chapter 16: Cry

Magsimula sa umpisa
                                    

Pesteng babae toh.

Tumayo ako ganun din siya. Saka ko siya tinuro.

"Ang kapal ng mukha mong itulak ako---" naputol yung sinasabi ko ng marinig ko yung boses ni grey

"Hey, don't you shout at my queen" lumapit siya kay pia na kunwaring umiiyak na saka nito niyakap.

"T-trace, huhu, nakikipag-kaibigan lang ako pero huhu, sinasabihan niya na ako ng malandi at hindi daw siya kuma-kaibigan ng katulad kong mahirap lang, huhu" nagulat ako sa mga kasinungalingan niya.

Hanep, best actress ang kaloka.

"Is that true?" Inis na sigaw ni grey sakin, kumunot yung noo ko sa sinabi niya.

"No, ikaw kung maniniwala ka edi, wala akong magagawa, ni hindi mo nga naumpisahan lahat---" naputol yung sinabi ko ng sumigaw si pia sakin

"Sinungaling ka, sabi mo pa nga na sana mawala na ako, huhu para sayong-sayo na si trace, huhu"

"Hanep ka din eh, noh, magsisinungaling ka na nga---"

"I said, don't you shout at my queen" sigaw na naman ni grey sakin. Napapikit ako sa inis. Saka muling nagmulat.

"And don't you shout at me too"

"Kita *hik* muna trace, bait-baitan lang siya sa una pero sa loob-loob niya may tinatagong baho" galit kong nilingon si pia sa sinabi niya.

"Sarili mo ba ang sinasabihan mo? Kung mag-drama ka kala mo nasa teleserye ka"

"Akala ko ba mag-uusap kayo, eh ano toh?" Malamig na sigaw ni grey na kinainis ko habang si pia napalunok.

"Akala ko din eh, yun pala ipapakita niya sakin kung gano siya kagaling mag-sinungaling and worst sinisiraan niya pa ko sayo--"

"Shut up, oo na kasalanan ko na kahit hindi, kahit hindi ako nag-sisinungaling at naninira, oo na kasalanan ko na lahat, huhu" putol ni pia saka umiyak na parang bata na kinakunot ng noo ko. Tumingin ako kay grey na ang sama ng tingin sakin.

The heck, kung papakita ko sa kanila kung ano ako sa america, kinalalabasan na ako yung mali, taena naman oh.

"Wala akong sinabing ganiyan" Napabuntong hininga ako sa inis at galit.

"Magsisinungaling ka na naman, huhu"

"Taenang, sinungaling word na yan" bulong ko sa sarili ko. Tinignan ko muli yung dalawa na umayos ng tayo.

"Tama ka, bakit naman ako maniniwala sayo eh, hindi naman kita ka-ano-ano at isa pa hindi naman ikaw yung gusto ko kaya, sabihin mo kung bakit ako maniniwala sayo?" Galit na sabi niya bago sila umalis, napaluha ako sa paulit-ulit na pumapasok yung sinabi niya sakin lalo na yung sinabi niyang 'hindi naman kita ka-ano-ano' at mas masakit 'hindi naman ikaw yung gusto ko'

Napa-upo ako sa sobrang sakit ng sugat ko na dumudugo na pero mas sobrang sakit yung sinabi niya, iyak lang ako ng iyak saka tumingala sa langit na sobrang daming star.

"Alam ko naman na hindi mo ko gusto pero ang masakit kung bakit mo sinabing hindi mo ako ka-ano-ano, pero tama ka naman siguro na hindi mo ko ka-ano-ano, sabagay hindi naman tayo magkaibigan o kung ano..except sa isa" bulong ko sa sarili ko habang umiiyak. Nang biglang may mag-ring sa phone ko kinuha ko yun saka sinagot ng si mommy yung tumatawag, pinunasan ko muna yung luha ko saka nagsalita.

"H-hello mommy?" Hikbi kong sabi.

"Oh my god, sweetie, are you crying? Why? Tell me"

"No, mom, kakagising ko lang kasi" pagsisinungaling ko saka muling bumuntong hininga.

The Cold GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon