I - excursión

79 3 0
                                    

Chapter One

Tour

"Sam, hatid na kita!" hindi na ako nag-abalang lumingon nang marinig ang boses ng ka-groupmate kong si Oliver na malamang ay sumusunod sakin. Simula nang mag-start kami ng research ay lagi na rin siyang nakikisabay umuwi sa akin.

"Namimihasa ka na, Oliver, ha? Pag tayo na-issue nanaman." Minsan kasi ay hinahatid n'ya pa ako pauwi sa amin kaya hindi maiwasang maabutan ni papa ang senaryo. Nakakahiya kaya!

"Madaming loko-loko ngayon, lalo na sa may papasok ng barangay natin. Mas mabuti ng nag-iingat," aniya habang nahihiyang napakamot ng batok. Napatango ako habang deretyo ang tingin sa harap. Totoo naman na maraming adik-adik sa barangay namin pero hindi ako takot, kilala naman ng buong barangay kung kaninong anak ako.

Nakasanayan ko na ang paglalakad kung malapit at kaya kong lakarin kahit pa pwede ako mamasahe. Ginagawa ko lahat para makatipid at magamit ko pa ang allowance ko sa mas makabuluhang bagay.

"Hoy, may isaw!" Turo ko sa kabilang panig ng kalsada kung saan naroon ang helera ng iba't ibang street vendor. Parang nung isang araw lang ay nagca-crave akong kainin 'yon!

Lumingon ako kay Oliver na wala ang atensyon sa akin kundi sa cellphone sa kaniyang tenga. Halatang seryoso ang pinaguusapan dahil nakakunot ang noo nito at nakahawak pa ang isang kamay sa bewang.

Muli akong sumulyap sa isawan at ganoon din kay Oliver. Tiningnan ko rin ang paligid, madaming sasakyan na dumadaan dahil alas singko na at nagsisiuwian na ang mga tao.

Tinatakam na talaga ako sa isaw pero hindi ako sanay na tumawid ng mag-isa. Alam kong madali lang iyon, kaya nga nafu-frustrate ako ng todo dahil 'di ko magawa.

Ah bahala na! Susubukan ko lang naman.

Tumingin muna ako sa kaliwa't kanan bago tahakin ang kalsada. Susunod naman ang isang iyon sa akin pagkatapos. I can't control the smile in my lips when I'm only a few steps away.

Pero bago pa ako tuluyang makatawid ay may malakas na bumusina sa gilid ko. Ramdam ko ang paglukob ng lamig sa aking buong katawan at dahil sa takot ay awtomatikong napunta ang kamay sa tenga.

Hindi ito pwede.

I heard a few faint screams that accompanied my heavy breathing. Nanghina ang aking mga tuhod at unti-unti akong napa-upo sa kalsada. Sinubukan kong mag-angat ng tingin pero nagdidilim lahat. May narinig akong tumatawag sa 'kin pero hindi ko alam kung sino.

Wala na akong pake kung nasa gitna ako ng kalsada. My body felt numb, my hands were dead cold and I can feel the heavy hammering of the organ beneath my chest increased.

Sa ikalawang pagkakataon, sinubukan ko ulit mag-mulat pero malabo. Nanghina pa lalo ang aking katawan nang may nakakabinging tunog akong narinig. Napahawak ako bigla sa aking ulo.

It sounded like sirens... it felt like the end.

Nangyayari nanaman.

Mas lalo akong kinabahan nang parang hinuhugutan na ako ng hininga. The air was getting thinner, that I couldn't even breathe through my nose. Nasa malawak akong pwesto pero parang nakukulong ako.

I clenched my hand above my chest to feel the erratic beat of my heart. The familiar feeling suffocates me. I feel trapped. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay mamamatay na ako. Natatakot ako.

Nanatili lang ako sa ganoong pwesto pero ngayon ay nag-pokus sa pag-hinga. Ginawa ko ang breathing exercise na itinuro sa akin ng pinsan kong nurse. I was trying to keep my senses back and stay calm nang makarinig nanaman ako ng mahinang tinig but this time it was clearer.

When we Coalesce (San Jose Series I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon