chapter 4: Savior

Magsimula sa umpisa
                                    

"Sige na ana, total ngayon ka lang mang-lilibre. Yaman-yaman kuripot"

"What did you say?" Tanong ko hindi ko na narinig yung huli niyang sinabi dahil mahina

"Sabi ko, ang ganda mo pa naman"

"Tsk" bolera kahit kailan, wala pang nagsabi sakin nun dahil simple lang ako at hindi maganda.

"Pumapayag na siya, hehe" masayang sabi ni elle sa kanila na kinatuwa nila. Wala na akong ginawa dahil pumasok na sila sa resto. Tinignan ko naman si grey na nakangisi.

Pagkaupo ko nagulat ako sa sinabi nila sa waiter na lahat daw ng nasa menu.

"What the"

"Ngayon lang toh kaya susulitin na namin hehe" sinamaan ko siya ng tingin dahil sa sinabi niya

"Tsk"

Maya-maya dumating na yung order nasapo ko yung noo ko. Ang dami hutek.

"Ang sarap pag-libre" natatawang sabi ni Miguel sabay sulyap sakin.

"Yeah, you're right" sabat ni grey na kinasimangot ko. Nagtawanan na naman sila.

Kwentuhan lang sila ng Kwentuhan habang kumakain kami pero ako lagi topic nila eh nakakainis naman. Matapos naming kumain nagbayad ako gaya ng usapan halos manggigil ako sa loob ng katawan ko dahil ang laki ng bill.

"So, paano ba yan. See you tomorrow and thanks a lot ana" tumango na lang ako kay Miguel buti pa siya marunong magpasalamat.

"See you and thanks" sagot din ni jake tumango muli ako dahil yung boss ko nauna ng umalis take note iniwan sakin yung gamit niya tsk.

"Ang sarap yung nilibre kanina" masayang sabi ni elle na nakipag-beso, ako ganun din kay jane.

"Sige na, see you tomorrow" sabi ko bago sumakay sa kotse.

"Ingat" sabay nilang sabi. Tumango ako muli bago ko pinaandar yung kotse ko pauwi.

"Oh, buti hindi ka naligaw" natatawang sabi ni grey pagkapasok ko sa loob ng bahay dala yung gamit niya na binili niya.

"Tsk, oh" abot ko ng pinamili niya. Ngumisi siya bago kunin yun.

Dumeretso na ako sa taas dahil pagod na pagod na ako ngayong araw. Humiga agad ako sa kama at pumikit, hindi ko namalayang na nakatulog na pala ako.

"Slave wake up. Hey" nakakainis naman. Minulat ko yung mata ko dahil may panira ng tulog.

"What?" Nag-cross yung braso niya dahil sa sinabi ko.

"Sino bumili nito?" Nagulat ako ng tinaas niya yung t-shirts at dress hutek.

Memories niya lahat ng pinili niya sa dami nun? gosh.

"Ah eh, a-ako.... Eh kasi nag-iisa na yan eh" parang batang sabi ko. Hinagis niya sa harap ko yung dalawang damit.

"Dahil sa ginawa mo. Araw-araw mo akong ililibre sa lunch break" nanlaki yung mata ko dahil doon. What the heck. Tatalikod na sana siya ng pigilan ko siya.

"Pero, babayaran---"

"No, you're too late" cold na sabi niya bago lumabas sa kwarto ko. Naupo ako sa kama dahil sa kagagahan ko.

Ring..ring...ring..

Kinuha ko yung phone ko ng may tumatawag and it's elle.

"What?" sagot ko sa kaniya dahil naiinis talaga ako.

"Ana, please help me" Mahinang sabi ni elle. Bumilis agad yung tibok ng puso ko dahil sa boses niyang hinihingal.

"What happen?"

The Cold GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon