chapter 19: Heart beat

Start from the beginning
                                    

"M-may kakausapin lang ako" tumingin ako kay leah na nakayuko. Napabuntong hininga ako ng madungis siya.

"Okay"

"Talaga? Sige, sige. Salamat... Leah kay kuya grey ka muna ah" baling niya dito na kinatango lang ni leah. Tumingin muna siya sakin bago umalis. Lumapit ako kay leah saka siya kinandong sa hita ko na kinagulat niya.

"Nagugutom ka ba?" Tanong ko na kinatango niya. "Hintayin mo ko dito ah, may kukunin lang ako sa bag ko" lumapit ako sa bag ko saka kinuha yung isang supot ng oreo at isang bottle tubig.

"Para sakin po ba yan?" Tanong niya. Tumingin ako sa hawak ko saka nakangiting tumingin sa kaniya.

"Oo naman, sayo na lahat toh"

"Wow, thank you po, akala ko po noon masungit kayo pero mabait din po pala kayo, hehe"

Hindi ako mabait, leah.

"Sige na, kumain ka na" dali-dali niyang binuksan yung isang oreo saka kinain. Bumalik ulit ako sa bag ko at kinuha yung towel, saka binasa ng tubig. Tumingin ako sa kaniya na tapos ng kumain. Nakangiti siyang tumingin sakin.

"Thank you po ulit, nabusog po ako" tumango na lang ako saka pinunasan yung mukha, kamay, at paa niya ng basa na towel. May nakita din akong pasa sa braso niya na kinataka ko dahil malaki iyon.

"Anong nangyari dito? Sino may gawa niyan?" Turo ko sa braso niya, tumingin siya doon saka yumuko sakin.

"Pinalo po kasi ako ni tatay ng kahoy"

"What?"

"Opo, tsaka kasalanan ko naman po eh, hindi po ako sumusunod sa kaniya"

"Kahit na, hindi tama yung ginagawa niya lalo na't bata ka"

"Hayaan niyo na po, gagaling din po yan"

Bakit sa lahat ng magiging tatay mo si brandon pa, he don't deserve a little angel.

"Matagal ka na ba niyang sinasaktan?"

"Po?"

"Tinatanong kita kung matagal niya na ba ikaw sinasaktan?"

"Ayaw ko pong sabihin dahil papagalitan niya na naman po ako" malungkot na sabi niya. Napatingin ako sa mukha niya habang naaawa.

"Ah, guys. Kaninong box toh?" Napalingon kaming lahat ng magsalita si ana sa pinto na may hawak na malaking box.

"Wala naman tayong dalang box ng pumunta tayo dito, except sa mga box na pinamigay natin nun" sabi ni elle saka lumapit sa box na hawak ni ana.

"Tignan niyo kung may nakasulat" ani ni jane saka lumapit din. Binuksan ni ana yung box saka may nilabas na pang-bata na dress na kulay pula, at sandal na puti na pang-bata.

"Walang nakasulat o kahit note, kung kanino man toh pahiram niya muna" nagtaka kami sa sinabi ni ana.

"Aanuhin mo yan?" Takang tanong ko na kinangisi niya.

"Susuotin, tsk, stupid. Ito muna ipapasuot ko kay leah para sa sayawan mamaya, hehe bagay sa kaniya toh saka kasya sa kaniya" nakangiting sabi niya, napatitig ako sa mukha niya ng makita yung ngiti niyang ngayon ko lang nakita.

TUG DUG, TUG DUG, TUG DUG.

Napahawak ako sa dibdib ko ng bumilis yung tibok ng puso ko.

Bakit ko naramdaman yun habang nakatitig sa kaniya? Ibig sabihin, No, hindi pwede. Naprapraning ka lang trace.

The Cold GuyWhere stories live. Discover now