa mukha nila ulit.

"Alam namin yun!" Napa-ubo agad ako sa sinabi ni miguel na kinatawa nila.

"Hindi pa lang tayo lumalabas ang hangin na"

"Loko ka! Pupurihin na din sana kita! Kaso ganiyan ka!"

"Haha, kahit hindi mo sabihin alam ko na yun!"

"Ikaw pala ang mahangin eh!"

"Haha, honest lang. Oh, jake ang gwapo mo!" Sabay apir kay jake na hawak niya ang girlfriend sa bewang.

"Sus, maganda ka din naman"

"Haha, elle?" Lahad ko ng palad dito. Inis siyang kumuha ng 1k saka ako inabutan.

"Bwesit talaga kayo ano?" Natawa ako sa sinabi ni elle saka umiling.

"Maganda din naman ikaw!"

"Anak ka ng--"

"Ana" ngising lahad ng palad ni elle, nakasimangot kong binalik yung 1k niya na kinatawa nila.

"Bwiset kayo eh noh? Wait si grey nasan?"

"Ayun oh" agad akong napalingon sa likod ko dahilan para makita ko si grey na naglalakad papalapit samin.

"Kyahh, ang gwapo-gwapo talaga ni trace" tili agad ni jane at elle. Hindi ako makapag-salita dahil ang bilis-bilis na naman ng tibok ng puso ko. Napatingin ako sa mukha niya na sobrang gwapo.

Parang hindi ko siya kilala sa part na toh dahil sa itsura niyang napaka-gwapo. Parang bumalik ako noon na taga-hanga niya pa din. Parang hindi niya ako kilala habang ako naman patay na patay sa kaniya. Hindi pa din ako makapaniwala na ang isang super crush ko noon naging fiance ko na ngayon!

The Cold GuyWhere stories live. Discover now