chapter 25: Swimming

Start from the beginning
                                    

"A-ah, sure" tumingin ako kay pia na kinatango niya din, lumapit ako sa kaniya saka bumulong. "I'll be right back"

Tumingin muli ako kay ana saka naunang lumangoy naramdaman kung sumunod siya agad dahilan para sabay kaming lumangoy, napatingin ako sa kaniya na nakatingin lang sa harap, nang titingin siya sakin agad kong tinuon muli yung paningin ko sa harap. Humahon kami saka sabay na naghabol ng hininga.

"Nagmamadali ka ba, haha" natatawang sabi niya na kinataas ko ng kilay.

"Bakit ko naman gagawin yun?"

"Asus, kunwari pa" napailing na lang ako ng lumapit siya sa isang mesa, lumapit ako saka siya tinulungan mag-ayos ng kakainin namin mamaya.

"Anong nakain mo at ako ang inaya mo?" Tanong ko habang inaayos yung plato.

"Para masolo kita" bulong niya pero narinig ko pa din na kinatigil ko.

Anong ibig niyang sabihin?

"Ah?"

"Wala, sabi ko pagnatapos natin toh, turuan mo akong mag-floating, pwede ba?" Napatingin muli ako sa kaniya saka siya pinag-kunutan ng noo. "Kung ayaw mo, kay drake na lang ako magpapaturo---"

"Wala pa akong sinasabi!" Pigil ko na kinatigil niya saka ngumiti.

"So, tuturuan mo ko?"

"Tsk"

"Haha, tuturuan mo din pala ako eh, ang dami mo pang-inarte diyan"

"Anong nag-iinarte?"

"Sus, catch" agad kong nasalo yung apple na binato niya

"Abay loko ka" hinabol ko siya dahilan tumakbo agad siya papalayo. "Humanda ka sakin!"

"Ang layo mo nga eh, pano ako hahanda---wahhhhhhh" mabilis ako lalong tumakbo dahilan para muntik na siyang madulas pero agad ko siyang nasalo.

*tsup*

Pareho kaming nagulat ng biglang nagdikit yung labi namin dahilan para bumilis yung tibok ng puso ko, Napatitig ako sa mata niya na palipat-lipat ng tingin sa mata ko. Hindi ko agad nagawang bitawan dahil tinatawag ako ng mata niya na mapupungay, habang tumatagal yung titig ko sa kaniya biglang nag-slow yung pagkurap niya, feeling ko din kami lang dalawa ang tao dito, walang maingay at walang gamit sa gilid kundi kaming dalawa lang, bumilis na naman yung tibok ng puso ko dahilan para ako na ang kumalas sa labi niya. Inayos ko siya ng tayo pero parang wala pa rin siya sa sarili niya. Hindi ko din magawang magsalita dahil hindi ko alam kung anong nararamdaman ko, ang bilis-bilis ng tibok ng puso ko.

"S-sorry" naiilang na sabi ko na kinabalik niya sa realidad.

"Nung una mo kong mahalikan, hindi ka nag-sorry tapos itong pangalawa na saka ka lang magso-sorry?" Natatawang sabi niya na kinailingan ko. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya saka napatingin muli sa labi niyang mapula at malambot, napalunok ako saka nag-iwas ng tingin.

"Eh, anong gusto mong sabihin ko? Na ana isa pa, ganun?"

"Bakit hindi?"

"Your crazy"

"No, I'm not, I'm your fiance so, you can do whatever you want from me" Napatigil ako sa sinabi niya pero agad ko din binawi yun at pinalitan ng ngisi saka lumapit sa kaniya.

"Talaga?"

"B-bakit anong g-gagawin mo?"

"Simple! Halikan mo ulit ako" halatang natigilan siya na kinatawa ko ng bigla siyang namula.

Haha, ang cute niya! Ano bang pinag-sasabi mo trace, tsk.

"Y-your joking r-right?"

The Cold GuyWhere stories live. Discover now